Nang makarating sa munting karenderya ay agad akong bumili ng pwedeng ulamin . . tatlo lang naman kami ni tiyang at anak niyang si Lee.
"Manang Vilma pabili po ng pakbet at kaldereta" Ani ko , dali dali namang nagbalot si manang V .
" Alam mo ineng pag igihan mo ang pag aaral mo para makaalis kana jan sa bruha mong tiyahin, lumuwas ka ng maynila panigurado may putyur ka doon" may pa English pang sabi ni manang V
"future Po manang hindi putyur" medyo naaliw ko sagot sa kanya .
"o parehas din Yun Basta may tyur, mag apply kang Modelo doon por sure papasa kang modelo ,di mo lang pansin sobrang Ganda mo at mataas ka mapag kakamalan ka na ngang 20 dahil sa height mo" mahabang palatak nya .
di ko Rin maitatangging sa edad Na disesyete ai halos 5'6 na ang height ko napapaisip nga Ako kung San ako nag mana dahil di ko naman nakita ni Minsan ang nanay ko . . at lalong di ko kilala ang tatay ko . . kung titingnan naman si tiyang ay wala ni konting hawig kame. .
Agad na akong nagsaing pagkarating , oo ako pa ang nagsaing pati pa ang paghuhugas ng pinagkainan nila kaninang tanghalian ay hinugasan ko pa. .
di ko alintana ang pagod na nararamdaman ko sa maghapong pag tatrabho . . konting tiis nalang hiyaw ko sa aking isipan.
Kahit naiinis ako kay tiyang dahil sa panghahamak at minsay pananakit nya sa akin di ko parin maiwasang magbigay galang sa kanya dahil kahit papaano ay itinaguyod nya Ako,pinalaki kahit wala siyang nakuhang suporta galing sa ina ko. .
naalala ko pa lagi akong umiiyak noon dahil sinasabihan Ako ng mga Bata na putok sa buho dahil nga Wala akong mama .
"Tiyang kakain na Po!"
pagtawag ko sa kanilang dalawa ni Lee . .halos mag kasing edad lang kami ng anak ni tiyang yun nga lang kinulang ito sa height. .
"oh syanga Pala Mira! uuwi kame sa Mindanao isasama ko si Lee,Wala na akong maitutulong pa Sayo, Tama na siguro na inalagaan kita ng matagal na panahon,tsaka di ko na kailangan pa ng dagdag sa alahanin ko."
mahabang paliwanag nito habang ngumunguya , di ko nmn mapigilan ang namuong luha sa mga mata . . dahil kahit ganun si Tiyang sya nalang ang pamilya ko . . saklap talaga ng kapalaran dahil yung natitirang masasabi kong pamilya ay iiwan din Ako sa ere , buti nalang sinikap kong matuto maghanap Buhay sa murang edad . .
Di na lamang ako umimik habang kumakain ay parang di ko malunok ang pagkain pakiramdam ko Ay naipon lang lahat nang Yun sa lalamunan ko. .
"oh di kana umimik Jan,sa makalawa na Ang Alis Namin,at Wala nang advance na bayad itong tinitirhan natin kaya Wala na akong magagawa kong palayasin ka ng may Ari Ng nererentahan nating Bahay! "
dagdag nya pa na lalong nagpa lugmok sa nararamdaman ko , saan na Ako pupulutin nito , graduation pa Naman Namin sa makalawa Saka pa naisipan ni tiyang na umalis.
"di ko na ba kayo mapipigilan tiyang?" parang may hinanakit na tanong ko Dito
"hay naku Mira wag kana mag inarte jan ! mag kanya kanya na tayo ng buhay,marami din akong di naabot dahil sa pag aalaga ko Sayo na imbes itong anak ko lang Ang alagaan at palamunin ko noon at dumagdag ka pa at lalong nagkandalitse litse Ang Buhay ko. . "
di na lamang ako kumibo at tahimik na niligpit Ang pinagkainan at naghugas ng mga pinggan..
Hanggang sa pumasok na Ako sa munting kwarto at natulog..bahala na Ang bukas ,nakatulog akong maraming pangamba sa isip at puso ko.