Habang pauwi galing sa trabaho ay may nadaanan akong isang pamilyang nagtatawanan , di ko mapigilang mag Muni-muni dahil para sa akin Ang unfair
Ng Buhay . .
"ba't may mga pamilyang kahit payak lang Ang pamumuhay ay sobrang saya?"
di ko mapigilang maibulalas habang naglalakad ng mag-isa ay ang daming katanungan sa aking isipan. .
"bat sila may buong pamilya samantalang ako ay Wala?" di ko nalang napansin na may butil na pala ng luha na pumapatak sa pisngi ko. .
Malungkot akong napatingin sa mga kamay Kong may kalyo na kahit sa murang edad ko pa . . nasasaktan ako sa tuwing nakakakita ng inang inaalagan ang kanilang anak , lumaki kasi akong walang kinagisnang Ina basta ang sabi ni tiyang ay pinabantayan lang ako ng aking inay at may bibilhin daw sa bayan pero di na bumalik pa . Hindi rin naging maganda ang pakikitungo sa akin nina tiyang dahil para sa kanila ay dagdag lang akong palamunin , kaya hanggang elementarya lang nila ako pinag aral nag kusa na akong maghanap ng trabaho para may maitustus ako sa sekondarya .
"hoi Aki nagdala ka ba ng pwedeng maging hapunan?" Ani ng pinsan kong batugan ang anak ni tiyang flora. Wala na itong ginawa kundi ang humilata at bumarkada galing sa school . .
"Bibili pa lang Ako Lee,pag katapos kung mag bihis.Galing pa kasi ako sa trabaho" mahinang ani ko sa kanya. . putsa Naman 250 lang Ang kinita ko ngayon ay mababawasan pa , di nmn kasi ako pwedeng tumanggi at malilintikan na Naman ako Kay tiyang, ipapamukha na Naman nya sa akin ang pag aalaga nya,kesyo kahit tumanda pa akong mag Banat Ng buto para makatulong sa kanila ay di pa sapat para mabayaran yung hirap nya sa pag aalaga sa akin Nung sanggol pa lang ako .
Pagod na pagod na napasalampak ako sa sahig at binuksan ang munting karton na pinaglalagyan ko ng mga damit .
Kumuha Ako ng isang pares at dali daling nag palit ng damit . .Binilang ko na muna Ang perang naiipon ko , napangiti ako ng umabot na iyon ng two thousand . . eighteen na ako next month isang taon nalang at magtatapos na ako ng sekondarya .Balak kong magpaalam kay tiyang at magtrabaho sa maynila pag ka graduate ko .
"Akiraaa !! bat wala pang pagkain"!! halos
labas na ang ugat ni tiyang habang sumisigaw,nka uwi na pala ito galing sa pag susugal . . inis na lumabas ako sa munting kwartong inuokupa ko .
"Anjan na po tiyang pasensya na kararating ko lang po kasi galing sa trabaho"
"ang sabihin mo maramot ka lang! Alam mo Naman na wala tayong ulam kanina di ka nalang bumili , sa bagay mana ka sa nanay mong pokpok , iniwan ka lang dito na di man lang nag Iwan kahit isang sentimo pambili ng gatas at diaper mo! !
pareho kayong walang silbi! "
mahabang talak ni tiyang sakin may Kasama pang pag duduro ng kanyang kamay. .kahit nakasanayan ko na ay masakit pa rin para sa akin na inabandona ako ng sarili Kong Ina . Ang Sabi pa ni tiyang ay baka nagpa buntis lang ang nanay kong pokpok sa syudad at di kilala Ang tatay ko kaya basta basta nalang akong inabandona. .
Gabi-gabi akong umiiyak at tinatanong sa sarili ko kung ano ang kas