“HOW ARE YOU na Samantha?”
Nagising siya kinabukasan si Samantha dahil narinig niyang may kausap si Alex sa labas ng bahay, hindi agad niya nakilala ang kausap nito kay sumilip siya sa bintana at laking gulat niya nang makita ang kanyang ama kasama din si Jaime at ilan pang bodyguard.
“I’m okay Dad” sagot niya. “You knew it all along?” nakakunot noong tanong niya.
“Yes Hija, alam kong nandito kayo ni Alex” sagot nito.
Nasa sala na sila ngayon at kasalukuyang nagka kape
Tumingin siya kay Alex na katapat niya sa upuan. Ang kanyang ama naman ay nasa kanan niya. Nakatayo si Jaime sa likuran ng kanyang ama, malapit sa pintuan ng bahay. Ang ibang bodyguard naman na kasama ng kanyang ama ay nasa labas lang.
Muli siyang tumingin sa kanyang ama. “Dad, ano ba talaga nangyari?” tanong niya.
Tumingin muna ito kay Alex na tila nagtatanong kung dapat na bang sabihin ang lahat sa kanya. Pero bakit, bakit kailangan nitong magpaalam kay Alex.
Nang balingan naman niya si Alex ay wala siyang makitang kahit anong mang emosyon sa mukha nito. Nakatingin lang ito sa kanya. Muli niyang ibinaling ang kanyang tingin sa kanyang ama.
Tumingin din sa kanya ang ama niya bago ito nagsalita. “Bago ako mag kwento Samantha, ano ang naaalala mo noong nasa ospital ka pa?” tanong nito.
Napakunot noo siya, nagtataka kung bakit kailangan pang tanungin iyon kung pwede naman nitong sabihin na agad ang nangyari. Pero napaisip din siya dahil hindi niya din talaga inisip kung ano nangyari bago siya napunta dito.
Sinubukan niya munang mag isip bago sumagot. “Ang naalala ko lang after umalis ni Aivee, inalalayan akong kumain ni Alex ng dinner dahil wala pa din si Loisa, then nakaramdam na ako ng antok” nakakunot noong kwento niya na tila nahihirapang isipin ang nangyari. Nang bigla siyang may maalala.
“Dad” sabi niya na halatang may naalala. “Ngayon ko lang naalala, ang alam ko nagising ako ng madaling araw. Hihingi sana ako ng tubig pero nagulat ako ng may nakatayo sa left side ko at parang may tinuturok siya sa dextrose ko” napatigil siya sa pagkukwento dahil iniisip niya kung ano ang sumunod na nangyari.
“Samantha?” tawag ng kanyang ama nang ilang minuto na siyang hindi nagsalita.
“Dad, para siyang familiar sa akin but I really don’t remember” naguguluhang sabi niya.
“Shh! Don’t force yourself Samantha. Just tell me what happened don’t mind kung sino yung nakita mo” malumanay na sabi nito.
Hindi niya alam kung bakit siya napatingin kay Alex na nakatingin din sa kanya. Hindi niya makitaan ng kahit anong emosyon ang binata. Hindi niya alam kung bakit siya kinabahan pero…
Hindi kaya si Alex ang pamilyar na taong iyon?
Muli niyang ibinaling ang kanyang tingin sa kanyang ama. “Tapos nagising na lang ako na para akong naghihina, hindi ko mamulat ng maayos ang mga mata ko, hindi ko kayang igalaw ang kamay at paa ko. Pakiramdam ko may nakatakip sa mga mata ko. Gusto kong bumangon pero hindi ko magawa” muli niyang naramdaman ang takot na nararamdaman niyang noong araw na iyon. Hindi niya napansin na pinaglalaruan niya na ang kanyang mga daliri habang nagkukwento.
“Tinawag kita …” sabi niya sa kanyang ama na sertosong nakatingin sa kanya. “…pero walang sumasagot.
“Tinawag din kita…” si Alex naman ang binalingan niya ng tingin. Nagulat siya sa emosyong nakikita niya kay Alex para itong nag aalala pero may galit sa mga mata. “…pero hindi ka din sumagot” sabi niya at agad na umiwas ng tingin dahil hindi niya makaya ang tingin nito sa kanya.
“Tinawag ko si Mang Benny, tinawag ko si Loisa pero walang sumasagot. Hindi ko alam kung bakit hindi niyo ako naririnig o sadyang walang boses na lumalabas sa bibig ko. Alam ko ng mga oras na iyon nasa ospital pa din ako dahil naririnig ko ang mga tao, naririnig ko ang ingay sa paligid at alam ko na umaandar ako, hanggang sa pakiramdam ko nasa labas na ako, naramdaman ko ang hangin, naramdaman ko ang ingay ng sasakyan. Hanggang sa maramdaman kong naghihina na ako, natatakot akong ipikit ang mata ko pero nanghihina na ako, natatakot ako na baka hindi na ako magising, hanggang sa hindi ko na kinaya, patulog na ako ng…” napakunot noo uli siya ng maalala ang huling narinig niya bago siya nawalan ng malay. “…hanggang sa marinig ko si Alex na tinawag ako” sabi niya sabay lingon kay Alex.
Walang nagbago sa reaksyon nito ng mapatingin. siyang muli dito, nakikita pa din niya ang pag-aalala dito pero andoon pa din ang galit sa mga mata. Pakiramdam niya ang galit ito sa kanya, pakiramdam niya ay alam na nang kanyang ama na siya ang suspek sa pag kidnap kay ganoon na lang ang galit nito sa kanya.
“I’m sorry Samantha if I was not there and I am sorry if I need you to remember it. Kailangan kong malaman ang nanyari bago ang pagkidnap” sabi ng kanyang ama.
“What do you mean Dad?” nagtatakang tanong niya.
“Ilang minuto pa lang nawawala si Alex nang mangyari ang pagkidnap sayo, ibig sabihin may nakaabang na talaga sa kwarto mo at naghihintay ng pagkakataon na mawalan ka ng bantay” kwento ng kanyang ama.
“Naabutan ka na lang ni Alex na sinasakay sa sasakyan, noong tinawagan niya ang bantay sa labas ng kwarto mo walang sumasagot, nalaman na lang namin na nasa loob din sila ng kwarto at walang malay” tumingin ang kanyang ama kay Alex bago ipinagpatuloy ang kwento.
“Hinabol ka ni Alex” napatingin din siya kay Alex na nakayuko na kaya hindi na niya makita ang reaksyon nito. “Tinawagan niya si Benny at ibinigay ang plate number ng sasakyan kung saan ka isinakay, nang mapansin ng kidnaper na hinahabol sila ay mas lalo bumilis ang andar nila at ganoon din si Alex. Pinagbabaril nila si Alex…” halos manlaki ang mata niya dahil sa kanyang narinig.
Pinagbabaril si Alex? Habang pinagbibintangan ko siya ang suspek.
Gusto niyang makita ang mukha ni Alex, gusto niyang makita ang mga mata nito pero nakayuko pa din ito. Hindi niya maisip na magagawa ni Alex na mapahamak para lang mailigtas siya o baka dahil nahihiya ito sa kanyang ama na nagpasok sa dito bilang bodyguard niya.
“Halos isang oras din ang habulan na nangyari sa inyo hanggang sa wala ng malusutan ang sasakyan niyo Samantha. Bumaba agad si Alex para puntahan ka, pero naunahan siya at binaril siya at pagkatapos ay tumakas ang taong yun hanggang sa nakuha ka ni Alex. Nagdesisyon kami na ilayo ka muna dito para sa sarili mong kapakanan” pagtatapos nito.
“I…I’m sorry Alex, hindi ko alam” mahinang sabi niya kay Alex.
Nakaramdam siya ng hiya dahil sa binibintang niya kay Alex pero hindi pala ito masamang tao.
“It’s okay” sagot lang nito. Nakatingin na ito sa kanya at bahagyang naka ngiti.
“Sorry for what?” nagtatakang tanong ng kanyang ama.
“Pinagkamalan ko siyang kidnaper Dad” mahinang sagot niya.
“What?” gulat na tanong ng kanyang ama.
“Look Dad, I’m really sorry. Una pa lang hindi na kami magkasundo kaya akala ko may masama siyang balak kaya kung anu ano ang iniisip ko against him” mabilis na paliwanag niya.
Natawa naman ang ama niya na pinagtaka niya dahil akala niya ay magagalit ito. “Mag-ayos na kayo aalis na tayo” sabi na lang ng kanyang ama.
“Uuwi na tayo?” tanong niya.
“Yes, nahuli na namin ang taong gustong kumidnap sayo” sabi ng kanyang ama.
“Really Dad? Sino siya?”
“Pagdating na lang sa Maynila ko sasabihin, mag asikaso na kayo” sabi lang ng kanyang ama at agad na lumabas ng bahay na agad namang sinundan ni Jaime.
“I’m sorry Alex kung hindi ako nagtiwala sa’yo at salamat sa pagligtas sa akin” sabi niya nang maiwan silang dalawa.
Bahagya itong ngumiti sa kanya. “It’s okay Sam, ang importante ligtas ka na”
“Kamusta ang sugat mo?” tanong niya.
“Hindi naman malala, mas malala pa yung sugat mo” sabi nito.
“Pwede kong tingnan?”
Umiling iling ito. “No Sam, wag na” sabi lang nito.