PAGKAGISING MULI NI Samantha ay nasa isang lugar na naman siya na hindi pamilyar sa kanya. Isang maliit na silid na may maliit na bintana sa paanan ng higaan niya, may isang kabinet na nasa kaliwang bahagi ng higaan niya at nasa tabi ng kabinet ang pintuan ng silid.
Hindi niya alam kung nasa totoong mundo na ba siya o nasa panaginip pa din siya. Sinubukan niyang umupo pero naramdaman niya ang sakit ng kanyang balikat kaya napabagsak uli siya sa higaan kaya alam niyang hindi na ito panaginip, buti na lang ay may kutson ang higaan. Sinubukan niya uling umupo pero sa pangalawang pagkakataon ay dahan dahan niya lang ginalaw ang katawan niya para maalalayan ang kanang balikat at braso niya.
Tumingin siya sa bintana para alamin kung nasaan siya ngunit hindi din pamilyar ang nasa labas. Para siyang nasa probinsya, isang malaking bakuran ang nakita niya mula sa bintana at iba’t ibang uri ng puno na hindi pamilyar sa kanya.
Nang akmang tatayo na siya ay napansin niya na iba na ang suot niya. Naalala niya na nasa ospital siya at nagpapagaling, naalala niya ang pakiramdam niya na parang hinihila ang higaan niya pero wala siyang magawa dahil hinang hina siya.
Hindi kaya nakidnap ako?
Malakas na kumabog ang dibdib niya dahil sa naisip niya ngunit kung na kidnap man siya bakit hindi siya nakatali o nakakulong man lang at bakit bukas ang bintana sa silid niya. Naguguluhan man siya ay dahan dahan pa din siyang pumunta sa pintuan, natatakot siya, pero gusto niyang malaman ang nangyayari.
Bahala na.
Dahan dahan niyang binuksan ang pintuan, isang maliit na sala ang nakita niya, malinis iyon, sa mga napapanuod niya kadalasan madumi ang paligid na pinagdadalhan sa mga kinikidnap. Dahan dahan siyang lumabas ng silid. Napaka simple lang ng sala, may pares ng mga upuan na gawa sa kahoy at walang anumang sapin, may maliit na lamesa sa gitna, mayroon ding maliit na telebisyon na lumang modelo na.
Mayroong kurtina sa bandang kaliwa ng sala kahilera kung saan nakalagay ang telebisyon. Kung hindi siya nagkakamali ay iyon ang kainan o kusina dahil naamoy niya na doon nanggagaling ang pagkaing kanina niya pa naamoy.
Sa bandang kanan naman ng sala ay ang pintuan palabas ng bahay na kahilera ng bintana ng silid na pinanggalingan niya. Meron ding bintana sa sala na tapat ng silid.
Napakagandang pagmasdan ng simpleng salang nakikita niya ngayon, lalo na’t pumapasok ang sikat ng araw, pakiramdam niya ay ang tahimik ng utak niya sa lugar na ito.
Pinagiisipan niya kung pupunta ba siya sa labas o sa kusina kung saan may pagkain, lalo na’t nakakaramdam na din siya ng gutom ngunit gusto din niyang lumabas dahil gusto niyang makita ang kabuuan ng bakuran. Pero nanaig ang kanyang gutom kaya dahan dahan siyang naglakad papunta sa kurtina na sa tingin niyang naghahati sa kusina at sa sala.
Paghawi niya ng kurtina ay namangha din siya sa ganda ng kusina. Maliit pero malinis at maaliwalas. Mula sa pwesto niya ay kita agad ang kabuuan ng kusina. May isang maliit na lamesa na kasya ang apat na tao kapag kakain, ang lutuan ay nasa dulo ng kusina na katapat ngayon ng kinatatayuan niya at sa kanan naman niya ay ang lababo ng kusina, halos napapalibutan din ng binatana ang buong kusina kaya napakaaliwalas ng lugar. Meron din isang pintuan sa kanyang kaliwa na katapat ng lababo, hindi niya alam kung ano ang pintuan na iyon dahil sarado. At meron din isang bukas na pintuan na nasa dulo na kahilera ng lutuan. Nagulat na lang siya nang biglang may pumasok sa pintuan na iyon. Si Alex.
“SAM”
“ALEX?”
“Bakit bumangon ka na?” agad na tanong sa kanya ni Alex.
“Sabi na nga ba e, ikaw talaga ang may masamang balak sa pamilya namin” sabi niya sa halip na sagutin ang tanong nito.
Binaba ni Alex ang timbang bitbit nito at nakita niyang may lamang tubig iyon.
Simple lang ng suot ni Alex na ikinagulat niya (pero hindi niya iyon pinahalata) dahil ngayon niya lang ito nakita sa ganoong porma. Naka T-shirt lang ito na kulay grey, maong na short, at tsinelas lang. Ibang iba sa lagi niyang suot bilang bodyguard niya. Pero para sa kanya kahit na ordinaryo lang ang suot nito ay lumulutang pa din ang kagwapuhan sa buong pagkatao nito.
“Anong ibig mong sabihin?” nawala ang atensyon niya sa pagkilatis niya sa suot nito nang magsalita ito.
“Ikaw talaga ang gustong kumidnap sa akin, ikaw ang nagpapadala ng death threat sa pamilya namin, mabait ka sa harap ni Daddy para pagkatiwalaan ka niya pero ang totoo ay may masama kang pakay” sunod sunod na sagot niya sa iisang tanong nito.
Dahan dahang lumalalapit sa kanya si Alex. “Alam mo hanggang ngayon hindi ka pa din marunong kumilala kung sino ang masama sa hindi” sabi nito hanggang sa halos dalawang baitang na lang ang pagitan nila.
Natataranta man siya dahil sa paglapit nito ay hindi niya ito pinahalata. “I can smell you, so don’t deny it” pagsusungit na sabi niya.
Iniurong ni Alex ang isang upuan. “Alam mo kumain ka na lang muna para mahimasmasan ka” sabi nito at itunuro ang upuan para sabihin na umupo na siya.
Tumikhim siya at tinaasan ito ng kilay. “Ayoko!” sabi niya. “Paano kung may lason yang pagkaing hinanda mo?”
“Alam mo kung lalasunin lang kita sana hindi ka na nagising pa, kaya umupo ka na dito”
“No, I don’t want to eat” pagmamatigas niya.
Huminga ng malalim si Alex bago magsalita. “Fine, total bihag naman kita, itatali na lang kita at susubuan kita ng pagkain hanggang sa maubos mo ang pagkain” sabi nito. Tumingin tingin ito sa paligid na parang may hinahanap.
Padabog siyang na umupo. Hindi siya natatakot kung itatali siya nito pero isipin niya pa lang na ito ang magpapakain sa kanya, pakiramdam niya pinagtataksilan niya na si Pierre.
“Anong nangyari?” mahinang tanong niya kay Alex.
“Kinidnap kita” sagot nito na halatang nang aasar.
Nakatayo na ito sa kabilang malapit sa lababo, nakaharap ito sa kanya at nakasandal naman ang likod nito sa lababo, naka krus ang mga braso sa dibdib nito.
Tiningnan niya ito ng masama dahil sa sagot nito.
“What?” pang aasar na tanong nito. “Ikaw nagsabi diba kaya panindigan natin” nakangising sabi nito.
“How dare …” patayo na sana siya nang bigla itong magsalita.
“Don’t you dare to move or else itatali talaga kita” sabi nito. “Kumain ka na, kagabi ka pa walang kain, at kailangan nating linisan ang balikat mo” mas malumanay na sabi nito.
Ngumisi naman siya dito para mang asar din. “Napaka bait mo naman sa bihag mo”
“Kailangan kitang alagaan” sabi nito habang nakatitig sa kanya. “Para mas malaking reward ang makuha ko” nakita niya ang pagiging seryoso ng binata.
Kinabahan siya sa sinabi ni Alex. Ibig sabihin papalabasin lang ni Alex na may kumidnap sa kanya at ito ang nakakita sa kanya para may makuha itong reward sa Daddy niya.
“Hindi ka ba kakain o kailangan kitang pakainin?” sabi ni Alex.
Hindi na siya lumaban pa dahil naramdaman na niya ang sakit ng tiyan niya dahil sa gutom kaya kumain na din siya. Isda at itlog ang pagkaing nakahanda sa lamesa. Habang kumakain siya ay nakatingin lang sa kanya si Alex pero hindi na niya na ito pinansin.
Pagkatapos niyang kumain ay si Alex na din ang nag ayos ng lamesa at naghugas ng mga pinggan. Lumabas siya sa bakuran para pagmasdan ang mga puno na nakita niya kanina mula sa bintana ng silid at doon niya lang din napansin na malapit pala sa dagat ang bahay na tinutuluyan niya ngayon. Meron ding isang duyan na nakasabit sa isang matibay na sanga ng malaking puno na hindi niya alam kung anong puno iyon. Ang duyan na iyon ay nakaharap sa dagat. Pakiramdam niya ay mapayapa ang buhay dito.
Lumapit siya sa duyan at doon niya din napansin na meron din palang malaking bangko sa tapat ng malaking puno na nakaharap din sa dagat. Umupo siya sa duyan at dahan dahang idinuyan ang sarili niya.
Hindi niya alam kung bakit ang gaan gaan ng pakiramdam niya sa mga oras na iyon. Parang ayaw niya nang bumalik sa siyudad at manirahan na lang dito. Ilang minuto siyang nanatali sa labas para magpahangin, nagpasya siyang bumalik sa loob ng bahay nang mapansin niyang malamok na sa pwesto niya.
Pag ikot niya paharap sa bahay ay nakita niyang nasa pintuan si Alex, nakasandal ang kaliwang balikat nito sa pintuan at naka krus ang mga braso sa dibdib nito. Nakatingin ito sa kanya. Dahil sa sikat ng araw ay hindi niya maaninag ang reaksyon ng binata basta ang alam lang niya ay nakatingin ito sa kanya. Dahan dahan siyang naglakad pabalik sa bahay pero ang tingin niya ay hindi din umaalis sa binata. Papalapit na siya ng papalapit sa pintuan at unti unti na niyang naaninag ang mukha nito. Napakagwapong mukha, mapupungay na mata na nakatingin sa kanya, ang kanyang magandang labi na may maliit na ngiting sumisilay, bakit ang lakas ng dating nito sa kanya.
Halos magkaharap na silang dalawa pero wala pa ding nagtitinag sa mga titigan nila. Hanggang siya na ang unang kumawala sa titigan nila, dumaan siya sa kanang bahagi ng pinto dahil nasa kaliwang bahagi ng pinto nakasandal si Alex. Nilagpasan niys si Alex, hanggang sa hinawakan siya nito sa kanyang kaliwang braso na puno ng pag iingat.
“Sam …” malumanay na sabi nito. “…kailangan na nating linisan ang sugat mo”
Sam. Napakasarap ng pagtawag niya sa pangalan ko.
Napatango na lamang siya sa sinabi nito.
HAPON NA NG magising si Samantha. Pagkatapos linisan ni Alex ang kanyang balikat ay pinagpahinga muna siya nito at agad din siyang nakatulog pagpasok niya sa silid. Ilang beses niyang tinanong si Alex kung ano ang nangyari pero iniiba nito ang usapan. Bumangon siya dahil nakaramdam siya na kailangan niyang magbanyo, itinuro sa kanya ni Alex kung nasaan ang banyo, iyon yung isang pintuan na nakita niya kaninang umaga na nasa kusina.
Bubuksan na sana niya ang pintuan ng banyo nang may marinig siyang kaluskos sa likod bahay kung saan niya nakitang pumasok kanina si Alex. Sa halip na dumeretso sa banyo ay pinuntahan niya ang kaluskos na naririnig niya dahil baka may ibang tao sa paligid. Pagsilip niya sa pintuan ay nakita niya si Alex na may kahalikang babae.
“Sam!?” nahalata niya ang gulat sa mukha ni Alex.
Tila naman namula ang buong mukha niya dahil sa hiyang nararamdaman niya.
“Hmm … I’m sorry hindi ko sinasadya” nahihiyang sabi niya at agad siyang pumunta sa banyo. Napasandala pa siya sa pintuan para lang makabawi dahil sa gulat.
Dahil sa hiya ay ilang minuto din siyang nanatili sa banyo. Hindi niya alam kung gaano siya katagal nanatili sa loob pero ang alam niya ay matagal siyang nandoon. Paglabas niya ng banyo ay nagulat siya ng makita si Alex na nasa kusina, nakasandal ito sa lamesa at tila hinihintay siya.
“Sam, can we talk?” seryosong tanong nito.
Hindi siya makatingin ng deretso kay Alex dahil sa hiya. “Hmm … kung papagalitan mo ako dahil bigla akong lumabas, sorry, hindi ko sinasadya, sa CR talaga ako pupunta ng may narinig akong kaluskos kaya tiningnan ko kung ano yun, wala akong balak na sirain ang araw niyo” mahabang sagot niya kahit wala namang ibang tinanong si Alex.
“Sam, please look at me” malumanay na sabi nito.
Tumingin naman siya dito. “What?” nahihiyang tanong niya.
Nakita niya ang pagbuntong hininga ni Alex bago nagsalita. “Hindi mo sinira ang araw ko at nagpapasalamat pa ako ng bigla kang dumating, matagal ko ng tinutulak yun palayo sa akin pero makulit”
Bakit parang nagpapaliwanag sa akin si Alex?
“Hmm … I think hindi mo naman kailangang magpaliwanag sa akin kasi …” naghahanap siya ng tamang salita. “…dahil wala namang dapat ipaliwanag?” patanong na sabi niya. Mula sa nahihiyang postura niya ay umayos siya ng tayo at deretsong tumingin kay Alex. “Look, kahit naman sinong babae ang maging kahalikan mo wala naman akong pakiilam diba? And I have a boyfriend too” pagtatapos niya.
Nakita niya ang pagtangis ng panga ni Alex at mula sa kalmadong mukha nito ay biglang nagbago ito sa pagiging seryoso.
“Excuse me, balik muna ako sa kwarto” hindi na niya hinintay pa ang sagot ni Alex at umalis na agad siya.
GUSTO SANANG LUMABAS ni Samantha pero hindi niya alam kung bakit wala siyang lakas ng loob na lumabas. Dahil ba nahihiya pa din siya dahil sa nangyari kanina o dahil naguguluhan siya sa pagpapaliwanag ni Alex. Hindi din siya nito kinatok para kumain, pakiramdam niya ay nasobrahan siya ng salita dito, pero ang alam niya wala namang mali sa mga sinabi niyag.
Binuksan niya ang bintana para makita ang dagat nang marinig niya si Alex na may kausap sa kanyang selpon.
“Yes Sir, andito po siya” sabi ni Alex.
“Huwag po kayong mag aalala maayos po siya”
Nakita niyang kumunot ang noo ni Alex.
“Marami tayong makukuha kapag nalaman niya”
“No Sir, I’ll make sure na walang makakaalam”
Sa hindi malamang kadahilanan ay nakaramdan na naman siya ng takot dahil sa naririnig niya.
Meron talagang masamang balak si Alex.
Dahan dahan niyang sinara ang bintana para hindi siya marinig ni Alex, kinando niya ang bintana para hindi ito mabuksan sa labas at ni-lock din niya ang seradura ng pintuan ng silid. Dahil sa pag iisip kung paano niya mapapaamin si Alex at kung paani siya makakatakas ay hindi na niya namalayan na nakatulog na pala siya.
“SAM?”
Nagising siya dahil sa pagtawag sa pangalan niya at nagulat siya nang makita niya si Alex na nakaupo sa higaan niya. Dahil sa pagkataranta ay bigla siyang napaupo.
“Anong gi …” hindi natuloy ang sasabihin niya dahil nagsalita na si Alex.
“Shh! Sam, wag mo pwersahin ang sarili mo” nag aalalang sabi nito.
“How did you get inside? I locked the door and close the window” tanong niya dito.
“I have a key, this is my house, remember? At bakit ka nag lock ng pinto?” tanong nito sa kanya.
“I … I …” ayaw niyang malaman ni Alex ang tungkol sa usapang narinig niya. “…I’m just protecting myself” mahinang sabi niya.
“Protecting? From me?” nakita niya ang pagtataka sa mukha nito.
“From anything, hindi ko alam kung sino pwedeng pumasok dito kaya ni-lock ko yung pinto. Bakit ka ba nandito?” pag iibang paksa niya.
“Hindi ka pa kumakain ng dinner, kanina pa ako kumakatok kaya nag-alala ako dahil hindi ka sumasagot, akala ko kung ano nangyari sayo” malumanay na sabi nito. “Bumangon ka na muna para kumain, ipagpatuloy mo na lang ang pagtulog mo pagkatapos mong kumain”
“I’m okay Alex, I want to sleep” pagpapanggap niya.
“No, you will eat, if you want I will get you food para hindi ka na tumayo”
“Please, I want to sleep” pagmamatigas niya.
“Sam” nakikiusap na sabi nito.
Hindi niya alam kung bakit ang bilis niyang bumigay kay Alex sa tuwing tinatawag siya nitong Sam na may halo pang pakiusap.
“Okay fine, I will eat” sabi niya.
Ngumiti naman sa kanya si Alex, ngiting ngayon niya lang nakita, ngiting bagay na bagay sa kanyang gwapong mukha. At muli, nadala na naman siya dahil sa isang ngiting iyon, gumanti din siya ng ngiti sa binata.
“Hindi ka pa kumakain” tanong niya kay Alex habang nasa kusina sila.
“Hindi pa, sabay sana tayo pero hindi ka lumalabas ng kwarto kaya hinayaan na muna kita hanggang sa makatulog ako sa sala. Nang maalimpungatan ako at makita ko yung oras, bigla akong nataranta dahil hindi ka pa kumakain at kailangan na uling linisin ang sugat mo” mahabang sagot nito. Magkatapat sila sa lamesa, nasa likuran ni Alex ang lababo at nasa likuran naman niya ang banyo.
“Tuwing kailan ba dapat linisin ang sugat ko?” tanong niya.
“Per Dr. Ramirez twice a day ang paglinis at 3 times a day naman ang gamot mo” sagot nito.
“Fine” sagot lang niya.
“SIGURADO KA GUSTO mong tingnan ang sugat mo?”
Pagkatapos nilang kumain ay agad na inayos ni Alex ang mga gagamitin para sa paglilinis ng sugat niya, lumipat sila sa sala para mas makaupo sila ng maayos.
“Yep, hindi naman na malala yan diba?” patanong na sagot niya.
Naalala niya noong unang beses niyang nakita ang sugat niya noong nilinisan iyon ng nurse. Hindi siya makapaniwala sa lalim ng sugat at sa kulay itim na balat sa paligid nito. Marahil iyon ang dahilan kung bakit nagtatanong si Alex dahil nakita nito ang reaksyon niya noong araw na iyon.
“Okay” sagot lang nito.
Kaninang umaga ay sinira ni Alex ang manggas ng kanyang T-shirt para malinisan ang sugat niya, ngayon yan naman ay naka tube top lang siya at pinahiram siya ng polo button ni Alex para mas madali nitong malinisan ang sugat niya.
Unti unti niyang tinanggal ang buong butones ng polo at hinubad ang kaliwang manggas niya. Bigla siyang nailang dahil pakiramdam niya ay lantad ang kalahating kawatan niya kay Alex, pero agad niyang iwinaksi ang pagkailang na nararamdaman niya para hindi iyon mapansin ni Alex.
“Okay ka na? Tanggalin ko na yung balot sa balikat mo” tanong nito.
Tumango siya bilang sagot.
Unti unti na nitong tinanggal ang nakabalot sa balikat niya. Agad siyang tumingin sa kanyang balikat habang tinatanggal ni Alex ang balot hanggang sa tuluyan niya ng nakita ang kanyang sugat.
Hindi na maga ang balikat niya, halos patuyo na din ang sugat niya. Ngayon niya lang napagtanto na hindi naman pala ganoon kalaki ang sugat, maliit lang, sobrang namaga lang dahil sa pagbagsak sa kanya ng debris.
“Lilinisan ko na” malumanay na sabi ni Alex.
Tumango lang uli siya bilang sagot.
Kumuha ito ng bulak at nilagyan ng alcohol. Mas lumapit ito sa kanya para mas makita nito ang sugat at mas malinisan ng maayos. Naiurong niya ang kanyang balikat nang dumikit na ang bulak sa balikat niya.
“Masakit?” nag aalalang tanong ni Alex.
Napatingin siya kay Alex, sobrang lapit na pala ng mga mukha nila sa isa’t isa. Pakiramdam niya ay isang dangkal na lang ang lapit ng kanilang mukha.
“N..o..” nauutal na sagot niya. “Feeling ko lang siguro masakit kaya kusa ng umiwas ang balikat ko” mahinang sabi niya.
“Okay, tuloy ko na” sabi nito na nakatingin pa din sa kanya.
Muling ibinaling ni Alex ang paningin nito sa balikat niya, dahan dahan nitong pinupunasan ang paligid ng sugat, hindi nito dinadaanan ang mismong sugat at hindi niya alam kung bakit. Habang patuloy sa paglilinis si Alex ay biglang humangin ng malakas.
Kahit nasa loob sila ng bahay ay pumapasok ang hangin mula sa labas dahil bukas ang mga bintana at pinto ng bahay. Kasabay ng malakas na hangin ay ang pag galaw din ng mahaba niyang buhok, naharangan ang sugat niya sa balikat. Hahawiin na sana niya ang buhok pero naunahan siya ni Alex. Dahan dahan nitong pinagtatanggal ang mga buhok na humarang sa sugat at inilagay iyon sa likod ng balikat. Hinawi naman niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang kaliwang kamay at hinawakan niya iyon para hindi na muling liparin kung sakaling humangin uli.
Napansin niya ang pagtingin ni Alex sa kanyang batok kaya niluwagan niya ang hawak niya sa buhok para muling matakpan ang kanyang batok. Tumikhim siya para maagaw ang atensyon ng binata.
Alam niyang naintindihan nito kung ang ibig niyang sabihin kaya ipinagpatuloy muli nito ang paglilinis ng kanyang sugat. Napangiwi siya nang lagyan na nito ng betadine ang sugat.
“Sobrang sakit ba?” nakita niya ang pag aalala sa mukha ni Alex.
“Hindi naman sobra, tolerable naman” sagot niya at umiwas na siya ng tingin sa sugat.
Ipinagpatuloy muli ni Alex ang paglilinis ng kanyang sugat hanggang sa naramdaman niya na binabalutan na uli ang balikat niya. Napalingon muli siya sa kanyang balikat kasabay ng pagtingin ni din ni Alex sa kanya, akala niya ay tapos na ito.
Tumikhin siya para mawala ang ilang sa pagitan nila o siya lang ang naiilang. “Hm..m.. Can I borrow your phone?” tanong niya. “I…I just want to call Pierre” dahil sa nararamdaman niyang pagkailang kay Alex ay pakiramdam niya ay pinagtataksilan niya na si Pierre.
Nakita niya ang pagtangis ang panga ni Alex at parang may dumaan na emosyon sa mukha nito na hindi niya mapangalanan. Iniiwas na nito ang tingin sa kanya. “You are not allowed to use cellphone” sabi nito habang inaayos ang mga ginamit nito. Tumayo ito at seryosong tumingin sa kanya. “Remember, I kidn*pped you” pagalit na sabi nito at biglang umalis.