“WHAT THE HELL you are doing?”
Laking gulat ni Samantha nang marinig si Pierre dahil naabutan sila ni Alex na halos magkadikit sa isa’t isa. Kasalukuyan siyang inaalalayan ni Alex na makaupo, sa unang tingin ay pagkakamalan na para silang magkayap dahil inaalalayan ni Alex ang kanyang likod ng dalawang kamay nito.
“Pierre?” ang nasabi lang niya. Hindi siya nahihiya dito dahil sa naabutan nito dahil wala naman silang ginagawang masama ni Alex.
“Hey, don’t touch my girlfriend” sabi nito na parang hindi naman naririnig ni Alex.
Lumapit si Pierre sa kanilang dalawa at akmang hihilahin nito si Alex nang bigla itong magsalita.
“Don’t you dare na hilahin ako or else babagsak si Samantha” sabi ni Alex.
Kahit na may tensyon sa dalawang binata ay hindi pa din nagbago ang pagkakahawak ni Alex sa kanya. Magaan pa din at ramdam niya ang pag iingat nito sa kanya.
“Babes, please help him na lang” sabi niya kay Pierre.
Dahil alam ni Pierre na wala na itong magagawa ay sumunod na lang din ito sa kanya.
Nang makaupo na siya ng maayos ay naramdaman niya ang pagtingin sa kanya ni Alex bago umalis at umupo sa couch.
“Siya lang kasama mo today?” mahinang tanong ni Pierre sa kanya.
“Yes Babes, kakauwi lang ni Loisa babalik siya mamayang gabi” walang lakas niyang sagot dito dahil pakiramdam niya ay nanghihina siya.
“Oh s**t!” mahina pa ding sabi ni Pierre na pinagtaka niya.
“Why Babes?”
“Hindi ako mapapakali kung siya lang ang kasama mo dito, hindi pa naman ako magtatagal ngayon Babes, may naghihintay sa akin sa office”
“It’s okay Babes, I understand”
Napatingin si Pierre sa kanang braso niya at alam niya na kung ano ang tinitingnan ng kanyang kasintahan.
“What happened to your arm Babes? Bakit ang laki ng pasa”
“Late na lumabas yung pasa Babes, pero nakuha ko yan nung nanlaban ako sa suspect” sagot niya. “How are you Babes?” balik tanong niya.
“As usual busy pa din Babes, sunod sunod yung mga nag reresign sa company at hindi pa din namin malaman kung sino ang pasimuno sa nakawan sa kumpanya, kaya nagpapatulong na ako to investigate those things” sagot nito.
“How about Tita?” sinusubuka niyang maging normal ang boses niya kahit na nakakaramdam siya ng panghihina pero mahinang boses pa din ang lumalabas sa bibig niya.
“She’s at home na, pero need pa din bantayan may oras kasi na inaatake siya ng takot kahit walang dahilan”
“Kilala mo na kung sino kausap niya bago siya inatake?”
“Nope Babes, isa pa yan sa pinapaimbestiga ko”
“I’m sorry Babes, hindi man lang kita matulungan”
“No Babes, it’s okay, you need to rest, ikaw nga ang hindi ko natutulungan ngayon. I Love you Babes” sabi nito sabay halik sa kanyang noo.
Hindi naman niya sinasadyang mapatingin kay Alex na nakatingin din sa kanya, hindi niya mabasa kung ano ang ibig sabihin ng tingin nito at ang mga panga nito ay nagtatangis. Umiwas ito ng tingin ng biglang bumukas ang pinto ng silid.
“Ma’am Samantha!”
“Aivee”
“Ma’am, kamusta ka po? Sorry ngayon lang ako nakadalawa” sabi nito.
Napansin niya na tila naghahabol ng hininga si Aivee.
“Are you okay? Bakit parang hinihingal ka?” tanong niya.
“Yes Ma’am, okay lang ako, naiwanan kasi ako ng elavator kaya naghagdan na lang ako” sagot naman nito.
“What? It’s 26th floor” gulat na sabi niya pero mahinang boses pa din ang lumabas sa kanyang bibig.
“Don’t worry Ma’am naka 3 floors lang ako, noong narealize ko na 26th floor ka so naghintay din ako ng elevator” sabi nito sa kanya. “Hi Sir Pierre, dito ka din pala” binalingan din nito si Alex na nakaupo sa couch. “Hi Sir Alex”
“Hi Aivee” bati naman ni Pierre sa kanya samantalang tumango si Alex.
“Alam mo yang bodyguard mo, guwapo sana kaya lang ang sungit” pabulong na sabi nito sa kanya.
Napatingin siya kay Alex na nahuli niyang nakatingin din sa kanya, siya na ang unang umiwas ng tingin dito.
“Hey stop it!” saway ni Pierre kay Aivee.
“Opps! Sorry Sir Pierre” sabi nito na tila may ibang ngiti kay Pierre na sa tingin niya ay inaasar nito kanyang kasintahan. “By the way Ma’am, how are you?” baling ni Aivee sa kanya.
“I’m okay, nagpapalakas na lang at pinapagaling ang sugat ko. Pwede na akong umuwi bukas” sagot niya kay Aivee.
“Tomorrow? Parang ang bilis naman Ma’am” nagtatakang tanong nito.
“My Dad wants me to rest in the house, hindi siya mapalagay na nandito ako mula nung nangyari yun” sagot niya.
“Pero may lead na ba kayo Babes?” singit ni Pierre sa kanilang usapan.
“Nope, wala pa, pero we’re getting there”
“What do you mean Babes?” tanong uli ni Pierre.
Ikinuwento uli niya ang nangyari sa kanya dahil sila na lang ang hindi nakakaalam tungkol dun.
“This is the last time na ikukwento ko yung mga nangyari sa akin dahil ayaw ko ng maalala uli iyon” sabi niya pagkatapos niyang magkwento.
Niyakap siya ni Pierre. “Sorry talaga Babes wala ako sa tabi mo noong panahon na iyon” sabi nito.
Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay muli siyang napatingin sa pwesto ni Alex at muli ay nahuli niya itong nakatingin pero si Alex naman ang unang umiwas ng tingin.
“I’m sorry to say this Babes, pero I will need to go, pag natapos yung meeting ko mamaya, I will be back” sabi ni Pierre sa kanya.
“No worries Babes, it’s okay” nakangiting sabi niya.
“Aivee, can you wait Loisa bago ka umalis? Ayokong maiwan mag-isa si Samantha sa bodyguard niya” pakiusap nito kay Aivee.
Nagulat siya ng banggitin ni Pierre ang pangalana ni Loisa na akala mo ay malapit sila sa isa’t isa. Naikwento na niya kay Pierre ang tungkol kay Loisa pero hindi pa sila nagkita nito kahit kailan.
Hindi maipaliwanag ni Samantha pero tila may kung anong emosyong sumilip sa mukha ni Aivee bago ito muling ngumiti.
“Sure Sir Pierre, ako po muna bahala kay Ma’am”
“Thanks Aivee” sagot ni Pierre, muli itong bumaling sa kanya. “Babes, I have to go. I love you! See you later” muli siya nitong hinalikan sa kanyang ulo.
“I Love you!” sa pagkakataon na ‘to ay talagang lumingon siya kay Alex na nakatingin pa din sa kanya.
Hindi niya napansin ang paglapit ni Pierre kay Alex nang bigla na lang itong magsalita. “Brad, I don’t want to say this but don’t you ever touch my girlfriend” sabi nito nang tuluyang makalapit kay Alex.
Tumayo naman si Alex at hinarap din si Pierre. Napansin niya na mas matangkad pala ng unti si Alex kesa kay Pierre at sa tindig nilang dalawa ay mas magandang tumindig ang bodyguard niya. Maganda ang korte ng pangagatawan ni Alex na halatang mahilig mag work out dahil nagpapansin ang muscle sa bawat galaw nito. Maganda din naman ang pangagatawan ni Pierre hindi mataba at hindi payat pero hindi mapapansin ang muscles sa kanyang kasintahan.
“It will depends on the situation Sir, kapag kailangan niya ng tulong ko I will help her” natigil ang pagko kompara niya sa dalawa nang magsalita si Alex na akala niya ay hindi na papatulan pa si Pierre. “If she’s your priortity why don’t you stay and support her” nagulat siya sa sinabi ni Alex.
“What are you trying to say?” halata ang galit ni Pierre sa tanong nito.
“Babes, Alex, please stop that” awat niya sa dalawa.
Sabay napatingin ang dalawa sa kanya at sabay ding nagsalita.
“Sorry Babes”
“Sorry Ma’am”
“MA’AM, MGA ANONG oras po ba darating yung kasama ni Sir Alex?” tanong ni Aivee sa kanya na halata na ang pagkabagot sa mukha.
Halos kakatapos lang nilang pag usapan ang tungkol sa restaurant, nag update si Aivee sa kanya at pinag usapan nila kung ano ang mangyayari habang wala siya. Halos umabot din ng dalawang oras ang naging usapan nila.
“I’m sorry Aivee pero hindi ko alam e, but you can go, I’ll explain to Pierre na lang” nahihiyang sabi niya.
“Hmm... Alam mo Ma’am, feeling ko selos na selos na yan sa bodyguard mo kasi mas madalas mo siyang kasama kesa sa kanya e” pabulong na sabi nito.
“Ano ka ba Aivee, tiligan mo nga yan” sita naman niya dito.
Ngumiti naman sa kanya si Aivee na parang nang aasar bigla itong tumayo mula sa kanyang kinauupuan. “Ma’am, I’m sorry pero hindi ko na ata mahihintay yung kasama mo. Medyo late na din at alam mo na may pasok tayo bukas” sabi nito.
“Sure Aivee, no problem, basta ikaw na muna bahala sa restaurant, send mo lang muna sa akin lahat ng dapat kung pirmahan”
“Yes Ma’am, makakaasa po kayo. Magpagaling po kayo ha”
“Yes Aivee, mag iingat ka pauwi”
“Thanks Ma’am” tumalikod na ito sa kanya at binalingan naman si Alex. “Sir Alex mauna na po ako, don’t touch Ma’am Samantha ha? Pero you can touch me Sir, let me know lang” nagulat siya sa sinabi ni Aivee. Nakita niya din ang gulat sa mukha ni Alex.
“Aivee!!” pinilit niyang sumigaw para pagsabihan ang kanyang sekretarya pero pangalan lang nito ang nabanggit niya.
“Joke lang Ma’am” nakangiting sabi nito. “Alis na po ako, get well soon Ma’am” tuluyan na itong lumabas ng silid.
“Hey Sam” malumanay na tawag ni Alex sa kanya. “Don’t shout okay, hindi pa nakakabalik ang lakas mo”
Hey Sam? Bakit iba ang dating nito para sa akin, hindi ko alam kung bakit ang sarap pakinggan ng pangalan ko sa bawat pagtawag ni Alex.
“O..o..kay” nauutal na sagot niya.
“You want to lay down?” tanong nito habang papalapit sa kanya.
“No..no.. I’m okay” nauutal pa din na sagot niya.
Nakita niya ang pagkunot noo ni Alex at ang pag aalala sa mga mata nito. “Pero kanina ka pa naka upo baka nangangalay ka na”
“No, mas gusto ko yung gantong pwesto” mabilis na sagot niya.
“Okay, just tell me kung gusto mo nang humiga”
“Okay” maikling sagot niya.
NAGISING SI SAMANTHA na parang nanghihina, hindi niya maimulat ng maayos ang kanyang mata, pakiramdam niya ay may nakatakip sa mata niya. Gusto niyang bumangon pero hindi kaya ng katawan niya.
“Dad?” tawag niya, pero walang sumasagot.
“Alex?” wala ding sagot.
“Mang Benny?” wala ding sagot.
“Loisa?” wala ding sagot.
Alam niya na nasa ospital pa din siya, naririnig niya ang paligid, naririnig niya ang ingay ng tao, at alam nito na umaandar siya. Nakahiga siya pero umaandar siya.
Nanghihina na siya. Gusto niya ng matulog.
Nakarinig siya ng bukas ng pinto, pakiramdam niya nasa ibang lugar na siya, nasaan na ba siya. Bumibilis ang bawat andar ng higaan niya, habang tumatagal bumibilis ng bumibilis, hanggang sa…
“SAM!!!!” si Alex, alam niyang si Alex yun, pero nasaan siya.
Inaantok na ako Alex, gusto ko nang magpahinga.
NAGISING SI SIYA dahil sa talbog ng sasakyan.
“Samantha, baby sorry nagising ba kita dahil sa lubak?” tawag ng isang pamilyar na boses.
Paglingon niya sa kanyang kaliwa ay nakita niya ang kanyang ina na nagmamanahe, kasalukuyan silang nasa loob ng sasakyan.
“Okay lang po Nanay”
Napalingon siya sa likuran ng sasakyan kung saan nakaupo ang batang Samnatha at ang isang batang hindi niya kilala.
“Matulog lang muna kayo para mamaya marami kayong energy sa park” sabi ng kanyang ina na nilingon niyang muli.
“Opo Nanay” sagot ng batang Samantha.
Muli siyang tumingin sa batang Samantha at nakita niya ang pagtulog muli nito. Muli niyang nilingon ang kanyang ina na abala sa pagmamaneho.
“Nanay?” mahinang tawag nito sa kanyang ina.
Dahil hindi siya nito nakikita ay alam niyang hindi din siya nito naririnig.
“I miss you Nanay” mas malakas na sabi niya. “Sobrang miss na miss na kita” ulit niya. Hindi na niya napansin na tumutulo na ang kanyang luha.
Hindi niya alam kung gaano katagal niyang tinititigan ang kanyang ina na bigla nalang niyang naramdaman ang pagbilis ng sasakyan.
Nakitan niya ang takot sa mukha ng kanyang ina at agad itong nagsalita.
“Samantha, baby, gisingin mo si Marie, please be ready” kalmadong sabi ng kanyang ina sa batang Samantha.
“Anong meron Nanay?” nagpupungas na tanong ng batang Samantha.
“Sundin mo na lang si Nanay, please?” sabi ng kanyang ina na halatang pinipilit lang maging kalmado.
Nakita niyang dahan dahan na ginising ng batang Samantha ang kasan niya na agad ding nagising. Pinagmasdan niya ang batang kasama nito at pakiramdam niya ay nakita na niya ito pero hindi niya lama kung saan at kailan.
“Kunin niyo na yung bag niyo mga anak, tapos yakapin niyo ang bag niyo at yakapin niyo ang isa’t isa, wag niyong bibitawan ang isa’t isa” kalmadong banggit ng kanyang ina.
“Nay, ano po nangyayari?”
Hindi ito sinagot ng kanyang ina dahil naka pokus ito sa pagmamanaho. Nawala ang atensyon ni Samantha sa kanyang ina nang maramdaman niya ang pag gewang ng sasakyan.
“Nanay, ano nangyayari sa sasakyan natin, bakit may usok?”
Nakita din niya ang usok na tinutukoy ng batang Samantha sa unang bahagi ng sasakyan. Nakita niya ang takot sa kanyang ina dahil sa mabilis na andar ng sasakyan pero agad din itong kumalma ng dahan dahan ng tumitigil ang sasakyan.
Nakita niya ang pagbuntong hininga ng kanyang ina at nakangiting nilingon ang dalawang bata sa likod ng sasakyan.
“Samantha, baby, baba na muna kayo ni Maria ha” malumanay na sabi nito.
Dahil alam niyang baba na ang mga ito ay bumama na din siya. Alam niya ang susunod na mangyayari kaya pumunta na siya sa bangketa kung. Saan din dadalhin ang batang Samantha.
“May kukunin lang ako sa sasakyan, dito lang kayo” sabi ng kanyang ina sa batang Samantha.
“Nanay, wag na po kayong pumunta diyan” sigaw ng batang Samantha.
Ngumiti ang kanyang ina sa batang Samantha.
“Nanay!” napasigaw din siya sa kanyang ina.
Muling lumingon ang kanyang ina pero laking gulat niya ng makita niyang sa kanya ito nakatingin at hindi sa batang Samantha.
“I Love you Samantha, baby” nakangiti ngunit malungkot na sabi ng kanyang ina.
“Na…nay…” mahinang sabi niya. Hindi na niya napansin ang luha sa kanyang mga mata.
Dahil sa pagkabigla ay hindi na niya nagawang habulin ang kanyang ina dahil narinig na niya ang pagsabog ng sasakyan.
“Nanay!” sabay na sigaw nila ng batang Samantha.
Paglingon niya sa batang Samantha ay nakita niya ang pagtama ng debris dito at kasabay ng bagsak nito ay ang pagbagsak niya dahilsa sakit na nararamdaman niya.