HINDI MALAMAN NI Samantha kung nasaan siya, ang alam lang niya ay kanina pa siya takbo ng takbo, may humahabol sa kanya, hindi niya alam kung sino, tinatawag ang pangalan niya pero hindi niya kilala kung kaninong boses iyon, may mga tumatawa sa paligid niya pero hindi niya alam kung sino sila at kung nasaan sila, wala siyang makitang tao, wala siyang makitang humahabol sa kanya, pero ang alam niya may humahabol sa kanya.
Takbo. Takbo. Takbo.
Ilang oras na ba siyang tumatakbo, gaano na ba kalayo ang narating niya, bakit pakiramdam niya ay hindi siya umaalis sa lugar kung saan siya nakatayo. Tumigil siya sa kanyang pagtakbo, tiningnan niya ang paligid, hindi siya pamilyar sa lugar, hindi niya pa nararating ang lugar na’to.
Puno, puno, puro puno, nagtataasang puno lang ang nakikita niya, wala siyang makitang bahay, wala siyang makitang ilaw.
Asan ako?
“Tulong! Daddy!???”
Kahit ang sarili niyang sigaw ay hindi niya marinig, natatakot na siya, parang gusto niya ng umiyak, pero kapag umiyak siya wala din siyang magagawa.
Naririnig na naman niya ang humahabol sa kanya, tumingin siya sa likod, pero wala siyang makita, walang tao, pero meron, meron…
Takbo. Takbo. Takbo.
Hanggang sa nadapa siya…
“AHHHHH!”
Hindi maipaliwanag ni Samantha ang sakit na nararamdaman niya kaya bigla na lang siyang napaupo dahil hindi niya alam kung saan nanggagaling ang sakit.
Sa sobrang sakit ay hindi niya na napansin ko sino ang lumapit sa kanya, naramdaman niya na lang na inalalayan siya nito na makahiga uli. Alam niya sa sarili niya na hindi si Pierre ang umaalalay sa kanya, magaan ang kamay nito, at ramdam ang pag-iingat sa bawat paghawak nito sa kanya. Ayaw niyang imulat ang kanyang mata, gusto niya lang maramdaman ang haplos ng mga kamay na iyon, dahil matagal niya nang hindi nararamdaman ang ganong klase ng haplos kay Pierre.
Nang maramdaman niyang nakahiga na uli siya ay unti unti nang nawawala ang sakit na nararamdaman niya at dahan dahan niyang iminulat ang kanyang mata. Unti unti niyang naaaninag ang nag mamay-ari ng mga kamay na iyon. Si Alex.
“Loisa, please call Dr. Ramirez” malumanay na sabi nito.
Nakita niya ang pag-aalala sa mukha nito, pero mas napansin niya ang gwapong mukha ng binata. Ngayon niya lang napansin na gwapo pala si Alex, ang mga matang puno ng pagaalala, ang mga labi nito na tila may binabanggit pero hindi niya masyadong marinig, at ang matangos na ilang na tila perpektong iginuhit. Dahil ba lagi silang nag aaway kaya hindi niya napapansin ang gwapong mukha nito.
“Sam!?”
Sam!? Bakit ang sarap ng tawag niya sa pangalan ko, bakit parang ang lambig ng pagkakatawag niya sa pangalan ko, wala pang tumatawag sa kanya ng ganon.
“Hey Sam, are you okay?” nag aalalang tanong nito.
Bakit parang kahit natataranta siya ang lambing pa din ng tawag niya sa pangalan ko.
“Sam, open your eyes properly”
Open my eyes? Pero nakamulat naman ako, kaya ko nga nakita ang gwapo niyang mukha.
Narinig na lang niya ang tunog ng pagbukas ng pinto, may lumapit sa kanya, binitawan na siya ni Alex, ayaw pa sana niyang palayuin si Alex pero may ibang lumapit sa kanya. Si Dr. Ramirez.
“Samantha?”
Hindi niya alam kung para saan ang ginagawa sa kanya, ang alam niya lang may maliit na liwanag siyang nakikita at tila may sinisilip sa kanyang mga mata.
“Kailangan muna nating patulugin pa si Samantha, tuturukan ko muna siya ng pampatulog” sabi ng doktor pero hindi siya ang kausap nito kundi si Alex.
“Is she okay?” nakita niya na sa kanya nakatingin si Alex kahit na kausap nito ang doktor at halata ang pag aalala nito sa kanya.
“Yes, she’s okay, she just needs more rest” sagot ni Dr. Ramirez.
Dahil na kay Alex ang atensyon niya ay hindi na niya napansin ang paglapit ng ibang tao sa kanya at hindi niya din alam na may ibang tao pa sa paligid nila.
Naramdama na lang niya na mayroong humawak sa kanyang kaliwang balikat at tinurukan siya ng kung ano, naramdaman niya ang sakit ng pagturok sa kanya.
Nakita niya pa ang paglapit ni Alex sa kanya, nakita pa niya ang mga mata nito na tila labis labis ang pag aalala sa kany, gusto pa sana niyang titigan ang binata pero tulutan na siyang hinila ng antok.
NAGISING SI SAMANTHA dahil yugyog sa kanya.
“Baby Anak, gising na tanghali na, aalis tayo ngayon”
Unti unti niyang minulat ang kanyang mga mata at nagulat siya sa kanyang nakita.
“Nay?”
“Bakit parang nakakita ka ng multo?” nakakunot noong taong nito.
Inilibot niya ang kanyang mata sa paligid. “Nasaan tayo Nay?” tanong niya.
Nasa isang silid siya, isang maliit na kwarto, may bintana sa paanan ng kanyang higaan, may isang kabinet sa kanang bahagi ng kwarto kung saan katabi ang pintuan palabas ng kwarto, may isang painting na nakasabit sa kaliwang bahagi ng kwarto kung saan nakadikit hinihigaan niya. At ang kanyang ina ay nakaupo sa paanang kama.
“Ano ba sinasabi mo anak, andito tayo sa bahay natin. Diba aalis nga tayo, punta tayo sa park” naka ngiting sabi ng kanyang ina.
Dahan dahan niyang iniangat ang kanyang kanang kamay at unti unti niyang hinipo ang pisngi ng kanyang ina. Ito ang kanyang ina.
“This is not true Nanay” mahinang sabi niya.
“Ano bang sinasabi mo anak?”
“Nay, alam ko panaginip lang ‘to” ibinaba na niya ang kanyang kamay mula sa mukha nito.
Tumayo naman sa pagkakaupo ang kanyang ina. “Samantha anak, bumangon ka na diyan at aalis pa tayo okay? Mag-asikaso ka na” naka ngiting sabi nito at hinalikan pa siya nito sa kanyang noo bago lumabas ng silid.
Hindi ‘to totoo. Wala na si Nanay. Ano ba nangyayari?
“Samantha!”
“O..opo Na..nay! Babangon na” naguguluhang sagot niya.
Paglabas niya sa kanyang kwarto ay nakita niyang naghahanda ito ng pagkain. Napangiti siya habang pinagmamasdan niya ito dahil suot nito ang kauna unahang bestidang regalo niya dito noong naka ipon siya sa kanyang pangangaroling. Nakapusod ang mahaba nitong buhok, na madalas ayos ng buhok nito sa tuwing abala sa pag-aasikaso sa bahay. Ang kanyang matatangos na ilong, ang kanyang nakangiting mga labi, pero…
“Kain na tayo anak, tatawagin ko lang ang Daddy mo” nakangiting sabi ng kanyang ina at lumabas agad ng bahay.
Hindi masaya si Nanay.
Nakangiti ang kanyang ina pero nang pagmasdan niya ang mga mata ng nito ay lungkot ang nakikita niya. Alam niya kung kelan talaga masaya ang kanyang ina, alam niya kung nagpapanggap lang itong masaya, at alam niya na ngayong araw na ay nagpapanggap lang na masaya ang kanyang ina.
Umupo siya sa harap ng lamesa at pinagmamasadan ang kabuuan ng hapag kainan, ang sabi ng kanyang ina ay pamamahay nila ito ngunit hindi siya pamilyar sa lugar. Alam niyang panaginip lang ang lahat dahil wala na ang kanyang ina.
Nang dumating ang kanyang ina ay nakasunod naman ang kanyang ama na tila may ginagawang trabaho sa labas ng bahay dahil sa pawis sa buong mukha at sa uri ng kanyang kasuotan.
“Good morning Samantha!” bati nito.
“G..o..od morning po” balik bati naman niya.
“Okay ka lang? Sabi ng Nanay mo parang wala ka sa sarili at nalilito ka sa nangyayari sayo?” tanong ng kanyang ama, umupo na din ito sa hapag kainan.
“Wala po” maikling sagot niya.
Napatingin siya sa kanyang ina, nakaupo na din ito sa hapag kainan. Abala ito sa paglalagay ng kanin sa kanyang ama at sa kanya, alam niya na may mali at nakikita niya iyon sa mga mata ng kanyang ina.
“You know Samantha na pupunta tayo sa park diba?” sabi ng kanyang ama kaya napatingin siya dito. “Mauna na kayo ng Nanay mo then susunod na lang ako, I have a meeting need to attend pa” sabi nito.
Tumango lang siya dito bilang sagot at mula sa kanyang ama ay ibinaling niya uli ang kanyang tingin kanyang ina, ngumiti lang ito sa kanya at gumanti din ito ng ngiti.
Hindi alam niya alam ang nangyayari, hindi niya alam kung paano ‘to nangyari, pero gagamitin niya ang pagkakataon na ‘to na muling makasama ang kanyang ina, lalo na alam niyang may lungkot sa mga mata nito.
“You will go with your friends and I will bring Troy” sabi ng kanyang ama na abala sa pagkain.
“Okay po”
“I really don’t know what is happening with you today Samantha pero are you really okay?” tanong uli ng kanyang ama.
“Yes po Dad, wag mo po akong intindihin…” sagot niya at tumikhim. “…baka inaantok lang talaga ako” pagtatapos niya.
“Okay, but make sure to have fun later sa park ha?”
“Yes po Dad”
Nang matapos silang kumain ay nagpaalam din agad ang kanyang ama para ipagpatuloy kung ano man ang ginagawa nito sa labas. Ang kanyang ina naman ay abala sa pagliligpit ng hapag kainan. Ito na ang pagkakataon niya na tanungin ang kanyang ina.
Lumapit siya sa kusina kung saan ito naghuhugas ng plato.
“Nanay?” mahinang tawag niya pero tila hindi siya nito narinig.
“Nay?” tawag uli niya.
Napakunot noo siya nang hindi pa din siya nito pinapansin.
“Nanay!?” mas malakas na tawag niya.
Nang hindi pa din sumagot ang kanyang ina ay yinakapan nilang niya ito mula sa likuran.
“Nay, hindi ko po alam ang nangyayari, hindi ko alam kung bakit ako nandito, hindi ko alam kung anong meron, pero gusto ko lang malaman mo na mahal na mahal kita at sobrang miss na miss na kita. Walang araw na hindi kita namimiss. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa amin ni Daddy mula nung mawala ka. Sana andito ka na lang Nay, sana kasama pa kita…” unti unti siyang nagiging emosyonal. “…at gusto kong malaman Nay kung bakit nakangiti ka pero alam kong malungkot ka? Hindi mo maitatago sa akin Nay kasi kitang kita ko ang lungkot sa mata mo”
Nagulat siya nang bigla siyang harapin ng kanyang ina at ito naman ang yumakap sa kanya.
“Anak, mahal na mahal kita! Magtiwala ka lang sa Daddy mo, hindi ka niya pababayaan, magtiwala ka kay Troy alam kong magiging okay kayo”
Napakunot noo siya dahil sa sinabi nito. “Troy?” pagtatakang tanong niya.
“Susan!” biglang tawag ng kanyang ama na nasa labas ng bahay.
“Anak, kailangan ko ng umalis” sabi nito habang hinahaplos haplos ang kanyang buhok.
“Nanay, sinong Troy? At bakit ka aalis, babalik ka naman diba? Tinatawag ka lang ni Daddy?” sunod sunod na tanong niya.
“Basta mahal na mahal kita anak” sabi ng kanyang ina at patakbong lumabas kusina.
Hinabol niya ang kanyang ina pero pagdating sa pintuan ay nasilaw siya sa sobrang liwanag na sumalubong sa kanya.
NASILAW SI SAMANTHA sa liwanag na sumalubong pagmulat ng kanyang mga mata kaya dahan dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata.
“Babes?” kilala niya ang pamilyar na boses na iyon.
“Hmm…” ungol na sagot niya dahil pakiramdam niya ay tuyong tuyo ang boses lalamunan niya.
“Babes, this is me Pierre” boses muli ng kanyang kasintahan.
Nang maka adjust siya sa liwanag ay unti unti na niyang naaaninag si Pierre.
“Pierre?” mahina niyang tawag dito.
Inilibot niya ang kanyang mga mata sa paligid na tila may hinahanap sa loob ng silid.
“Babes, how are you?” tanong nito.
Nakita niya sa mga mata nito ang pag aalala nito sa kanya, pero bakit parang si Alex ang hinahanap ng kanyang mga mata.
“Nauuhaw ako” sabi niya. Ramdam niya talaga ang panunuyo ng kanyang lalamunan.
Agad naman itong kumuha ng maiinom sa lamesa na malapit sa couch. Inalalayan sita nitong umupo at dahan dahang inalalayan sa pag inom nang biglang bumukas ang pinto ng silid at pumasok si Alex.
Naramdaman niya ang pag react ni Pierre dahil biglang humigpit ang kamay nito sa kanyang likod.
May kung anong emosyon naman siyang nakita sa mga mata ni Alex nang magtama ang tingin nila. Emosyon na hindi niya mapangalanan.
Tila nakaramdam din siya ng hiya dahil naabutan sila ni Alex na malapit sa isa’t isa. Hinid niya din alam kung bakit niya iyon nararamdamankung si Pierre nama ang kasintahan niya.
Hindi niya alam kung nadala lang ba siya sa haplos na naramdaman niya mula kay Alex o dahil sa maga mata nito na nag aalala sa kanya noong una siyang nagising o dahil sa malambing na pagtawag nito sa pangalan niya.
Sam?
“Nakausap ka na ba ng nurse Ma’am Samantha” si Alex ang bumasag ng katahimikan sa pagitan nilang tatlo.
“Kagigising lang niya” si Pierre naman ang sumagot, pinainum uli siya nito ng tubig at muli siyang inalalayang humiga. “Ikaw lang ang bantay niya dito?” baling nito kay Alex.
“Mamaya pa darating si Loisa, pinauwi siya ni Don Tonny” sagot naman ni Alex. Dumeretso ito sa couch at ipinatong doo ang bitbit.
“So are you sure you are doing your job well this time?” alam niya kiung ano ang ibig sabihin ng kanyang kasintahan.
Nakita niya ang pagtangis ng bagang ni Alex. “What do you mean Sir?” mahinahong tanong nito.
“If you’re doing your job well, sana hindi napahamak ang GIRLFRIEND ko” may diin ang pagkakabanggit nito sa salitang girlfriend.
Tumingin si Alex kay Pierre. “And where are you for the past 2 days?” nakangising tanong nito.
2 days?
Hindi man siya sigurado sa sinabi ni Alex pero may kutob siya na dalawang araw siyang walang malay.
“What is your point?” agad na tanong ng kanyang kasintahan.
“You are asking me if I’m doing my job properly but ARE you doing your responsibility as her BOYFRIEND?” may diin na tanong nito na ikinagulat din niya.
“What the hell…” naputol ang sasabihin ni Pierre nang muling magsalita si Alex.
“3 days nang nandito si Ma’am Samantha at ngayon ka lang dumalaw? How responsible diba?” pang aasar nito.
“How dare you to s…”
“Ahhh!”
Hindi na niya narinig ang dalawa dahil bigal niyang naramdaman ang sakit ng kanyang balikat kaya napasigaw na lang siya.
“What happened Babes?”
“Kailangan tingnan yung sugat mo, tatawagin ko yung nurse” nakita niya na agad lumabas ng silid si Alex.
“Babes, anong nararamdaman mo?”
“Yung balikat ko…” pinipilit niyang sumagot ng maayos pero masakit talaga ang balikat niya.
“May magagawa ba ako Babes?”
Hindi na siya nakasagot dahil kahit siya ay hindi alam kung ano ang dapat gawin.
Ilang minuto lang ay dumating na si Alex kasama ang isang nurse.
“Exuse me Sir…” sabi ng nurse. Umurong naman patalikod si Pierre para bigyan ng espasyo ang nurse. “…Ma’am tuturukan po kita ng pain reliever na gamot after 10 mins or less Ma’am mawawala po yung sakit then huhugasan natin ang sugat mo” sabi ng nurse.
Tumango lang siya, hindi na siya nagtanong dahil gusto niya ng mawala ang sakit na nararamdaman niya. Agad namang itinurok ng nurse ang gamot sa kanyang suero. “Ma’am konting tiis lang muna after mag take effect yung gamot lilinisin ko na agad yung sugat” sabi ulit ng nurse.
Tumango lang siya bilang sagot.
Nang matapos ay bumaling ang nurse kay Alex. “Sir pwede po bang sumama ka muna sa akin” napatingin siya kay Alex.
Nakitingin din si Alex sa nurse, meron sa bahagi ni Samantha na tila gusto niyang agawin ang atensyon ng binata pero hindi niya alam kung bakit niya iyon gagawin. Nahuli pa siya nitong nakatingin sa kanya na balingan siya ni Alex ng tingin bago tuluyang sumunod sa nurse.
“Babes?” tawag sa kanya ni Pierre. Nakalimutan niya na nasa kwarto din ito.
Ngumiti siya kay Pierre. Nakaramdam siya ng guilt dahil pakiramdam niya ay niloloko niya si Pierre dahil kay Alex.
“Are you okay?” nag aalalang tanong nito.
“Masakit yung balikat ko Babes” sagot niya. “Gaano na ako katagal sa ospital?” tanong niya.
“It’s your 3 days now Babes” sagot nito, hinawakan nito ang kanyang kamay. “Mula ng dinala ka dito 2 days kang walang malay, nagkamalay ka daw kaninang umaga pero kailangan mo pa daw magpahinga kaya binigyan ka ng pampatulog”
Kanina lang pala yun.
“I’m sorry Babes kung ngayon lang ako nakadalaw, I’m sorry kung hindi agad kita napuntahan para maalagaan ka”
“It’s okay Babes, I know how busy are you this past few days” sagot niya kay Pierre. Totoong naiintindihan niya ang kanyang kasintahan at masaya siya kasi kahit abala ito sa kanyang kumpanya at sa kanyang ina ay nagawa pa din nitong pumunta dito para kamustahin siya.
“Thank you Babes, I Love you!” hinalikan siya nito sa kanyang ulo.
“I love you too”
Ito ang dapat niyang ginagawa, ang iparamdam sa kanyang kasintahan kung gaano niya ito kamahal at kung gaano niya ito sinusuportahan sa lahat ng bagay.
Lumipas ang ilang minuto ng maramdaman niya na hindi na masakit ang kanyang balikat. Nagpatulong siya kay Pierre sa pag upo nang bumukas ang pinto at pumasok si Alex at ang nurse. Nagkatinginan pa sila ni Alex pero agad na bumawi ng tingin si Alex. Nakita niya na may sinabi ang nurse kay Alex at nagtawanan ang dalawa. Hindi na lang niya iyon pinansin.
Lumapit ang nurse sa kanya para simulang linisan ang sugat niya sa balikat. Lumipat ng pwesto si Pierre mula sa kanang bahagi ng kama papunta sa kaliwang bahagi ng kama. Hinawakan siya nito sa kanyang balikat bilang alalay.
Nagulat siya ng makita ang sugat sa kanyang balikat, halos kulay itim pa ang paligid ng sugat niya. Iniiwas niya ang tingin sa kanyany sugat dahil hindi niya matagalan na tingnan iyon at sa hindi sinasadya ay napatingin siya kay Alex na nakatingin din sa kanya. At sa hindi niya malamang kadahilanan ay tila may lungkot sa mga mata nito.
KASALUKUYANG KUMAKAIN NG hapunan si Samantha ng dumating ang kanyang ama kasama si Mang Benny.
“Hija, how are you?” bati ng kanyang ama nang makita agad siya nito.
“Dad, si Pierre po…”
Si Pierre ang tumutulong sa kanya sa pagkain, nasa kanang higaan niya ito nakaupo. Lumapit ang kanyang ama sa kaliwang bahagi ng higaan niya at hinalikan siya nito sa kanyang ulo.
“Dad…” sabi niya dahil mukang hindi na naman papansinin ng kanyang ama si Pierre.
Hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng hawakan siya ni Pierre sa kanyang braso.
“Good evening po Tito” bati ng kanyang kasintahan sa kanyang ama.
Tumango lang ang kanyang ama kay Pierre at muling ibinaling ang tingin sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi pa din nito gusto ang kanyang kasintahan kahit na matagal na sila, kahit na nag-e-effort ang kanyang kasintahan para maging okay ito sa kanyang ama.
“How are you?” tanong ng kanyang ama.
Bumungtong hininga muna siya bago sumagot. “Sobrang sakit ng balikat ko Dad, hindi ko kaya kapag walang pain reliever but if there’s pain reliever tolerable naman yung sakit” sagot niya.
“Darating mamaya si Dr. Ramirez to check you again meron lang siyang meeting today kaya iniwan ka muna sa kanyang nurse” sabi nito.
“Okay Dad, sorry for this” mahinang sabi niya.
“No need to worry Samantha, ang importante safe ka na” sagot ng kanyang ama. “Pero to make sure na hindi na makakalapit sayo yung taong yun, hindi ka na muna papasok sa opisina, pagkalabas mo dito sa mansyon ka na muna, okay?” sabi nito.
“Okay Dad, pero may lead na ba?” tanong niya.
“We’re trying Hija, I think they need your story but not now. I need you to rest”
“I’m okay Dad, I can tell the story”
“Tomorrow Samantha not now, I want you to rest. John will be here tomorrow”
Hindi na siya tumutol pa sa kanyang ama. Ipinagpatuloy niya ang pagkain niya, muli siyang inalalayan ni Pierre sa pagkain na kanina pa nanahimik habang nag uusap silang mag ama.
TULAD NGA NG sinabi ng kanyang ama, kinabukasan ay dumating ang si Mr. Montes ang kanilang private investigator para tanungin siya sa nangayari.
“Hi Samantha, how are you?” bati nito sa kanya, nakaupo ito sa kanang bahagi ng higaan niya.
Nasa kaliwa naman niya ang kanyang ama at nasa bandang paanan naman nakatayo si Alex, Mang Benny, Loisa, at si Dr. Ramirez na pinagtataka niya kung bakit kasama ito. Si Pierre naman ay maagang umuwi dahil may meeting itong kailangan puntahan, hindi tulad ng iba nitong meeting kagabi na kahit hindi nito puntahan.
“Hi Mr. Montes, I am good” sagot niya.
“That’s good because I don’t want to force you, gusto namin na kumportable ka habang nagkukwento ka” sabi nito.
“I understand, don’t worry I’m okay, mahina lang yung katawan ko sa ngayon but I remember everything”
“Okay, can you tell me what happened?” agad na tanong nito.
Bumuntong hininga muna siya bago nagsimulang magkwento.
“I think alam niyo na kung bakit mag isa akong pumunta sa constuction site, right?” tanong niya kay Mr. Montes.
Napatingin siya kay Alex para ipamukha niya na siya ang may kasalanan kung bakit siya napahamak. Pero tila hindi ito tinamaan sa gusto niyang iparating dahil nakita niya ang lungkot sa mga mata nito kaya ibinaling niyang muli ang tingin niya kay Mr. Montes na tumango bilang sagot sa tanong niya.
Bumuntong hininga siya at napatingin sa bintana ng silid bago nagkwento.“I really need to go sa construction site on time because I will be meeting people there, pero ayaw pumayag ni Alex since we are still waiting for Mang Benny. Alam kong usapan namin na hihintayin si Mang Benny sa restaurant dahil yun daw ang bilin ni Daddy kay Alex pero hindi talaga makakahabol si Mang Benny sa oras, when I told Alex na mauna na kami hindi siya pumayag and we argue. Nang bumaba ako sa restaurant nagkaroon ako ng idea kung paano ako pupunta doon ng mag isa, wala naman siyang magagawa kapag andun na ako. Humiram ako ng pera pamasahe ko at sumakay ng taxi papunta doon” ikinuwento pa din niya ang nangyari dahil gusto niyang marinig nilang lahat ang panig niya dahil baka iba ang kwento ni Alex sa kanila dahil sa pagdududa niya sa binata.
Habang nagkukwento ay nakatingin lang siya sa bintana ng silid dahil iniiwasan niyang tumingin sa mga tanong nakapaligid sa kanya dahil baka mawala ang pokus niya sa pagkukuwento. Hangga’t maari ay gusto niyang maikwento ng buo ang nangyari sa kanya.
“Habang nasa sasakyan ako, tinawagan ko na si Mang Benny para sabihin sa kanya na sa construction site na siya pumunta. Pero hindi ko na tinawagan si Alex dahil mainit pa din ang ulo ko sa kanya. Pero noong sunod sunod na ang tawag niya sa akin, alam kong alam niya na na umalis ako, kaya hindi ko sinasagot ang tawag niya” Napatigil siya sa kanyang pagkukwento. Napakunot noo siya dahil parang may gusto siyang maalala pero hindi niya alam kung ano iyon.
“Samantha, is there something wrong?” nag aalalang tanong ni Mr. Montes.
Ahh! Naalala ko na
Huminga siya ng malalim bago nagsalita uli. “I..I..just realized na habang nasa sasakyan ako, parang may motor na sumasabay sa amin pero hindi ko pinansin yun kasi marami talaga kaming nakasabay na motor, pero kahit nakahinto kami humihinto din siya, pero yung ibang motor nakakasingit naman. Hindi sinasadyang napatingin ako sa side niya, para siyang umiwas ng tingin sa akin kahit hindi ko alam kung sa akin nga siya nakatingin dahil naka helmet siya pero nakita ko ang galaw ng ulo niya na parang umiwas sa direksyon ko” napahinto siya sa pagkukwento para alalahanin pa ang nangyari. “Nakita kong kinuha niya ang phone niya, may kinausap siya, bumaling muli ang ulo niya sa direksyon ko”
Muli siyang napatigil sa pagkukwento.
“Samantha?” tawag ng kanyang ama, hawak nito ang kanyang braso. “Are you okay? We can stop this” nag aalalang sabi nito.
“No Dad, sorry. Ngayon ko lang naalala ang mga nangyari habang nasa taxi ako” sagot niya lang.
“You can continue on your own pace Samantha” sabi sa kanya ni Mr. Montes
“O..o..kay” nauutal na sagot niya. Tumikhim siya bago nagsalita uli. “Pagdating ko sa construction site kinausap ko yung foreman, tinanong ko kung kamusta na yung timeline ng site, nung nalaman kong maaga sila ng 1 week, sinabi ko na magpahinga muna sila sa araw na iyon dahil may ka meeting ako sa site at hindi din sila makakapagtrabaho, so pinauwi ko na sila
“Habang nag aayos para da paguwi nila, nag ikot ikot ako sa construction site to check the first floor, kumukuha pa ako ng picture for my documentation because I want to show it to Dad. Hanggang sa nagpaalam na ang mga tao, yung guard naman ay inutusan kong bumili ng pagkain para sa mga ka meeting ko, so ako lang ang natira sa lugar na iyon
“Hanggang sa may narinig akong kalabog sa 2nd floor, I was hesitant to go there dahil medyo hindi pa safe yung pag akyat. Hanggang sa nakita kong may sumilip sa second floor, hindi ko alam kung bakit but I decided to go upstairs kahit na alam kung hindi safe. Dahan dahan akong umakyat hanggang sa makarating ako 2nd floor, hinanap ko kung sino yung sumilip na nakita ko pero wala akong nakita, inikot ko yung buong 2nd floor pero wala akong nakitang tao, pababa na sana ako ng biglang may humila sa akin…” Napatigil siya sa pagkukwento dahil naramdaman niya uli yung takot niya noong araw na iyon. “…tinakpan niya ng may panyo ang ilong ko, pinilit kong lumaban hanggang sa may tinamaan akong hindi ko alam kung ano at nalaglagan ako ng mabigat na bagay sa balikat ko kasabay na nawalan na ako ng malay” nakatingin pa din siya sa bintana pero nilalaro niya ang kanyang mga daliri habang nagkukwento.
“I think it’s enough”
Napatingin si Samantha kay Alex, nakita niya ang pag aalala sa mga mata nito at nagtatangis ang mga panga.
“I’m okay Alex” walang emosyon na sabi niya. Ayaw niyang kinakaawaan siya ninuman dahil ayaw niyang maging mahina sa paningin ng ibang tao.
“Your not okay Sam, don’t force yourself”
Sam? Tinawag na naman niya akong Sam
“I think we can stop here, we can continue tomorrow” suhesyon ni Mr. Montes.
“No, gusto kong tapusin ngayon, hangga’t naalala ko ang lahat, hindi ko alam ung kelan ako makakalimot” mahinang sagot niya. Masakit man para sa kanya na mabilis siyang makalimot pero iyon ang totoong nangyayari sa kanya.
“Sam, please?” nakikiusap na tono ni Alex. “You are terrified” sabi nito.
Tumingin siya kay Alex na nakatingin din sa kanya.
Bakit parang sobra ang pag aalala niya sa akin, kitang kita ko sa mga mata niya
“I can handle myself Alex” nakita niya ang pagsuko ng binata at hindi na siya nito pinigilan pa.
Tumikhin si Mr. Montes bago nagtanong. “Pamilyar ba sayo Samantha ang taong nakita mo?”
Bumuntong hininga siya. “It’s a no and a yes” sagot niya.
“What do you mean Hija?” naguguluhang tanong ng kanyang ama.
Napakunot noo siya habang nag iisip kung paano niya ipapaliwanag ang sinabi niya. “Hindi siya pamilyar sa akin kasi hindi ko nakita ang mukha niya dahil may bonet siya pero pamilyar siya sa akin kasi siya yung nakita kong nakasakay sa motor”