VIVIAN DE VERA Nakaupo ako sa takip ng toilet seat habang ang pregnancy test ay nasa ibabaw ng lababo. Hindi ako mapakali at namamawis ang aking mga kamay. Ilang beses ko na rin na sinasabunutan ang aking sarili dahil sa labis na inis. Bakit hindi ko kaagad napansin ang mga sintomas? Hirap ako na magising sa umaga, mabilis mapagod, antukin, at ang pagiging sobrang emosyonal ko. Hindi pumasok sa isip ko na buntis ako dahil alam ko na maingat kami ni Wynter. Nagpi-pills ako at gumagamit kami ng cond— wait, may nangyari sa amin ng gabi bago ko siya iwanan. Hindi ko matandaan kung gumamit ba kami ng proteksyon. And s**t, since nasa isla ako at wala sa akin ang bag ko noon ay hindi ako nakakainom ng pills. Tumayo ako sa harap ng lababo at tiningnan ang inilabas na result ng test. Two line

