VIVIAN DE VERA Tumayo siya at lumipat sa upuan na nasa harapan ko. Nagbuhos siya ng tubig sa baso at inabot iyon sa akin. Tinitigan ko lang iyon at hindi inabot. Nagbuntong-hininga siya at binaba na ang baso sa mesa. “Could you at least wash your hands?” “I won’t touch you so what’s the deal?” malamig niyang saad. Inirapan ko ito. Tinago ko ang pagkairita dahil sa tono ng boses nito. Wala ba siyang balak na i-explain ang nakita ko kanina? Wait, may karapatan ba ako na mag-demand? “What do you need, Vivian?” “Magsasalita lang ako kapag nakapaghugas ka na ng kamay. Hindi ko alam kung saan mo pinasok ‘yan—” “Nothing happened between me and Marga. She just dropped my pen and I was in a call. Pinulot lang niya iyon para sa akin.” “Sinungaling.” “Wala akong panahon para sa ganitong usa

