VIVIAN DE VERA Matagal ako na palakad-lakad sa patio. Hindi ako mapakali dahil alam na ni Wynter ang kinaroroonan ko. Hindi ko alam kung ano ang susunod na hakbang na gagawin niya. Gumugulo rin sa isip ko na baka malagay ko sa kapahamakan ang aking pamilya kung hindi ako kikilos kaagad. “Vivian, what are you doing there? Uulan na,” napaharap ako sa glass door nang marinig ang boses ni Kuya Liam. “Papasok na si Via sa shift niya. Ikaw na muna ang tumabi kay Mommy.” “Ako? Tatabihan si Mommy? Naririnig mo ba ang sarili mo, Kuya? Baka takpan pa ng unan ni Mommy ang mukha ko kapag nalaman niya na ako ang katabi niya.” Huminga ito ng malalim. “Vi, ikaw ang hinahanap niya. She’s calling you hanggang sa panaginip.” “Me?!” “Yes. Her Buchik.” I groaned. “I’m not Buchik! I hate that nicknam

