VIVIAN DE VERA Isang linggo na ako na nasa Manila at pinili ko na umuwi kay Mommy. Kahit na ayaw niya sa akin ay kaya ko iyong tiisin basta huwag lang kaming magkita ni Wynter. Hindi nalang ako lumalabas ng aking silid para lang hindi makasalubong ang dalawa kong kapatid. Madilim na at naisipan ko na bumaba upang kumuha ng snack sa kusina. Paniguradong walang tao roon dahil on-time naman palagi pumapasok ng room sila Kuya at Bunso. Napatigil ako sa pagpasok nang makita si Mommy na mag-isang umiinom ng alak. Nagtago ako sa dilim at sinilip itong muli. “Ivy, please, don’t make this too complicated for us.” Narinig ko ang boses ni Daddy— galing iyon sa cellphone ni Mommy na nakapatong sa ibabaw ng mesa. “Why are you still concern about me? Hindi ba’t mas pinili mo siya kaysa sa akin? And

