VIVIAN DE VERA Nakaupo ako sa loob ng opisina ni Boss Kiko habang binabasa nito ang article na ginawa ko. Matipid itong ngumiti at iyon ang pinanghawakan ko. “Maganda. Sigurado na pagkakaguluhan ito ng media. We got all the information and videos, kaya wala siyang kawala. We also got the statement from the teenager’s family.” “Talaga, Boss Kiko?” “Yes, ang mga kuha mo ay nasa tamang anggulo para mahuli ang panghihipo nito sa dalaga. Magagamit din ito ng pamilya ng bata para manalo sa kaso.” Naitaas ko ang aking kamao dahil sa success ng misyon ko. Halos isang taon ko na rin minamanmanan ang tao na iyon at ngayon na nahuli na namin siya ay wala na itong kawala sa pangil ng batas. “Sige, Boss Kiko. Tatapusin ko naman yung research para sa news bukas.” “Sandali.” Napahinto ako sa tang

