Prologue
"Capt. Admiral, Wala parin kaming nakukuhang lead kung sino ang pinaka puno sa nangyaring krimen." Pagpapahayag ni PO2 Castillo.
"Maski ang aming grupo ay nahihirapan sa pag huli sa grupo ng pagnanakaw. Kung hindi nakakaalis ay may nababaril sa grupo namin dahil lumalaban. Mukhang alam na alam nila ang bawat galaw na gagawin nila." Si PO1 Torres naman ang nagpahayag.
Nasa harap ko sila habang nagbibigay ng mga detalye.
"Then, We need to use a severe strategy. Kung mautak sila dapat mas mautak tayo." Ani ko sa kanila at tinaasan ng kilay.
"Sigurado akong ito naman ang target nilang lugar upang pagnakawan." Tinuro ko sa isang blue print ang Jewelries Store. "We need more Police officers in this area but in hide. Kaylangan hindi nila alam na may mga Police sa paligid para mas lumakas ang loob nila and then we all caught them in my command." Maikling salaysay kong plano.
"Yes Capt. Admiral." Sabay na wika nila.
Tumango lamang ako.
Mabilis silang lumabas na dalawa sa loob ng office ko. Pagkatapos sumaludo.
Halos lahat ng Police officer ngayon sa Police Station namin ay abala dahil pinagalitan sila ng Chief.
Pa easy easy pa kase sila nung nakaraan kaya ayan at bigla silang binigyan, kami pala ng misyong hahawakan at reresolbahin.
Chief of Police also known as Police Chiefs are top ranking law enforcement officers who manage and supervise all Police department personnel and direct all daily Police department operations.
Siya ang nag aasign sa amin kung ano ang gagawin at dumadaan din sa kanya ang pagpaplano.
We are ready and in right places. Malapit kami sa binabantayang Jewelries Store.
Tamang tama lang dahil maya maya lang ay may mga kalalakihang dumating gamit ang iba't ibang sasakyan. Nag hiwahiwalay pa sila pero halata naman sa kilos na may gagawing masama.
Alam na ng ibang Police officer ang gagawin, May mga mag babantay sa sasakyan ng mga magnanakaw at may mga tao nadin sa loob ng Jewelries Store.
Ilang sandali lang may narinig na kaming hiyawan and thats our cue.
Mabilis kaming rumispunde sa loob at hindi namin hahayaan na makatakas ang mga mag nanakaw na ito.
"Dumapa kayo! Walang maingay!" Sigaw ng magnanakaw.
"Ilabas niyo lahat ng alahas!" Malakas na ani ng isa.
Theft and Robbery is difference from each other. Theft is committed by any person who, with intent to gain but without violence against or intimidation of persons nor force upon things, shall take the personal property of another without the latter's consent. Ito yung mag nanakaw sa mga kalye, yung bigla nalang mangunguha ng bag o ibang gamit.
Robbery on the other hand is a crime committed by any perso who, with intent to gain, shall take any personal property belonging to another by means of violence against or intimidation of any person or using force upon anything.
Nagkakagulo ang lahat nang mapasukan namin ang ganong tagpo.
Lahat ng nasa loob ay nakadapa at ang mga magnanakaw ay kanya kanyang kuha sa mga alahas at pera sa kaha.
"Itaas ang kamay!" Sigaw ng isang Police officer.
Napatingin sa amin ang mga magnanakaw at nanlaki ang mga mata. Tila ba nataranta sila at kumuha ng hostage.
"Huwag kayong lumapit. Papatayin namin to." Ani ng isa sa magnanakaw habang tinutukan ng baril ang isang medyo may katandaang babae.
Bilang Police Officer kaylangang mabilis kang humanap ng butas sa mga kalaban.
Lumapit ako sa kanya, at mabilis na sinipa ang baril na nakatutok sa babae.
He was shocked. Kitang kita sa mukha niya ang pagkabigla.
May mga Police kase minsan na pinapahaba pa ang oras para makipag satsatan sa mga ganitong pangyayari.
Nahuli ang mga magnanakaw pero hindi sila umaamin kung sino ang boss nila.
Paulit ulit ng tinanong kung sino pero makukulit talaga at ayaw nila mag salita.
"Capt. Admiral." Tawag sa akin ng isang Police officer.
"Oh?"
"Kain tayo?"
"Ayoko." Ani ko at tinalikuran siya.
"Naku Police Officer Santos, masungit yan at maldita wala kang pag asa dyan."
Narinig ko pang sabi ni Police Officer Baldez.
Sarap sabunutan ng babaeng 'yon.
"Mahal ko 'yon."
"Hala? Seryoso ka?"
Natigil ako nang marinig ko yon pero dumiretso din para kumaing mag isa.