NAGULAT ako nang hubarin nito ang suot na suit at itinakip sa aking katawan. Saka ko lang naalala na tanging nighties lang pala ang suot ko. What the! Namula ang magkabila kong pisngi sa hiya. Lihim kong sinita ang sarili. Napaka-tanga ko talaga. Palibhasay, resulta ito kanina. Hindi kasi ako mapakali at totoong kinakabahan ako. Magpahanggng ngayon ay gano'n pa rin. Kaloka! "Kailan mo pa nakalimutang magsuot ng roba? tanong nito. "Balak mo bang akitin akong muli? Baka hindi ko na mapigilan ang sarili at totoong papatulan na kita." Hindi ko alam kung ano'ng isasagot dito. "Nagkakamali ka, nakalimutan ko lang talaga," maagap kong sagot dito. "You change a lot, pumayat ka yata. At may napansin pa ako sa'yo, ba't mas lalong pumuti ka? Isa pa, mas lalo kang — gumanda," tugon pa nito. "Luma

