"PASENSIYA ka na kung pati ikaw ay nadawit sa pagpapanggap na ito. Huwag mo na lang ipaalam kay Zeus na ikaw si Lyn." "P—paano kung magalit siya? Hindi ba't best friend sila ng kapatid kong si Farrah?" "Yes, pero mas maigi na hindi niya alam. Isa pa, chance mo na rin 'yan na mapaibig mo ang bilyonaryong si Zeus. I just want to remind you na isang dakilang womanizer ang lalaking 'yon." Hindi ko alam kung ano'ng isasagot ko sa lalaking kasama ko ngayon. Kasalukuyang nasa kitchen ako, nagluluto ng bacon. "Nag-dinner ka na ba?" tanong ko rito. "Thanks, but I have to go. Kailangan ko pang puntahan ang address na ibinigay mo," saad nito. Kahit ano'ng gawin nitong maging masigla ay hindi maipagkakaila sa anyo nito ang labis na kalungkutan. "Pupuntahan mo ba ang puntod ng kapatid ko?" tan

