KASALUKUYANG busy ako sa sariling mesa. Nang bigla kong maramdaman ang pagkahilo. Napahilot ako sa sariling sentido. Pumikit ako saglit. "Hey, are you alright?" Nagulat ako nang marinig ang nag-aalalang boses na iyon ni Zeus. Nag-angat ako nang tingin dito. Sumilay ang ngiti sa aking mga labi. Dumukwang ito para hagkan ako nito sa mga labi. Mabilis lamang. A french kiss to be exact. "Don't worry about me, I'm fine. Siguro pagod lang ako sa dami ng paperworks na tinatrabaho ko," saad ko rito. "Are you sure?" paniniguro pa nito. "Pwede ka namang magpahinga muna. Gusto mo bang matulog saglit?" "Hindi na, sigurado akong okay lang naman ako, sige na kaya ko na 'to. Tatawagin na lang kita kung hindi ko na talaga kaya," sagot ko. "Baka gutom ka na?" "Nope, isa pa ang aga pa para kumain

