EKSAKTONG pumatak ang araw ng Biyernes. Binihisan ko na agad si Ferra, nais kong isama rin ito sa lakad naming tatlo nina Stacey at Eliza, kasama ang Yaya nito. "I am so happy mommy at sa wakas ay sinasama niyo na po ako sa mga ilang lakad ninyo nina Tita Stacey at Tita Eli," masiglang ani ni Ferra sa akin. Ngumiti ako rito habang inaayos ko ang sarili. "Oo naman, para makapag-enjoy kayo ni Yaya mo. Punta tayo sa Manila Zoo," nakangiting turan ko rito. Napansin ko ang panlalaki ng mga mata nito, halata ang excitement doon. At ang makitang masaya ito ay totoong nagbigay saya rin sa aking puso. Ang totoo niya'n, makikipag-usap ako kina Stacey at Eliza. Hihingi ng tulong para lutasin ang problemang kailangan kong mabigyan ng solusyon. Napahaplos ako sa sariling tiyan. Palihim akong kuma

