MABILIS kong nakita sina Stacey at Eliza. Nakangiting niyakap ako ng mga ito sabay halik sa pinsgi. Ganoon din ang ginawa ko sa mga ito. "Tita Stacey, Tita Eliza!" bulalas ni Ferra. Mabilis na niyakap ito nina Stacey at Eliza sabay halik sa pisngi ni Ferra. Gayundin ang ginawa ng huli. Naupo agad kami sa upuan. "Yaya, samahan mo muna si Ferra sa kung saan at ano'ng hayop ang nais niyang makita at may pag-usapan lang kaming magkaibigan," tugon ko sa Yaya ni Ferra. "Okay po, Ma'am." "Sweetie, okay lang ba sa'yo na kayo muna ni Yaya ang magkasama?" "Yes! Thank you mommy! No worries po, mommy. Okay lang po sa akin," masiglang turan ni Ferra. "Mag-enjoy kayo ni Yaya, sweetheart." "Opo," nakangiting turan pa rin ni Ferra. Napatitig ako sa seryosong mukha ni Eliza. "Is that really true n

