NAKAMASID lang ako sa aking mag-ama. Araw ng Sabado ngayon. Family day. Narito kaming tatlo sa may pool. Nakaupo ako sa lounge chair habang panay kuha ko naman ng litrato sa aking mag-ama. They were so happy. At ilang araw na lang ay aalis na ako. Napag-usapan na namin iyon ni Zeus. At lihim akong nagpasalamat dahil talagang umaayon sa akin ang pagkakataon. Kahit pa nga sabihing ayaw ni Ferra na umalis ako. Pero kailangan. In order to save the marriage na siyang ginagampanan ko bilang asawa at ina ng mga taong naging malapit na sa aking puso. Ang punto ni Zeus ay ayaw niyang nasasakal ako sa relasyon namin. Kahit labag man daw sa kalooban nito sa desisyon kong isang taon sa Paris bilang designers sa isang sikat na brand. Like Gabana, Gucci, and etc. To the rescue naman agad si Eliza p

