"WHERE's Ferra?" tanong ko kay Zeus. "She's inside of course!" Interrupt ni Tatiana. Napasulyap ako rito. Hindi ko mapigilan ang sarili, naiirita ako sa presensiya nito. "Are you, okay?" tanong ni Zeus sa akin. "I'm fine," tipid kong sagot dito. "Sigurado akong excited si Ferra na makita ka." Ngumiti ako sa narinig mula rito sabay yuko. Nilapitan kami ng mag-asawang Mondragon. Lihim na namangha ako sa hitsura ng mag-asawa. Sabagay, mayaman at maraming nagagawa ang pera. "You look different tonight, hija. Mas lalo ka yatang gumaganda," nakangiting saad ni Mrs. Mondragon sabay halik sa aking pisngi. "Thank you, mommy," saad ko rito sa paraan kung paano si Farrah kumilos. Gano'n din ang ginawa ko kay Mr. Mondragon. May ilan pang mga relatives ni Zeus na nakipag-beso sa akin. I r

