HANDA ka na bang makitang muli si Ferra?" tanong ni Zeus sa akin. "Sino ba namang ina ang hindi excited na makita ang sariling anak?" Kunot-noong pinakatitigan ako ni Zeus. "Hindi ba't ayaw mo kay Ferra dahil sa sobrang kulit niya? And here you are in front of me saying those words?" "Sinabi ko na sa'yo, mapapansin mo talagang may ilang pagbabago sa'kin. Dahil ang totoo niya'n, nais kong i-tama ang lahat, Zeus." "Which is nice. Tama ang desisyon mong 'yan. By the way, nais ko lang ipaalala sa'yo. Malapit nang matapos ang dalawang-taon na kontrata natin at pwede na tayong mag-file ng annulment," saad nito sa akin sa tila may bahid na lungkot sa boses. Nagulat ako sa narinig. "Ikaw ang bahala," sagot ko na lamang dito. "Pero paano si Ferra? Masasaktan ang anak — natin," ani ko rito sa

