I Lay Dead

4034 Words
Four I Lay Dead   “Boo hoo.” “Ang ingay mo, Zoe.” “Shut up. Matulog ka r’yan kung gusto mong matulog, Ryle. Eh sa gusto kong mag-ingay, eh.” “Buksan mo ‘yang bintana pagkatapos saka ka sumigaw-sigaw nang hindi ka nakakaistorbo ng natutulog. Baliw.” Nagkatinginan kami ni Cheen na katabi ko sa tren saka tahimik kaming tumawa. Ganyan lang sila Ryle at Zoe sa isa’t-isa pero marami rin naman silang mga bagay na pinagkakasunduan. Siguro talagang inaatake lang sila ng talangka sa utak ngayon kaya ganyan. “Sana laging ganito ang nakikita natin. Mountains, rivers, hills. Sa Dahlia, kahit sabihing Queen City iyon eh walang ganyan.” Sabi ni Cheen na nakangiti. “Hm. I agree. Maski ang Sunny Dale.” “Siguro kapag grumaduate na tayo, mas magiging madalas na ang trips natin, ‘no? Sana gano’n.” Natawa ako sa itsura niya. “Iyon ay kung makakatapos ka.” “Makakatapos ako, ‘no. Three years na lang, we’ll both be there, Thea.” Ngumiti lang ako. Maraming pangarap si Cheen. Pero alam n’yo kung anong pinakagusto niyang matupad? Gusto niyang makakita ng bampira o kaya ng werewolf. O kaya isang witch. Basta kahit na anong mga nilalang na isa lamang alamat sa mata ng mga tao. Gusto niya kasing patunayan sa sarili niyang may gano’n talaga. “Naaalala mo na ba?” Tinignan ko siya. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Matapos ang ilang segundo ng hesitasyon ay umiling ako. Nagulat na lang ako kahapon nang matagpuan ko ang sarili ko sa ospital. Pagkagising ko nando’n na ako, walang maalala. Kind ‘a creepy. Gano’ng-gano’n din kasi nag-umpisa ang mga weirdo kong experience no’n. Iyong tipong wala akong naaalala pero dapat naman talaga meron. “You wanna know why? Dahil ayaw mong tanggapin. Ayaw mong maniwala, ayaw mo siyang tanggapin.” Nangunot ang noo ko. “Tanggapin? Paano ko tatanggapin kung hindi ko naman alam kung ano iyon? Cheen, ano bang sinasabi mo?” Luckily tulog iyong dalawa kung hindi’y mapagkakamalan na naman kaming mga baliw nito. “Kung malalaman mo kung ano ‘yan, para mo na ring sinabing handa ka na sa kahit na anong mangyayari, Althea. Anything can happen now. And the question is, are you ready?” Napalunok ako. Sa mga oras na ito, parang gusto kong sabihing oo. Pero isa lang naman ang makukuha ko roon—pagpapakasasa sa kuryosidad ko. Kapag nalaman ko na kung anong nangyayari sa akin, eventually aayaw na rin ako. But when that time comes, hindi na ako pwedeng bumalik pa. “Kahit hindi mo sabihin, Thea, naiiwan pa rin ang bakas ng nakaraan sa sistema mo. Iyong takot na matawag kang baliw, iyong takot na maging iba sa karamihan, iyong takot na pagtawanan. Iyan ang mga pumipigil sa ‘yo para harapin ang dapat matagal mo nang hinaharap. Alam mo, sobrang idol kita dati kasi kahit sinasabi nilang iba ka dahil sa mga mata mo, nagagawa mo pa ring mamuhay ng normal. Pero hindi ko kahit kailan naisip na magkakaganyan ka.” Natahimik ako. Siguro nga masyado nang maraming nagbago sa akin. Hindi na lang sa pisikal. Tinanggap ko na ang sarili ko at natuto na rin akong mas mahalin pa ang kabuuan ko dahil wala namang ibang gagawa no’n kung hindi ako lang din. Pero bakit ganito? “People change.” Was the only thing I can say. “Nakakalimutan mo ang mga bagay na ‘yan dahil hindi mo kayang tanggapin. Kailangan mo silang tanggapin, Althea, para makausad ka. Nandito naman ako, eh. Nandito kami ni Ryle.” Makailang beses akong umiling hanggang sa marinig ko ang pagbuntong hininga ni Cheen. Wala na kami sa Devon nang maghating gabi. Konting oras na lang at nasa syudad na kami. Malapit na sa kabihasnan. Nakita kong himbing na rin si Cheen sa tabi ko. Si Ryle nagising kanina pero nakatulog din ulit. Hindi ko naman kasi ugaling matulog sa byahe kaya ako lang ang gising ngayon. Napatingin ako sa ibon na nasa paanan ko habang naghihintay ako ng oras ng pagbaba. Gaya ng dati, nakatingin din sa akin ito na parang may gusto siyang sabihin. Yumuko ako at kinuha ang kwintas na inilagay ko sa leeg ng ibon noong isang linggo. Tinitigan ko ang pendant. Pamilyar talaga sa akin ang kwintas na ito. Hindi ko lang alam kung saan ko nakita ito. Paano nga kaya kung tanggapin ko na lang ang mga bagay-bagay? Well, the more I resist to accept it, the more it will bug me. Pero kung tatanggapin ko, ano bang malay ko? Baka nga magdulot ito ng maganda. NAG-AAYOS si Bricks ng fence ng bakuran ng bahay nang dumating kami mula sa pamimili sa mall sa ibaba ng bayan. Dumiretso sina Cheen, Ryle, at Zoe sa loob samantalang nagpaiwan ako’t huminto sa tapat ng Kuya ko. “Nasa kwarto ba si Mama?” Huminto siya sa ginagawa niya. Inilapag niya ang martilyong gamit niya at pinukol ako ng masamang titig. Hindi ko na lamang pinansin iyon at nagtuloy na ako sa loob. Inabutan kong nagkumpulan silang tatlo sa may sala at pinagkakatuwaan ang ibon. Nagulat na lang ako nang maramdaman kong nakasunod si Kuya sa akin hanggang sa kusina. “Wala ka pa bang balak na umalis dito?” dama ko ang galit sa tono niya. Ang galit na laging humaharang sa akin para makipag-communicate sa sarili kong kapatid. “Aalis kami bukas, h’wag kang mag-alala.” Narinig ko siyang umismid habang kumukuha ako ng tubig. Gusto ko nga sanang balewalain iyon kung hindi lang siya nagsalitang muli. “Bakit ka pa ba bumalik dito? Hindi ba tama nang nakita mong ilibing ang Papa? Wala namang nagsabi sa iyong magtagal ka rito ng ilang araw.” “Kuya! Bakit ka ba ganyan? Bahay ko rin ito. Hindi mo ako pwedeng pagbawalang tumuntong sa sarili kong pamamahay!” Alam kong nadinig nila Cheen ang sigaw ko nang biglang manahimik ang buong sala na tila pinakikiramdaman kami. “Nahihibang ka na ba, Althea? Hindi na ito ang bahay mo. Humiwalay ka na ng landas, nakakalimutan mo na ba?” Ang kuya ko. Hindi pa rin ba niya nakakalimutan iyon? Bakit ayaw niyang kalimutan? Minsan ko lang ginawa iyon, bakit ayaw niyang kalimutan? “Ano bang gusto mo? Ano bang problema mo, Bricks? Bakit mo sinasabi sa akin ang mga ‘yan? Ano bang gusto mo!” “Gusto ko? Gusto kong umalis ka rito! Gusto kong mawala ka rito! Isinusuka ka na ng lugar na ito, Althea! Bakit ba balik ka ng balik? Walang puwang ang mga isinumpang kagaya mo dito!” Sumpa. Isinumpa… Bakit gano’n? Pakiramdam ko binubulag ako ng isang pulang bagay na nakaharang sa mga mata ko. Gusto kong umiyak pero wala akong nararamdamang tumutulong luha sa akin. Unti-unti, tinatakluban ng mapulang ilaw na iyon ang paningin ko. “B-bawiin mo ang sinabi mo, Kuya.” “Bakit ko gagawin iyon? Galit lahat ng tao sa ‘yo rito dahil ipinaaalala mo lang sa lahat ang sumpa! Walang may gustong nandito ka! Noon magpahanggang ngayon wala namang ipinagbago, eh! Wala! Dahil kahit ayaw mong tanggapin, iba ka sa amin! Asul ang mata mo! Isa kang sumpa, Althea.” Parang hinuhugot ang hininga ko sa sakit. Gusto kong maghanap ng kahit na anong pwede kong magamit para saktan siya. Pero bakit ayoko? Bakit ayokong saktan ang kapatid ko? May nagsasabing tama lang na saktan ko siya dahil sinasaktan niya rin naman ako. Pero bakit ayoko? Bakit parang ayoko? Na-realize kong tuluyan na akong binulag ng pulang humaharang sa aking mata. Wala na akong nakikita. It’s like the world had shut me down and I couldn’t even tell what’s happening beyond that. Naririnig ko na lang ang mga tinig ni Ryle at Zoe na parehong sumisigaw at ang isang presensyang tila niyayakap ako sa likuran like it’s holding me in place. “Ti-Thees?” Tuluyan ko nang idinilat ang mga mata ko. Nakita kong nakapalibot sila sa akin. Si Ryle, si Cheen, si Zoe, si Mama, at si Bricks. May plaster na mahaba na nakadikit sa kaliwang pisngi niya. Nag-iwas siya ng tingin sa akin at tumalikod. “Anong nangyari?” Dinagukan ako ni Zoe. Bigla siyang inilayo ni Cheen sa akin. Nang tignan ko siya, wala ang pag-aalala sa kanyang mukha. Ewan. Sigurado akong hindi siya nag-aalala kaya niya ginawa iyon. “Baliw ka talaga, Ti-Thees! H’wag mong sabihing wala ka na namang naaalala sa nangyari sa ‘yo!” “Zoe, h’wag kang mag-iskandalo rito.” Malamig na sabi ni Ryle na bigla na lang ibinagsak ang sarili sa tabi ko. “Just be happy that Thea finally awoke.” Dumaan ang silver lining sa harapan ng mata ko habang nakikita kong nagbabago ang mga mata ni Zoe at pinipilit lang niyang ngumiti. Hindi nga ako nagkamali. Hindi naman talaga siya nag-aalala. “Ano bang nangyari?” tanong ko ulit na hindi na pinansin si Zoe. “Wala kang naaalala?” balik-tanong naman ni Ryle sa akin. Umiling ako. Mayamaya rin ay naglabasan sila at sinabihan lang akong magpahinga. Hindi ko nalaman kung anong nangyari. Hindi ko rin narinig ang pinag-usapan nila ng doktor. Wala silang sinabing kahit na ano. Hanggang sa magdilim. Iba ang pakiramdam ng atmosphere ng gabing iyon. Hindi ako mapakali. Para bang may tumatawag sa akin. Walang tao. Hindi ko alam kung saan nagpunta ang mga tao. Tumayo ako. Nagtungo sa banyo. Mula sa pintuan ay nakikita ko na ang salamin sa loob. Nang pumasok ako ay kitang-kita ko ang mukha ko sa repleksyon ng salamin na iyon. Para akong nawawala sa sarili. Nagtaka ako kung paanong napunta rito ang kwintas pero kinuha ko lang iyon at tinitigan. Unti-unting bumibigat ang mga mata ko hanggang sa dalhin ako nito sa isang pamilyar na lugar. “Nasa kwarto ba si Mama?” Nakita ko na ang eksenang ito. Ang damit niya, ang ayos ng buhok niya, ang kausap niya pati na rin ang boses niya. Inihinto ni Bricks ang ginagawa niya at tinitigan ng masama ang babae. Nagtuloy ang babae sa bahay. Sinundan ko siya. Nasa sala sina Cheen, Ryle at Zoe na kinatutuwaan ang ibon. Nakita kong tumitingin ang kalapati sa direksyon ko. Nilampasan lang ako ni Bricks na parang wala ako roon at nagtuloy lang siya sa pagsunod sa babaeng kamukha ko. Or should I say ang nakalipas na ako. Sinusundan ako ng tingin ng ibon. Napahinto ako sa may salamin. Wala akong nakitang repleksyon ng sarili ko. Doon ko naisip, marahil ay hindi ako kasama sa eksenang ito. “Ano bang gusto mo? Ano bang problema mo, Bricks? Bakit mo sinasabi sa akin ang mga ‘yan? Ano bang gusto mo!” Nasabi ko ‘yan sa kanya? Tama. Narinig ko na nga ang mga salitang ‘yan. “Gusto ko? Gusto kong umalis ka rito! Gusto kong mawala ka rito! Isinusuka ka na ng lugar na ito, Althea! Bakit ba balik ka ng balik? Walang puwang ang mga isinumpang kagaya mo rito!” Lumapit ako ng maigi sa kanila. Na-shock ako nang makitang wala namang partikular na tinitignan ang babae dahil wala na sa harapan niya si Bricks. Tila ba sinusundan na lang niya ang boses nito. Para siyang bulag. “B-bawiin mo ang sinabi mo, Kuya.” “Bakit ko gagawin iyon? Galit lahat ng tao sa ‘yo rito dahil ipinaaalala mo lang sa lahat ang sumpa! Walang may gustong nandito ka! Noon magpahanggang ngayon wala namang ipinagbago, eh! Wala! Dahil kahit ayaw mong tanggapin, iba ka sa amin! Asul ang mata mo! Isa kang sumpa, Althea.” Shit. Her eyes were bleeding. As in literally! Para siyang umiiyak pero dugo ang lumalabas. Nagulantang na lamang ako nang nahawakan niya ang isang kitchen knife mula sa likuran niya. Hawak din niya ang kaliwa niyang mata na parang tinatakpan. Pakiramdam ko matatatanggal iyon any minute. O baka masakit lang? Napupuno na ng dugo ang mukha niya. “Althea!” Sinubukan kong agawin ang kutsilyo pero hindi ako makahakbang. Hindi ko alam kung paano niya natunton si Bricks but with one swift move ay natamaan niya ng kutsilyo ang mukha ng kapatid ko. Lumikha iyon ng pahabang sugat. Mabuti na lang at dumating sina Ryle na malamang ay narinig ang ingay mula sa sala. Hinawakan ni Ryle ang babae habang inaagaw ni Zoe ang kutsilyo. Nakita kong halos maiyak si Ryle habang hawak ang babae. Parang gusto na lang niyang yakapin ito habang nagmamakaawang tumigil. Dinaluhan ni Cheen si Bricks. The screams went into a stop. She collapsed. Agad silang lumabas ng bahay. Walang natira. Wala kung hindi ako at ang ibon na nakatingin lang sa direksyon ko. AFRICA? Maybe. Pero kung hindi galing sa museum, sino pa ba naman ang magtatago ng ganitong kalumang fountain pen? Fountain pen na wala namang tinta. Iyong tipo ng pen na isinasawsaw pa sa ink bago sumulat. That’s uber aged. And this necklace? Thailand? Imposible. Daming cheche bureche ng mga kwintas sa Thailand, ‘no. “Isusuot ko ba o hindi na lang?” “Isuot mo.” Nagpalinga-linga ako. Walang ibang tao roon kung hindi ako… at ang ibon. So ano? Nagsalita ang ibon? “N-n-nag… Nagsalita ka?” “Yes, I did, Milady.” “E-eh?” Hanep namang ibon ito. Nagsasalita na, nag-iingles pa. “W-wait. Ano ka? I mean sino ka? Tama, ano ka?” Ano ba talagang itatanong ko? “Maaari mo akong tawaging Raikki. Hindi ako kaaway. Isa akong kakampi. Hindi ako narito upang guluhin ka. Patawad ngunit kailangan ko lamang gawin ang aking tungkulin bilang iyong tagapaglingkod.” Malalim ang tagalog niya pero may accent siya. Narinig ko na ang accent na ‘yan doon sa magician na nagbigay sa akin ng kalapating ito. Woot. Setup ba ito? May hidden camera ba rito pagkatapos sasabihin nilang ‘Just Kidding!’? Tsk. Reality check, Althea. It’s the real world. “Teka lang, magkalinawan. Ikaw si Raikki, nagsasalita ka ng english, pagkatapos pang-Japanese ‘yang pangalan mo.” Nilapitan ko ang kulungan niya saka ko binuksan para malaya siyang makalipad. “Explain.” “Ipinanganak akong Japanese, sinanay ako sa Greece, kinailangan kong maglakbay sa malawak na mundong ito upang mahanap ka, Kamahalan.” Napaarko ang kilay ko. Gusto ko nang tumawa sa totoo lang. Para kasing imposible, eh. Kaso kapag pinagtawanan ko siya baka mapahiya naman kaya h’wag na lang. Baka rin kasi nasisiraan lang ako ng ulo. “So… bakit ka nagsasalita? Ano ka ba talaga?” “I am your keeper.” Weird pa rin ang dating sa akin ng nag-i-english na ibon pero haler? Nagsasalita siya ng matino. Para siyang isang prim and proper na talking bird. Ano ba naman itong nangyayari sa akin oh. “Keeper? Teka tagalugin natin, ah. Alila?” “Tagapag-lingkod.” Aw. Ayaw ng alila. Choosy. “Eh bakit ngayon mo lang ako kinausap?” “Kung kinausap kita kaagad, marahil ay nabaliw ka na ngayon. Ayokong biglain ka, Kamahalan. Kinailangan kong obserbahan muna ang pamumuhay mo rito sa lugar na ito bago kita kausapin.” “Kausapin tungkol saan?” Tinitigan niya ako ng sobrang tagal. Honestly? Gusto ko rin sanang matakot. Pero sa kabila no’n, pakiramdam ko wala akong dapat na katakutan pwera sa isang bagay—ang sarili ko. MONDAY. Night class lang lahat ang papasok mamaya so technically it’s no school for me. Festival preparation kasi ngayon sa plaza, unang araw. Nagtutulong-tulong ang lahat ng tao sa Sunny Dale para sa pagde-decorate ng square park at sa plaza. Kadalasan kasi talagang sa unang araw sinusupende ang mga klase para makatulong sa pagdedekorasyon. “Kamahalan.” Kagabi pa siya ganyan. Nasanay na nga lang yata ang tenga ko sa kakatawag niya sa akin ng ganyan. Bawal daw kasi sa kanilang mga keeper ang tawagin via first name basis ang mga master nila. Akalain mo iyon? “Aalis ako mamayang pagkatapos ng hapunan para tumulong sa plaza. Dito ka lang, ah.” “Hindi mo na dapat inihahalo ang sarili mo sa kanila. Magsasayang lang kayo ng oras, Kamahalan.” “Kailangan kong mamuhay ng ganito, Raikki. Hindi dahil espesyal ako sa mata mo ibig sabihin espesyal na rin ako sa mga mata ng ibang tao. I have to cope. Hindi atin ang ginagalawan nating lugar.” Hindi siya nagsalita. Palipad-lipad lang siya sa kusina ko kung saan ako naghahain. Kagabi kinain niya ang kinain ko. Okay lang naman sigurong ulitin ko na lang siyang pakainin ng mga pagkain ng tao. Hindi naman siya choosy, eh. “May kinalaman ka ba roon sa mga nangyari sa Devon noong isang araw, Raikki? Iyong pagdugo ng mata ko?” “Anong sabi nila?” “Wala. Wala silang sinabi. Sabi naman ng doktor siguro raw may internal hemorrhage or something kaya gusto nilang i-surgery. Hindi ako naniniwala roon. Halos napuno ng dugo ang buong mukha ko. Though hindi nila alam na may naaalala ako sa nangyari.” “Espesyal ang mga mata mo. Hindi mo dapat ipinapagalaw sa kahit kanino ang mga ‘yan.” Oo. Asul ang mata ko. Sa Devon, itinuturing na isinumpa ang mga ipinanganak na asul ang mga mata. Wala akong ginawa buong buhay ko na tumira ako sa bayan na iyon kung hindi ang tumakbo ng tumakbo sa mga taong gusto akong patayin. Sanay akong matakot. Pero sa tingin ko wala na iyon ngayon. “I know that. Anyway, alis na muna ako.” Tinignan niya lang ako. Nakatingin siya sa suot kong kwintas pagkatapos ay tumingin ulit sa akin. Nangunot ang noo ko. “May problema ba?” “Dapat mong tanggapin, Kamahalan.” “Ang alin?” Walang sabi-sabi siyang lumipad papunta sa kwarto. Kahit nagtataka, hindi ko na siya sinundan. Nagdiretso ako sa plaza. Nadatnan kong marami pa ring tao ang naroon kahit gabi na. Kaya naupo na lang ako sa bench na nasa dulo ng plaza. Kaysa naman makipagsiksikan ako ‘no. “Hey, Thees.” Tiningala ko ang pinanggalingan ng tinig. Si Ryle. Ngumiti ako samantalang umupo siya sa tabi ko. “So you’ve come too. Akala ko tatamarin ka, eh.” “Alam ko kasing makikita kita rito kaya hindi ako tinamad.”  “Si Zoe?” pag-iiba ko ng topic. “Nand’yan lang ‘yan.” tumayo siya. “I’d better find her. D’yan ka lang, ah. Babalikan kita—I mean babalikan ka namin.” Tumakbo na siya papunta sa stage na nasa gitnang bahagi ng plaza. Dapat ko bang sabihin kay Ryle ang mga nangyayari? Alam kong mapagkakatiwalaan ko si Cheen. She’s my best friend. Pero paano sina Ryle at Zoe? Masasabi ko ba sa kanila ang tungkol kay Raikki? Kaya ko ba? “Wonderful necklace.” Automatic na napatayo ako sa kinauupuan ko. Nasa harapan ko siya, nakatuntong siya sa pangalawang palapag ng hilera ng mga bench doon. Siya iyong parehong lalaking nakita ko sa magic show na gustong bilhin si Raikki. Masama ang kutob ko. “Ibigay mo sa akin ang kwintas.” Ngayon naman ang kwintas? He stretched his palm to me. Gusto niyang ilagay ko ang kwintas sa mga palad niya. “Why do you want this necklace?” “Ah, so hindi ka pobre. Marunong kang mag-ingles, ah.” Bakit, mukha ba akong hampas lupa? At saka ano ba namang klaseng basehan iyon? Kapag hindi marunong mag-ingles ibig sabihin ay pobre na? Sobra naman. “Alam mo, Miss, hindi ako nakikipagbiruan sa ‘yo. Ibigay mo sa akin ang kwintas. Ngayon na.” Ang mga mata niya. Hindi ko alam kung paanong parang ayaw maalis ng titig ko sa mga mata niyang kulay itim ngunit unti-unting nagiging pula. Alam kong dapat lang akong matakot. Pero ano itong nararamdaman ko? Bakit ganito? “Akin ang kwintas,” aniya na tila ba siguradong-sigurado. “Hindi sa ‘yo ito. Nahanap niya ako. Akin ito.” sinabayan ko iyon ng takbo. Halos talunin ko ang lahat ng nakaharang na upuan sa dadaanan ko. Lihim kong wini-wish na sana makita ko si Ryle o kaya makasalubong man lang. Malaki ang plaza. Mahirap takbuhin ang kabuuan nito. “Where do you think you’re going?” He just appeared before me kaya napahinto ako ng wala sa oras. “A-anong klaseng nilalang ka?” “Isang nilalang na baka sumira sa buhay mo kung hindi mo ibibigay ang kwintas. Huli na ito, Miss. Give me the necklace.” Hindi pala dapat ako lumabas ng bahay. Posible kayang alam ni Raikki ito? Posible kayang alam niyang mangyayari ito kaya pinipigilan niya ako kanina? Pero bakit hindi na lang niya sinabing may ganito pa lang mangyayari? “No.” Sa isang kisap-mata lang, nasa harapan ko na siya at dadakmain na sana ang kwintas na nasa leeg ko. Hinawakan ko lang ang kamay niya. Hindi ko alam pero sabi ng reflexes ko hawakan ko lang ang kamay niya kaya ginawa ko. “Ah s**t!” Napalayo siya sa akin habang sapo niya ang kamay niya. Pilipit iyon. As in naging harapan ang likod. He was trying to bring it back habang unconsciously eh napahawak din ako sa kamay ko. Cool. Ginawa ko iyon? Pinilipit ko talaga ang kamay niya? Iyon na ang tsansa kong tumakbo. Huminto ako at nilingon siya habang paunti-unting naglalakad ng patalikod. Nakita kong nasa akin na ang atensyon ng karamihan. Nawala siya sa paningin ko. Kay bilis ng mga sumunod na pangyayari. Bigla na lamang may nakakabulag na liwanag sa kaliwang gilid ko kasabay ng nakabibinging tunog na iyon. ILANG beses ko nang nakita ang simbahan na ito. Ang ipinagkaiba lang ay nakikita ko na ito ng kabuuan. Nilalakad ko na ngayon ang gitna nito patungong altar, dati hanggang tingin lang. Narating ko ang altar. I felt the urge of touching the silk cloth placed over the table but I held back as I heard someone came. “Father…” Ngumiti siya at lumapit. Niyakap niya ako. Naramdaman ko na lang ang isang matulis na bagay na tumusok sa likuran ko. Narinig ko ang sarili kong humihiyaw sa sakit pero wala naman akong maramdamang sakit. Hinugot niya ang matulis na bagay na iyon. Patalim. Mahabang patalim. Isinaksak niya sa dibdib ko ang patalim na iyon. Umiiyak ako, nakikiusap. Gustong mawala ang sakit. Pero walang kahit na anong sakit akong nararamdaman. Unti-unti akong napaupo. Napasandal sa altar, naghihingalo. Kahit nang mawalan ako ng hininga, hindi siya nalungkot. Walang bakas ng pagsisisi.  “You must be killed.” “Kill…” paulit-ulit kong binabanggit iyon hanggang sa mawalan ako ng hininga. “Althea! No, that’s not true! Buhay pa siya! Althea!” Nakarinig ako ng mga iyak. Nagmumula sa babae. Ang mga sigaw ay nanggagaling sa tinig ng isang lalaki. Kilala ko ang mga boses na iyon. Galing kina Ryle at Zoe. Bigla ko na lang naramdamang kinakapos ako ng hininga. Naramdaman ko ang sarili kong umubo. Sumakit ang lalamunan ko, tila ba may nakabara roon na nais kong matanggal. Wala akong makita nang magdilat ako ng mga mata. Puro puti lang. Sobrang kailangan ko ng hangin kaya tinalon ko na kung saan man ako nanggaling. I looked back. Nasa hospital bed pala ako kanina. Narinig ko na lang na may nagsigawan habang hinahabol ko ang paghinga ko. “Imposible!” sigaw noong doktor sa likuran nila Zoe at Ryle. “Wala na siyang buhay! Ilang oras na siyang patay!” Awtomatikong nakapa ko ang dibdib ko at pati na rin ang buong katawan ko habang nakatingin sa mga gulat na reaksyon nina Zoe at Ryle. Walang sugat, walang dugo. Walang kahit na ano. “Imposible ito! Imposible! I declared her dead!” Pakiramdam ko iba na ang pusong pumipintig sa loob ko. Iba na ang dugong dumadaloy sa katawan ko. I thought I was dead. Now I know I have been.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD