Five
He’s Trouble!
“Tahimik! Ang ingay mo!”
Tumigil siya sa kakakatok niya ng lamesa sa gilid ko. Those floppy tiny feet tapping the wooden table, it irritates the hell out of me. Ewan basta masakit sa tenga. Nagko-concentrate ako, eh.
“Patawad, Kamahalan.”
“Aisht! Sigurado ka bang gagana itong kagagahang ginagawa ko? Hindi naman ako nagmumukhang baliw nito, ‘no?”
“Kailangan mong maging alerto sa lahat ng bagay. Nakakaramdam ka ng mga enerhiya, sensitibo ka na sa mga elementong nakapaligid sa ‘yo. Kailangan mong pakiramdaman ang sarili mong kapangyarihan at sarili mong kakayahan.”
Gaya ng inakala ko, alam nga niyang may mangyayari sa akin na hindi maganda. Ang sabi niya parte raw iyon ng mga pagbabagong magaganap. Ewan ko ba. Nahahawa na ako sa lalim ng tagalog niya.
Pakiramdam ko marami nang nawala sa mga dati kong gawi simula nang gabing iyon. Instinct na lang halos ang mga pinagagana ko. Weird part in there is that parang wala naman akong pakialam doon. I’ll do whatever I want. Parang gano’n. Kaya lang heto at pinahahawak sa akin ni Raikki ang kwintas. Gusto niya akong mag-travel sa sariling elemento ng kwintas.
How am I gonna effin’ do that?
“Alam mo itigil na natin ito. Maaga pa ang pasok ko ngayon, Raikki.”
“Pero, Kamahal—”
“Saka na lang kapag kailangan na.”
“Hindi mo naiintindihan, Kamahalan. Nanganganib ka, nanganganib din ang lahat ng nalalaman ko. Nanganganib na maaaring hindi ko maisakatuparan ang misyong naitalaga sa akin bilang tagapaglingkod n’yo. Kamahalan, kung maaari lamang ay gawin n’yo sana ang lahat ng makakaya n’yo para sa kapakanan n’yo.”
What the heck.
“Fine, fine. May nakita ako kanina.”
Lumipad siya papunta sa kinaroroonan ko. Lumanding siya sa throw pillow na nasa lap ko. “Anong nakita mo?”
“Babae. Gaya noong babaeng nasa panaginip ko. Nakatingin lang siya sa kwintas at parang kinakausap niya ito.”
“Iyon lang?”
Pambihira. “Kung hindi ka nag-iingay kanina tingin mo hanggang d’yan lang ang makikita ko?”
Ding! Dong!
Natigilan ako at napakunot ang noo. Doorbell? Bisita? Unexpected visitor?
“Who could that be?” bumaling ako kay Raikki. “D’yan ka lang, ah. H’wag kang aalis d’yan.”
Tumayo ako pagkatapos ay patakbong pinuntahan ang pintuan. Binuksan ko ang pintuan. Nakita kong nakatayo si Cheen doon na nakangiti.
Aba himala. Tumuntong siya ng Sunny Dale. “Coat saver?”
Tumawa siya. “High school pa yata tayo nang mauso ‘yang coat saver na ‘yan. Hanggang ngayon ginagamit mo pa rin?”
“Pansinin daw ba?” then I opened the door para makapasok siya. “Anong himala ang nagpatuntong sa ‘yo dito sa Sunny Dale?”
“May nanghingi kasi ng tulong ko.”
Nangunot ang noo ko. Bigla namang lumabas ng kwarto si Raikki saka lumipad-lipad sa paligid namin ni Cheen.
“Sino naman?”
“Si Raikki, ang keeper mo.”
ALL these time, sina Cheen at Raikki lang pala ang nagkakaintindihan. Kaya gustong ipaalala ni Cheen sa akin ang lahat ng nangyayari at ipagduldulan sa aking tanggapin ko ang lahat ay dahil may alam na siya sa mga magaganap. Kung sinabi lang nila ng mas maaga sa akin de hindi sana sila nahirapan.
“Ang ganda pala rito, Thees.”
Hayan. De nag-transfer siya from Dahlia to Saint Claire dahil d’yan sa paghingi ni Raikki ng tulong sa kanya para i-educate ako sa mga paranormal stuff na hindi ko gaanong maintindihan kapag si Raikki ang nagpapaliwanag.
“Mamaya i-tour mo ako, ah.” Pasiko-siko niyang sabi sa akin habang naglalakad kami sa pasilyo ng Saint Claire.
“Kahit hindi mo sabihin sa akin ‘yan uutusan din ako ni Mr. Caine na i-tour ka. Mukhang malakas-lakas ang hatak mo, ah.”
“S’yempre. Iba ang may pera, ‘no.”
Hayan na nga ba ang sinasabi ko.
“So… may ibang form si Raikki?” tanong ko sa kanya.
“Based on my research, keepers are conceived in two forms. Nakadepende iyon sa breeds nila. Sa mga tungkulin at kaya nilang gawin. Pero si Raikki, noong nakuha siya ng magician na sinabi mo eh ibon na siya. Ang sabi naman ni Raikki sa akin, he’s cursed as a dove but not conceived.”
“Slow ako sa ganyan. Ipaliwanag mong mabuti.”
“Paretoke ka ng utak, Thees.” Pailing-iling niyang pambubuska na inirapan ko lamang. “I’m saying, iba ang ipinanganak na ibon sa isinumpa lang. Kaya hindi kasama ang pagiging kalapati niya sa mga anyo niya.”
“Thank God.”
“Salbahe. Makinig ka nga ng maayos. Teka…” napahinto siya at kunot-noong bumaling sa akin matapos magpalinga-linga. “bakit sila nakatingin sa atin? May atraso ka ba sa kanila?”
Huh? Bakit ba sila nakatingin sa akin? Iyong buhok ko? Oo nga, nakalugay ako. Eh ano naman? De maglugay din sila. Teka, hindi yata, eh. Ano ba iyon?
Paging Althea Warren from Section A, come to the President’s office now. Paging Miss Althea Warren, you are being called at the President’s office now.
Buzz. Buzz. Buzz. Para silang mga bubuyog na nagbubulungan. Nagkatinginan kami ni Cheen. “Iga-guidance ka, Thees.”
“D’yan ka lang. Babalik ako.”
“Wokie.”
Iritado akong lumabas ng classroom. Tinginan ang lahat sa akin sa hallway nang maglakad ako papuntang President’s office.
“Grabe. Bilib ako sa lakas ng loob niya. Nagawa niyang ipa-detention ang hearthrob na iyon sa Night Class.”
I almost forgot. Iyong Night Class nga pala na isinumite ko ang ID sa detention. Jeez, he’s a pain. Don’t tell me hanggang ngayon pumapalag pa rin siya? Pambihira ‘yan oh. Tinawag na nga niya akong goddamn na prefect, eh. Hindi pa ba enough iyon? Dapat nga violation na rin iyon, ‘no.
“Thea! Na-miss ka ni Mr. Caine!”
Niyakap ako ni Sir. I didn’t fail to notice the man sitting across na parang walang pakialam sa pumasok. Nagbabasa lang siya ng magazine ‘tapos nakadekwatro pa.
“Siyanga pala, bakit ka nakalugay?”
“Uh… new style. Bawal ba sa akin, Sir?”
Napakamot siya ng ulo. Narinig kong umismid ang lalaki at tumayo. Now I recognized him. Siya iyong lalaki sa plaza na binalian ko. “Ang tigas ng ulo mo.”
“We meet again,” nakangising bati niya sa akin.
Kunot-noo namang nagpabalik-balik ang tingin ni Mr. Cain sa akin at sa kanya. “Magkakilala pala kayo?” Lumayo ito sa akin para lapitan ang lalaki. “Althea, this is Zero Schneider. Isa siyang transferee na nag-take ng Night Class the last time na nag-patrol ka. Siya ang kinuhanan mo ng ID. Aapela sana siya na h’wag na lang—”
“Hindi pwede,” agad kong tutol. “Madami siyang violations noong gabing iyon and even now. Look at him, Sir. Where’s the blazer?”
Sukbit niya sa balikat ang blazer niya. So iyong puting polo lang ang nakasuot sa kanya ngayon. Such a brat.
“Magaling ka lang magsalita eh maski nga ikaw lumalabag din sa rules. Hindi ba dapat ponytail ang buhok ng mga babae? Bakit ka nakalugay?”
“I’m a prefect. Exemptions.”
“Then I must be exempted too.” Kinuha niya ang isang patch na nakapatong sa table saka niya iniharap sa akin. “I’m a prefect.”
What the f**k?
Naalala ko nga. May kasama akong prefect pero hindi ko naman akalaing isang halimaw pala ang makakasama ko. Sa dinami-rami naman bakit siya pa? Pwede naman kahit si Ryle na lang. Annoying si Ryle pero hindi kasing-annoying nitong maputlang lalaking ito.
“Wow. Mukhang nagkakasundo kayo, ah. That’s a good sign. Now go back to your classroom.”
Magkakasundo? Aning ba itong si Mr. Cain?
Palagay ko’y pareho kami ng iniisip nang diretso ang ekspresyong hinarap siya ni Zero at sinabing, “Ang lakas ng sayad n’yo, Sir.”
“Aw, thank you, Zero.” See how crazy?
Inunahan ko nang lumabas si Zero. Ang weird ng pangalan niya. Zero. Zero siguro ang laman ng utak niya.
“Nasa’n na ang kwintas?”
Kita mo nga naman ang pagka-consistent nitong lalaking ito oh. Nakasunod pala sa akin hindi ko man lang namalayan. “Nasira noong nabangga ako ng truck. Ngayon wala ka nang hahanapin sa akin.”
“Ang ibon?”
“k*****y ko.”
Eew, ah. Si Raikki kakatayin ko? Papakamatay na lang ako kaysa kumain ng nagsasalitang ibon.
“You think I’m fooling around, woman? You think this town will be safe kapag hindi ko nakuha ang mga kinukuha mo sa akin? I swear, hindi mo gugustuhin ang mga mangyayari.”
Nagtuloy-tuloy siya papasok ng classroom. By that, na-realize kong pareho lang kami ng classroom. Pinagtinginan siya ng mga babae. Pati si Cheen nakita kong tumingin din at nag-blush pa. Batukan ko nga. “Hindi ka nandito para humarot,” saka ako umupo sa tabi niya.
Para nga yatang nananadya lang ang kumag at naupo pa sa may itaas namin. Naloko na. Masyado nang masikip ang mundo. Ni hindi ko nga alam kung anong klaseng nilalang ‘yan, eh.
“Ang gwapo niya, Ti-Thees.” Kinikilig na bulong sa akin ng bruha.
“He’s the one who’s trying to steal my dove. Right, Zero?”
Alam ko namang naririnig niya ako kaya might as well, ipaalam ko na rin kay Cheen na hindi siya pwedeng magbanggit ng kahit na ano tungkol kay Raikki at sa lahat ng mga nangyayari kapag malapit sa amin si Zero. He’s a super human. Anong malay namin sa kaya niyang gawin?
Umismid lang siya. Nakita ko namang tumingin lang sa akin si Cheen. Napailing na lamang ako at napabuntong hininga.
Lunch break. Nauna siyang lumabas sa amin. Siguro natunugan niyang wala siyang makukuha sa akin kasi nga alam ko kung anong kaya niyang gawin.
“He’s scary.” Sabi ni Cheen.
“Kanina lang sabi mo gwapo.”
“Yeah. Pero naramdaman ko lang ang black energy niya nang kausapin mo siya kanina.”
“What’s a black energy?” kunot-noo kong usisa. Heto na naman kasi ang mga terminong wala naman akong kamalay-malay na nag-e-exist pala.
“The negative aura na nilalabas ng tao. Kapag may masama silang intensyon mabigat at saka itim na enerhiya ang mararamdaman mo. Pero ang sa mga katulad noong Zero na iyon, hindi mo basta mararamdaman ang presensya nila. Kaya nilang kontrolin iyon. Mararamdaman mo na lang, nand’yan na.”
“Talaga? Mapag-aralan nga ‘yan.”
Tinawanan lang ako ni Cheen.
Nagpunta kami sa cafeteria matapos ang klase. Naabutan namin sina Ryle at Zoe sa isang mesa roon. Nakatingin lang sila sa amin ni Cheen pero hindi lumalapit.
“May gap na talaga, ‘no?”
I simply smirked. “Hayaan mo lang. Buti nang malayo sila sa gulo. At least hindi ko na rin kailangang magpaliwanag kung paano ako nabuhay na lang bigla pagkatapos nilang iyakan ang bangkay ko.”
Hindi naman sa takot sina Zoe at Ryle sa akin. Matatanda na sila para matakot sa mga multo, ‘no. Iniiwasan ko lang talaga sila.
“Hey, Cheen.” Ryle greeted Cheen.
Ngumiti lang ang katabi ko. Tinabihan siya ni Ryle. Nakita ko ang iritadong mukha ni Zoe nang gawin ni Ryle iyon.
“Seriously. What’s your prob?”
Tumingin sa akin si Zoe. Napatingin din ang dalawa sa akin. “Bakit? Ano bang ginawa ko?”
“Look there, Zoe.” Itinuro ko ang kinaroroonan ni Tale. Tumingin si Zoe pagkatapos ay bumalik din ang tingin sa akin. “Tale’s with a girl. You’ve been hanging out with him. Now tell me, pinagseselosan mo rin ba ‘yang babaeng ‘yan?”
I can see through Zoe. Alam kong gusto na niyang mag-iskandalo. Pero dahil nga nakaharap si Ryle ay hindi niya magawa. S’yempre. Sira ang poise ‘no. Bawas ganda points din iyan sa crush niya.
Sinubukan niyang itago ang inis na iyon sa pamamagitan ng pagtawa na lumabas namang tensyonado. “Althea, hindi kita naiintindihan.”
“Kaibigan mo ako, Zoe. Alam mong alam kong nagkukunwari ka lang. You know what I mean and I’m asking you. Bakit ka naiirita sa lahat ng babaeng lalapitan ni Ryle? Kahit sa akin at kay Cheen ay naiinis ka. What the hell is wrong with you?”
I saw her nostrils flared in anger bago niya ako iduro. “You know nothing, Thea. Ang alam mo lang naman ay magpa-importante sa mga taong gusto mong paikutin sa kamay mo! Let’s go, Ryle. Hindi ko kayang makipag-usap sa kagaya niya!”
Zoe has changed. Ah, no. Mali. Ako pala ang nagbago. Dahil dati, hindi ko kayang pansining hindi naman talaga siya isang kaibigan para sa amin ni Cheen. Ginagamit niya kami dahil gusto niyang umangat. Akala ko dati okay lang iyon as long as may kaibigan kaming iba sa amin. Pero hindi. Because in the end, magiging kaaway din namin siya.
“Ryle.” Pigil ko kay Ryle na hinahatak ni Zoe. Without looking sa kanila ay nagpatuloy lang ako sa pagkain. “Detention. Bukas ang butones mo.”
“Argh!” pagkatapos hinila na niya si Ryle ng tuloy-tuloy na halos kinakaladkad na niya ito.
Tumawa ako ng tumawa. Kulang na lang mabulunan ako ng bongga. Zoe’s face was like… epic!
“Thea, sumobra ka naman yata roon,” may pag-aalangang komento ni Cheen.
“Tange. Alam mo, Cheen, kahit naman hindi niya sabihin gets naman nating gustong-gusto niya si Ryle, eh. Kaso nakakairita lang na umaarte siya ng gano’n sa harapan natin kahit alam naman niyang hinding-hindi tayo papatol doon kay Ryle.”
“Gano’n na si Zoe dati pa, Thea. Hindi ba sanay ka na sa kanya?”
“Look, Cheen. Hindi kaibigan ang tingin niya sa atin. Kakumpetensya. Tayo ang pinili niyang kakumpetensyahin dahil confident siyang mananalo siya. Well tapos na ang maliligayang araw niya. I’m fighting.”
“Sabagay…”
HINDI talaga mainam itong pagiging prefect ko. Oras ng labasan eh oras din ng pasukan ng mga Night Class. Dammit. Bakit kasi nila kailangang umabsent ng day class eh papasukan din naman nila ang Night Class? Pareho lang iyon!
“Sa library lang ako, Thees. Punta ka roon kapag tapos ka na.”
Tinanguan ko lang si Cheen. Pinanood ko siyang maglakad palayo. Nang mawala siya sa paningin ko ay saka ako lumabas ng locker hall at bumalik sa Pentagon para mag-patrol.
Natigilan ako.
“s**t…”
Tumakbo ako papuntang library. Hinanap ko si Cheen. Nasa shelf siya ng literature section nang hatakin ko siya palabas.
“Ti-Thees! Sandali, ano bang nangyayari sa ‘yo?” sigaw niya habang tumatakbo kaming dalawa palabas ng Saint Claire.
“Si Zero!”
“Ano si Zero?”
“May pumasok daw kanina sa Information Department. Hindi mo ba kasama si Zero kanina sa pagbabantay?”
“Hindi po, Sir. Hindi kami magkakasundo no’n.”
The hell! Bakit ba hindi ko naisip iyon? Pwede niya nga palang pasukin ang Information Department. At pinasok niya iyon dahil kailangan niyang malaman kung saan ako nakatira.
“Si Zero! He’s going to take Raikki!”
“What?”
Patuloy kami sa pagtakbo lalo na noong nakapasok kami ng Block C.
“Pumasok siya sa Information Department kanina para hanapin ang mga impormasyon na may kinalaman sa akin. Maaaring nakita niya kung saan ako nakatira. Nanganganib si Raikki, Cheen!”
“Ano ba! Bakit ngayon mo lang sinabi ‘yan?”
Binilisan niya ang takbo at hindi na nagpahila pa sa akin. Hanggang sa marating namin ang bahay ay naghiwalay kami ng hinalughog na mga pasilyo.
“Raikki! Raikki!”
“Raikki, nasa’n ka?”
Nagkita kami ni Cheen sa kwarto ko. Umiling lang siya na senyales na wala siyang nahanap na kahit na ano. Nataranta na ako. Hindi na ako pwedeng bumalik pa sa school para lang maghalungkat sa Information Department at hanapin ang address ni Zero. It would take so much time. Baka pagdating ko roon eh k*****y na niya si Raikki ko.
“H-hindi ba sabi ni Raikki may kakayahan kang makita ang nakalipas? Gawin mo, Thea.”
“Eh?” hindi makapaniwalang maang ko sa sinabi niya. “Nababaliw ka na ba? Tingin mo makakapag-focus ako kapag natataranta?”
“Masasanay ka rin! Gawin mo na! Or else baka gawin nilang pulutan ang keeper mo. Kawawa naman si Raikki.”
Takte. Kinunsensya pa ako.
“Fine, fine! Pero kapag ito hindi gumana, gagawan mo ng paraan ito, ah.”
Tumango lang siya. Naghanap ako ng pwede kong magamit. Kinuha ko ang cage ni Raikki ‘tapos pinikit ko ang mga mata ko. I have to think of nothing.
Just nothing…
Nothing…
“Wala kang malalaman na kahit na ano!”
Heto na. Tama ako ng hinala. Si Zero nga. Lumilipad si Raikki paikot sa kwarto ko pero sa isang hablot lang sa pakpak niya ay naikulong siya ni Zero sa mga palad nito. He’s a tiny bird after all.
“Sasabihin mo sa akin ang lahat. Kahit na anong mangyari, sasabihin mo sa akin.”
Tumalon siya sa bintana ko. Nakita ko siyang tumakbo. Ay mali. Hindi ko siya nakita. Kung hindi lang na-trace ng paningin ko ang pag-flash niya mula sa gate hanggang sa kabilang bahay ay hindi ko talaga malalaman kung saan siya nagpunta. Gano’n siya kabilis tumakbo. Hindi kayang makita ng hubad na mata ang pagtakbo niya.
“Ang panget talaga ng mata niya,” inis kong sabi nang makaalis ako sa pangyayari sa nakalipas.
Agad na nilapitan ako ni Cheen. “Ano? Nakita mo?”
Tumingin ako sa bukas na bintana. Tanaw na roon ang malaking bahay na dating tinitirhan ng pamilya ni Mrs. West. “Sa Crescent.”
“Crescent?” naramdaman kong tumingin si Cheen sa tinitignan ko. “Althea, ang laking bahay n’yan. D’yan nakatira si Zero?”
“Siguro.” Nagkibit ako ng balikat bago seryosong binalingan siya. “Ganito. Pupuntahan ko si Raikki. Kapag hindi pa ako nakabalik sa loob ng kalahating oras, tumawag ka na ng tulong.”
“P-pero—”
“Wala na tayong choice. Kung anong klaseng halimaw man ‘yang si Zero, we can’t just let him harm my keeper. Sigurado akong ako rin ang tutuntunin niya kapag may nalaman siya tungkol sa misyon ni Raikki sa akin.”
Napabuntong hininga si Cheen. Tinapik ko na lang siya then I headed out the house. Pagdating sa tapat ng gate, nag-hesitate pa akong itulak ang bukas na gate. Malamang naiwan niyang bukas kaninang pumasok siya.
“Wake up.”
I froze. Narinig ko na ang boses na iyon dati. Pakiramdam ko nasa loob ko lang siya. Pakiramdam ko sinasabi niyang gumising ako.
Itinulak ko ang gate at tumakbo papasok. Malaki ang Crescent. Nakapasok na ako rito sa bahay na ito minsan nang imbitahan ako ni Mrs. West. Pero hindi gaya ng dati na magaan ang pakiramdam. Feeling ko wine-welcome ako ng isang hindi kaaya-ayang ewan.
“I smell a woman.”
Naaamoy na pala ngayon ang kasarian?
“Tch! How long do you plan to keep ruining mine?”
Si Zero. May kasama siyang isang lalaki na nakangiti sa akin. Hindi lang basta ngiti. Nakakatakot ang pagngiti niya. Kung si Zero ay may nakakatakot na mata, siya naman ay may nakakatakot na ngiti. Nakakawindang naman itong mga pangyayaring ito.
Napabaling ako sa likuran nila. Nakita ko si Raikki na nakahiga sa isang maliit na mesa. Tulog.
“Bano ka ba? Dapat nga ako ang nagtatanong sa ‘yo n’yan, eh. Hanggang kailan mo ba balak kunin ng kunin ang mga pag-aari ko?” sagot ko sa pasaring niya.
“Pag-aari mo?” napakunot ng noo iyong isa. “Do you mean—”
“No, don’t conclude. It just happens that the bird flew over to her. Hindi siya iyon. Kung siya man, I wouldn’t think na magiging ganyan kahina ang pipiliin niyang katawan.”
Okay. Hindi ko naiintindihan ang pinag-uusapan nila pero bakit may feeling akong parang iniinsulto ako ni Zero?
“She’s not weak, Zero. It’s just that… she’s a lady.”
“Honga,” wala sa loob kong pagsang-ayon doon sa katabi ni Zero.
“I like you.”
Pambihira! Kaderder.
“Whatever.” Then Zero shrugged.
“Oy. Balik mo na sa akin ang ibon ko.”
“Bakit ko gagawin iyon? At saka hindi ba dapat nagpa-patrol ka sa Night Class ngayon? Bakit nandito ka?”
Naku po. Oo nga pala. Lagot ako nito bukas. Sana naman walang mangyaring kahit na ano habang wala ako roon.
“Kung hindi ka pumapasok sa bahay ng may bahay at nangunguha ng ibon ng may ibon tingin mo kailangan kong takasan ang trabaho ko para lang maghalughog sa malaking bahay na ito? Ibigay mo na sa akin ‘yan. Sa ‘yo na ang kwintas.”
“Nasa iyo ang kwintas?”
Pinanood ko silang magtitigan. Mukha namang walang natatakot sa titig nila sa isa’t-isa though feel na feel ko ang tensyon. Iba na rin talaga kapag mga abnormal.
Nakita kong gumalaw ang maliit na paa ni Raikki. Malalagot kami lalo nito kapag nalaman nilang gising na siya.
Utang na loob hindi ka pwedeng gumalaw.
Didilat sana siya pero mukhang narinig niya ang iniisip ko kaya nagkunwari ulit siyang tulog. Akalain mo nga naman oh. Kaya kong makipag-communicate through eyes lang? Like ko na ito.
“Akin na.” Naglahad ng palad iyong isang lalaki.
“Uh… I’m sorry. Hindi ako tanga. I know namang hindi n’yo ibibigay sa akin ang ibon kapag nakuha n’yo na ang kwintas. Or worst, patayin n’yo pa ako.”
Parang kasing-bilis ng kidlat, nasa harapan ko na kaagad ang lalaking iyon. Mas lalo pang naging nakakatakot ang ngiti niya sa akin nang mga oras na iyon.
“Alam mo ba kung gaano kadali sa aking patayin ka?”
“Alam mo rin ba kung gaano kadali sa aking paglaruan ka?” sagot ko pabalik na may tinig ng paghahamon.
Bakit gano’n? Jesus! I should be frightened! Bakit ganito? Adik na ba ako? Halimaw kaya ‘yan!
He was about to grab the necklace na suot ko nang biglang kumilos mag-isa ang kamay ko na parang by reflex. I felt his pulse. Akala ko hinawakan ko lang iyon pero narinig ko na lang siyang humiyaw ng bongga sa sakit. Woah. Napilipit ko iyon ng gano’n?
Umatake si Zero. I could tell from his eyes na determinado na siyang patayin ako ngayon. Gusto niya akong sakalin pero gumawi ang kamay ko sa may kaliwang dibdib niya and to my surprise, I pressed it as gently as I can. Napaluhod siya sa sakit. Napatingin na naman ako sa kamay ko.
Napapaarko ang kilay ko sa lubos na pagkalibang. “This is fantastic.”
“Kamahalan.”
Napatingin ako kay Raikki. Nahagip naman ng peripheral vision ko na nakatulog ang dalawang mokong sa sahig. Eh? “Anong nangyari sa kanila?”
“Pinatulog mo sila. Kailangan nating magmadali. Isang minuto lamang ang pinakamatagal na oras ng pagkawala ng kanilang malay.”
“Gano’n? De takbo!”
Tumakbo ako ng super bilis. Ngayon parang gusto ko na ring magkaroon ng super duper fast running ability gaya noong kay Zero. Binuksan ni Cheen ang pintuan nang malapit na kami roon kaya madali kaming nakapasok ni Raikki. She shut it close pagkatapos nakita kong may mga sinasabit-sabit siyang kung anu-ano na hindi ko maintindihan.
“Hoy,” hapong-hapong untag ko sa kanya. “ano yang… sinasabit mo r’yan?” habol hiningang usisa ko.
“Protection amulets. Walang makakapasok sa bahay mo ng walang permiso mo kapag meron ka nito.”
Namangha ako sa sinabi niya. Wow. Iba na talaga kapag maraming alam.
“Hoy, Raikki! Sino ba iyong mga iyon?”
Wengya napagod ako sa kakatakbo. Kung lagi akong tumatakbo magpapakamatay na lang ako!
“Isa sila sa mga humahabol sa ‘yo, Kamahalan.”
Napakunot ako ng noo. “Sa akin?”
Tumango siya. Ako ang habol nila? Kung gano’n de tama ako? Kapag hindi pa namin nagawan ng paraan ang pagbabalik ni Raikki sa anyo niya, baka maunahan kami ni Zero pagkatapos ako naman ang hahanapin niya kapag nalaman niyang ako naman talaga dapat ang tina-target niya imbis na si Raikki.
Hell. That dude sure is trouble.