He is so intimidating, charming, outstanding among anyone. Isang pitik lang niya, kuha na niya agad ang atensyon ng mga babae.
But for some reason, I don't like him. Aside for the good description to his physical appearance, nakakasuka naman ang ugali nito sa loob.
"Hey! Pass the ball!" Humahalingling ang boses nito sa court. Maingay maglaro ang leader ng school kahit kailan.
My friends invited me to watch this game. Hindi ako makatanggi. Marami na rin ang nasa loob ng court. Ayoko namang maging KJ. Tsaka may gusto rin naman akong panoorin. Dave De Silva is one of the players. Magpapahuli pa ba ako?
"Bakit dito tayo sa malapit? Baka matamaan tayo ng bola." Reklamo ko sa katabi kong si Jelliane. Siya ang pumwesto rito. Takot pa naman akong natamaan.
"Pas mas malinaw ang view! Tsaka diba sabi mo type mo yung Dave. Oara dito uupo yun sa harap natin pag break." Malanding ani niya bago nagcheer sa crush niya. She really likes Alexander from the other school.
"Go Conan! Go Alex! Go Railey! Go Dave! Go Theron! Go AZEU!" Nakakarinding tili nung babae sa tabing bleachers. Hype na hype tuloy ang mga chinecheer nila.
Napairap nalang ako dahil sa ingay. Baliw ka ba Jayb? pumunta ka sa basketball game at mageexpect ka na tahimik. Dave is lean, tall, and moreno. Gwapo rin siya at may kauntin laman naman ang katawan kahit mas pansin na payat.
In the other hand, yung leader na mayabang lagi, gwapo rin naman kaso nakakainis ang ugali. Naiirita ako sa kanya dahil nakita ko kung paano niya pagsalitaan ang kawawang lalaki na kaklase nito.
My eyes were focused on him too. Parang inobserbahan ko ang kilos niya kesa sa pinunta ko talaga. His team mate passed the ball to him. Agad naman niya itong drinibble.
Nangungunot ang noo niya habang hindi maisip kung paano makakaalis sa kalaban niyang todo bantay. Siya kasi ang maraming score. Ishoshoot na sana nito ang bola ng biglang nabalye ng kalaban ang pulso nito.
Kinalabasan ng pagkahulog nito sa sahig at paghawak sa pulso dahil sa sakit na natama niya sa pagbagsak.
"You sucks, bro! Ang bobo mo maglaro! You play dirty!" He shouted to the other team player. Medyong may pagkayabang ang tono nito at hindi inis.
"What?! Anong sabi mo!" The other player bump his chest to him. Nakatayo na siya mula sapagkakahulog. Nagaamok na ata ng away.
"Ang sabi ko... Ang bobo mo. Hindi ka magaling." Ulit pa nitong Sullivan.
He think he's so powerful. He is so full of his self. Bobo rin naman siya minsan. It was just a foul. Inawat na sila ng referee dahil baka magpang abot na.
Animo'y mag aaway na ang dalawa. They are shouting with each other. Natapos lang ang hidwaan ng pumagitna ang referee at co teams nila.
Napairap nanaman ako. Dito pala sa amin banda ang upuan nila, ng team nila. Break kasi at bangko muna dahil napaaway. My bad, halos nasa harapan ko lang ito. Akala ko ba si Dave ang uupo rito?
He sit in front of me. Langhap ko ang amoy niyang lumalaban sa pawis niya. Kahit na pawisan ay ang bango pa rin. Inis nitong inayos ang buhok na may pagkahaba at uminom ng tubig.
AZEU Sullivan 21. His jersy number.
"We should change our sits, Jell. It stinks here." Maarteng sabi ko. Nilakasan ko pa para mas marinig niya. I am fourth year high school that time while he is Senior.
Ramdam ko ang paglingon nito habang umiinom sa malaki niyang hydro flask. His adam's apple is very provident by his swallows.
Agad na nangunot ang makapal nitong kilay sa akin. His foreign features are very evident. Halos angled ang jaw nito at perpekto ang kinis ng mukha.
Pinandilatan ko siya ng mata. Kunwari ay matapang pero kinakabahan na rin ako sa ano mang magagawa niya. Jelliane is already calming me down and getting shy because of my words.
His other brows raised and smirked at me. "Naamoy mo ata ang sarili mo, miss. My sweat smells like cologne." Mayabang na pahayag niya sa akin bago bumalik ang tingin sa court.
Agad na nag init ang ulo ko. Alam ko ako ang nauna pero agad na naiinis ako.
Dahil sa inis ko, nagparinig nalang ako. Si Jelliane naman ay nanlalaki ang mata sa sinabi nung lalaki pero patuloy siya sa pag awat sa akin.
"Wow ha, natamaan. Hindi ko alam na may cologne na pala na amoy kulob." I fired back at him. It took him a second before leaning back.
I was expecting that he will said another words pero wala. He just shook his head and bit his lower lip before smirking once again.
Wala siyang sinabi pero nakakapikon. Gusto ko nang umalis sa inuupuan ko.
I handed my back to my shoulders before walking away. Umakyat sa kabilang bench at pinakataas. Nagtataka naman akong sinundan ng tingin ni Jelliane at Angel dahil bigla akong nawala sa upuan.
I observe the guy. He leaned again at hinahanap ako sa blanko kong upuan. May sinabi pa siya kay Jell at tumango ito. They are talking and they seem to understand each other.
Tinapos ko ang game na tahimik na nakaupo sa ibang upuan. My friends seems to enjoy it. Nakapaglaro na rin yung lalaking na medyo mahaba ang buhok. Sino pa ba, edi yung mayabang.
In the end. Nanalo kami. Yung mga Seniors namin. And kung hindi mo nga naman maiisip. MVP yung mokong na 'yun.
I quicky leave the court. Sumunod sa akin ang dalawa kong kaibigan na nagsama sa'kin dito.
They are laughing, anong nakakatawa?
Pinulupot nilang dalawa ang braso nila sa braso ko.
"You look so pissed. Nakakatawa ka tuloy." Pang aasar na boses ni Jelliane sa akin.
"Ikaw yung nagbitaw ng huling basag pero ikaw din ang nagwalk out. Ano 'yun, girl?" Angel teased.
"Tigilan niyo ko. Hindi ako natutuwa." Banta ko sa dalawa bago tinanggal ang pagkakapulupot ng braso nila sa braso ko.
Naglakad kami papuntang canteen. Bumili ako ng fries at drink. Nagutom ako sa game. Boring naman pala 'yun. Nagsayang lang ako ng oras.
"Gwapo rin pala 'yun no?" Tanong ni Angel out of nowhere. "Yung number 21. Yung muntik mapaaway."
I rolled my eyes and eat one of my fries. Ramdam ko ang mata ni Jelliane sa akin.
"Wag mo kong tignan." I warningly said. "Badtrip ako dun."
Agad siyang tumawa. Nakakabanas naman ang tawa nito. "He said na ang cute mo raw asarin." Aniya.
Tss. Matagal ko nang alam 'yan.
"Nagbablush ka ba?" They're teasing me again. I confidently raised my brows to them and pursed my lips.
"Bobo." I whispered.
"Uy! crush mo ata 'yun, eh! Yan din yung line nun kanina!" Tangina. Hyper talaga. Pwede bang manahimik ka nalang diyan bago kita masapak.
Hindi ko na sila pinansin at nagsorry naman yung isa dahil nakita niyang pikon na ko. May ibang topic naman na silang pinag uusapan.
"Bakit wala si Christian dun? Bagay din siya sa Basketball."
"Alam mo namang bakla 'yon tapos basketball. Baka gawin niya lang volleyball ang bola." Mataray na sagot ni Angel rito. Christian is her ex by the way.
Siya lang sa aming magkakaibigan ang nagkaroon ng gay na boyfriend. I can see naman na noong silang dalawa ay masaya sila pero nagkaproblema at dahil bumigay na talaga yung isa.
"Uy Shannel!" Tawag ko kay Shannel nang makita siyang papasok sa pintuan ng canteen. Nasa likod pala di Lotte na may dala dalang illustration board. "Lotte!"
Tinuro ko ang upuan sa tabi ko. Dito ko sila papaupuin. Badtrip yung dalawa, eh.
Inilapag naman nila ang bag nila sa mesa. "Di ka nanonood kanina? Nandon 'yung boyfriend mo na si Railey ah." Tanong ko kay Shannel.
Super ganda ng relationship nila ng boyfriend niya. They are celebrating three years together. Noong second year ay sila na.
She shook her head. "Nandoon ako ah, late nga lang. Katabi ni Jell." Aniya. Hindi na kasi ako lumingon doon sa upuan ko matapos ang pag alis ko.
Agad na nagtinginan sila Angel sa akin. Iniisip siguro nila na upuan ko yun na inalisan ko.
"Ikaw nga ang wala." Pahabol ni Shannel.
Tumango ako. "Ah, oo... baka hindi kita nakita. NagCR kasi ako no'n. " I
shrugged. Palihim kong pinandilatan ang dalawang kasama ko kanina na nagpipigil ng tawa.
Charlotte is there, ordering their foods. Linamon ko nalang ang binili ko at inubos ang binili kong juice. Pass muna ako sa Soft drinks dahil nakakataba raw ito.
"Anong oras na?" Tanong ni Charlotte sa amin bago niya ipinatong ang tray na may pagkain nila ni Shannel.
Angel took a look on her wrist watch. "Alas tres na. Kakatapos lang nung game." Ani to.
"Nanonood pala kayo? Sinong panalo?" Takang tanong niya.
"Akala ko ba kasama ka ni Shannel? Tayo ang panalo." Singit ko.
Her eyebrows furrowed and then she shook her head. "Hindi, nakasalubong ko lang 'yan papasok dito."
"Magkaklase kayo ah?" paninigurado ni Jelliane.
Tumango naman siya. "Tumakas 'yan." She pointed Shannel. "Sabi iihi raw pero di na bumalik. Manonood pala ng game. Pinagtakpan ko sa siya kay Sir na baka sumakit ang tiyan."
Nahihiyang natawa si Shannel. She would do everything just to attend Railey's games. How sweet. Minsan kinikilig nalang ako sa buhay ng mga kaibigan ko.
"Angel, I heard Christopher and you are dating? totoo ba?" Kuryosong pasok ng topic ni Shannel. Pansin ko nga medyo natuyot ang lovelife nito ngayon. Its okay, 4th year palang naman kami.
Her face started to get red. Kinakabahan na ewan. Ibubuka niya sana ang bibig niya pero hirap magsalita. "Ewan ko, parang. Ang gulo, eh" Litong sagot niya sa tanong ni Nel.
We finished our foods. Medyo mainit sa Canteen kaya ayoko na ring mag stay doon. Minsan ay amoy kulob din. Naalala ko nanaman tuloy.
I was walking peacefully when I heard a lot of voices coming from girls. Papalabas palang siguro ang mga nasa Covered Court. Cinecelebrate ang pagkapanalo. I'm with Shannel. She immediately run towards her boyfriend to give him a hug.
Si Jelliane naman ay naroon na sa tabi ni Alexander para icongratulate ito. Si Lotte ay nasa tabi ko. Behave kaming dalawa.
Agad na nangasiwa ang mukha ko nang makita ang mukha noong leader nila. It was Sullivan of course. Many girls are chanting his name like he won in a war.
Hawak nito ang tropeyo na kulay ginto at may medalyang nakasabit sa leeg niya. Pawis pa ang mga players pero hindi naman sila maamoy. Malalanghap mo lang ay ang matatapang nilang pabango na nakikipaglaban sa pawis.
Ewan ko rin kung bakit biglang lumabas sa bibig ko 'yung sinabi ko kanina. I wanted to annoy him but it ended up me being pissed. Dapat talaga kapag pikon ka, manahimik ka nalang.
Lumapit ang ilang kababaihan sa kanya at ang dalawang babae ay inakbayan nito. Yung isa ay hinahawakan ang medalyang nakasabit sa kanya at ang isa ang kinuha yung trophy.
He looks like a beast who is happily getting his preys. Matangkad siya at masculine. Ang rinig ko ay may dugo raw itong spanish. He is outstanding too. Hindi lang sa atlethics pati na rin sa acads.
Ideal type siya ng marami pero ako, never kong magugustuhan ang lalaking may garapal na ugali.
Walang wala ang lahat sa'yo kung mayabang ka at full na full sa sarili mo. He got everything, and he still got a nerve to make the others feel pity about it.
Wala na 'kong masabi.
Nagulat ako nang akbayan ako ni Charlotte. She was observing too. Sunod-sunod namang nagsilabasan ang ilang manlalaro at ang taga ibang school.
Halata pa rin sa nakalaban nila ang matinding inis at paghihinayang.
"Gwapo nga." Basag na boses niya sa tabi ko. I faced her with my questioning face.
"Sino? akala ko ba sa babae ka na nafafall ngayon?"
She quickly pursed her lips and smiled at me. "People change. Gwapo nga yung number 21. Siya pala ang leader niyan." Aniya.
Napabuntong hininga nalang ako. "People changes but not everyday." Walang kwentang bulong ko rito.
"No, people change everyday because clothes get dirty. Hays, tulog ka nalang." Mas walang kwentang pambabara niya.
Natawa nalang din ako ng maindihan na may point nga siya at mas walang kwenta ang sinabi ko
I glance at the players again. They are on the way to the Canteen. Pati 'yung mga kaibigan ko na kakagaling lang sa Kantina ay sumama na rin.
Naglakad na ako patungo sa may likod ng kainan. Doon kasi ako laging dumadaan para short cut lang sa may gate pero may nakakuha ng atensyon ko. May marinig akong ingay na boses ng babae na...
Out of my curiosity, i chickened out. Nanginig ako ng makitang naghahalikan roon ang isang babae na kaakbay akbay ng lalaki kanina at isang lalaki na nakajersy mula sa school namin. I saw they guy, but that's not him. Dahil iba ang number ng jersy.
Nakatalikod sila sa akin ngunit kapat dumilat ang babae ay kita na niya ako.
It's the other man was wearing the number 15 jersy. I clearly knew who it is. Sa numero palang at kabisado ko na. Dave De Silva enjoyed kissing the girl aggresively. They are making out at the back of canteen. Feeling each others lips while touching their skins.
What the hell?! Agad akong tumakbo pabalik sa harapan para doon nalang dumaan.