Chapter 2

2177 Words
Ayoko na. Hindi ko na siya crush. Nakakaturn off. Yung ang unang pumasok sa isip ko nang makita ko ang pangyayaring 'yun. I would never like someone like that. Bakit sa lahat pa kasi ng taong pwede makakita ay ako pa? Pinapamukha ba talaga sa akin na hindi ako gusto ng gusto ko. Ganun ba? I tied my curly long hair into pony tail. If you all didn't know, I am half british. Umuwi kami sa Pilipinas at dito nanirahan pagtapos na idisowned nina Lola si Daddy dahil sa pagpili niya sa amin ni Mommy. I have some foreign features too. Makinis ang balat ko, kulot ang buhok ko, matangos ang ilong. I have almond eyes and puffy soft lips in natural red color. Matangkad rin ako na namana ko sa tatay ko. And my biggest flex, minsan lang akong tubuan ng kung ano sa mukha. My friends used to admire me. Actually, I am still insecure about myself. Lahat naman siguro ay may insecurity. Perfect ka sa iba pero parang sa sarili mo hindi ka nagagandahan. Yes, that exist. Dumiretso ako sa building namin. I was near when I heard something. This time, It wasn't a moan. It's a voice of begging person and manipulative beast. "Alam mo ba kung gaano kaimportante sa 'kin yung reporting na 'yun? Ang simple simple lang pero di mo nagawa?" Maangas na akusa ng lalaki. The voice was familiar. Isinandal ko ang sarili ko sa gilid ng bakod. Nasa may dulong room ata na abandonado ang nagsasalita. I peek and I saw a men. It's like three men standing and the other is on the floor, kneeling. "I'm s-sorry, Cona-" "Yes! you have to be f*****g sorry! Alam mo ba na ang grade natin ay eighty-five lang! You stupid!" Kinilabutan ako sa malakas na boses nito. Sinipa niya ang lalaking nakaluhod at umiiyak rito. I knew him. I was right. Hindi lang siya mayabang, masama rin ang ugali. Now I know why I hated him so much. Isinantabi ko ang takot ko o ano man. Malakas na loob akong pumasok sa room dahil bukas naman ang pinto. Agad na lumipat sa akin ang atensyon nila. I clearly saw Conan James Sullivan, Alexander Perez and Theron Javier. Tumingin ako sa lalaking nakasalamin na mukhang takot na takot sa kanila. I walked towards the skinny guy with eyeglasses. I help him to stand up. Ilalabas ko na sana siya ng silid ng biglang nagsalita ang lalaki. "Who do you think you are? A brave woman? huh?" Malamig at puno ng tapang na boses nito. I can hear his foot steps at my back. Walang pasubali ko siyang nilingon habang sinenyasan ko ang lalaki na kumalma. "Magsorry ka sa kanya." May diing utos ko dito. He looked at the opposite direction and smirked. His perfect angled jawline was showing. Hinagod niya ang buhok bago ako tinitigan. I stared at him too. Pinipilit ko ang sarili kong matignan siya ng tuwid. "Are you ordering me to say sorry to that stupid guy?" He pointed the guy who is now scared of him. Kinagat ko ang ibaba kong labi para pigilan ang sarili. "Sino ka para utusan ako?" Linapit niya ang sarili sa akin kaya naman napaatras ako. "Isa ka lang namang Junior fourth year na nagtatapang tapangan." He stared at me with his amused eyes. "Diba?" Mabilis ang pagtibok ng puso ko. Hindi dahil sa kung ano man, kundi dahil sa kabang nararamdaman ko. Bakit pa kasi ako nagtapang tapangan. Mas lalo pa siyang lumapit. Binaba niya kaunti ang sarili upang maglebel ang mga mata naming dalawa. His face is blocking my whole view. Tumingin ako sa ko pero wala na roon ang lalaking nakasalamin. Puta, iniwan ako rito? Wow! "Why don't you speak? hmm?" He whispered in my ears. Nagtayuan ang balahibo ko dahil sa kiliting dinulot nito. Sobrang lapit na namin. "B-bakit ka ganyan? bakit mo ginagawa 'yun sa mga tao. I-I hate you. Ang pangit ng ugali mo. Wala namang ginagawang masama 'yung tao sayo pero ganyan ka!" Nauutal man pero mataray na sabi ko bago inilayo ang sarili ko sa kanya. He bit his lower lip before licking it. "I can't believe this. Hindi ko naman sinabing gustuhin mo ang ugali ko." Sarkastiko nitong pahayag. Wala sa sariling malakas na naidampi ko ang palad ko sa mukha niya. Nagulat din ako sa ginawa ko. He touched his face with his hand while his jaw is now clenching. Namumula na ito ng tinanggal niya ang kamay para yumuko. My eyes widened. He stared at me with his dark eyes. I close my eyes because he will hit me, for sure. I was ready to be hit when he just hold his face and walked away. Phew, what was that? nagawa ko 'yun? Did I really confront him? Did I just slapped him? Kinakabahan na 'ko sa mga darating na araw ko sa University. He's obviously senior. Wala akong laban. Wala talaga. Pinagdarasal ko nalang araw araw ang susunod na kabanata ng buhay ko. Pagtapos ng klase ko, dumiretso kami ni Angel sa miktea shop. Kada alas tres ay dito kami nagtatrabaho. May extra income akong nakukuha para na rin sa pang araw-araw kong buhay. Lagi naman akong nakakabayad ng upa ko. Maayos naman ang buhay ko-sa ngayon. Pero may kulang pa rin. Lagi akong naiingit tuwing nakikita ko na may pumupuntang magulan sa mga meeting namin habang ako, mag isang nakikinig doon. Naiingit rin ako kapag nakakakita ako ng buong pamilya. I feel so lost, incomplete and very envy about everything I didn't have right know. To the one who made me this. I am sure, I will put not just a revenge but a double damage for my lost. Gustong gusto ko na mabigyan ng hustisya ang pamilya ko. Gustong gusto ko. Iniisip ko na sa susunod na araw ay bibisita ako sa libingan nina papa at mama pati na rin kay Lola. I picked up my handful hair and tied it in a bun, then I placed my cap on my head to match it with our uniform. Kulay brown na apron at black na polo ang loob. Kahit anong kulay naman sa pangbaba pero mas maayos kung black daw. Pumwesto ako sa counter kung saan ako madalas na pumipwesto. Nasa may bandang school kasi kami nakapwesto kaya madalas na dito pumupunta ang ilan naming kabatch.. Rinig ko naman ang kaba ni Angel habang inihahanda ang order nang kanina. It was her humor date na sabi ni Shannel. I heard the name is Christopher pero Topher ang tinawag ni Angel kanina. Inabangan ko siyang matapos at nang tumabi siya sa 'kin, I teased her. "Ikaw ah. Kabadong kabado." Pangungulit ko. Inayos niya ang pawis sa noo niya bago ako irapan. "Natetense ako. Parang tanga kasi tumingin." sagot nito. "Mahilig ka pala sa letter C ang unang pangalan." Sabi ko para mas lalo siyang maasar. Bawi 'yan kahapon. Hinampas niya ako at pumunta na sa table para linisin yung kinainin ng kaewan niya. After my duties, deretso naman ako sa susunod na trabaho ko. Dishwasher naman ako ngayon. Pinunasan ko ang namumuong pawis sa noo ko. Kaharap ko ang isang daang hugasin na nadadagdagan kada segundo. Marami kasing kumakain dito kaya hindi na nakapagtataka na kawawa ja kapag ikaw ang nakatoka sa hugasin. Kinuha ko ang posisyon na 'to dahil ito nalang ang natitira na pwede kong pasukan. Isa isa kong hinugasan ang mga plato. Minamabuti kong huwag makabasag dahil kaltas 'yun sa sweldo. Pilit kong hinugasan ang mga pinggan kahit nangungulubot na ang kamay ko. Minsan ay nagkakasugat pa nga ako dahil sa mga kutsilyo na biglaan lang nilang ipinapatong. "Flores." Isa isa kaming pumila para kunin ang sahod namin. "Collins." Ani ng amo. Inabot niya sa akin ang isang puting sobre na may lamang pera. Agad akong nagpasalamat at pumunta sa gilid. Tinignan ko ang laman ng sobre. Tatlong libo at limang daan. Kasya naman na siguro ito para sa'kin. I am lucky that I can stand on my own feet. Naipagsasabay ko pa rin ang pagiging working student ko kahit na stress na sa eskwelahan. Many of my batchmates and same age teens used to have fun, live life and be wreck habang ako, nandito, nagpapakahirap para makakain. I couldn't blame anyone, though. Kung ganito talaga ang patutunguhan ng buhay ko, tatanggapin ko nalang. Inayos ko ang backpack ko na pamasok. Nandoon ang mga school supplies ko at uniform ko. Nagpalit lang ako ng pantalon kanina at pang taas. Pinanatili ko naman na nakatali ang buhok ko dahil mainit. Ayoko nang sumasabog ang buhok ko sa mukha ko. Makapal pa naman ang buhok ko. Sa gabi ko ginagawa ang mga assignments ko. Tuwing Sabado lang ako nakakapahinga dahil kapag linggo na, ginawa ko lahat ng tambak na gawain ko. Kada lunes at Miyerkules lang naman ako sa Milktea shop. Samantalang weekdays naman ako sa paghuhugas ng pinggan. Kumuha ako ng band aid sa may medical kit ko tsaka ko idinikit sa sugat na hiwa ng hintuturo ko. Nag ayos ako pagkauwi ko nang bahay. Nilinisan ko ang katawan ko at nagpalit ng pangtulog. Sa may papag lang ako natutulog at may kutsyon, kumot at unan na doon. Ayokong bumili ng kama dahil baka sumikip lang. Ipinikit ko ang mata ko ngunit agad kong naramdaman ang matinding init. Iminulat ko ang mata ko pera ang dilim. Napapikit nalang ulit ako at kinabahan. "s**t, brown out na naman ata." Binuksan ko ang mata ko para kunin ang flashlight na nasa taas ng unan ko. Ilang pihit ang nagawa ko pero walang ilaw na sumisilay. Ubos na ata ang baterya. Inis kong kinuha ang cellphone ko para gawing ilaw. Putek, ang init. I used my hands as a fan. Pinaypay ko rin ang damit ko para maiwasang dumikit ang damit sa balat ko. Hindi naman nila sinabing magbabrown out. "Jaybriane, may ilaw ka diyan? May kandila pa rito." "Ah, opo! Meron pa po akong kandila rito. Gamit ko naman pong flashlight ang cellphone ko. Lalabas na rin po ako." Sigaw ko para marinig niya sa labas. Kinuha ko 'yung cellphone ko at pamaypay. Pagkalabas ko, nandoon na lahat ng mga tao sa compound. Madalas kasi silang tumambay sa labas kapag brown out para malamig. Wooh! Lumamig din. Gabi na kasi. Kinabukasan, lumabas ako dahil break. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Siguro sa gazebo nalang para magreview ng next subject. "Jaybriane!" Shannel's voice echoed. Nasa may malayo siya at maraming hawak na papers. "Ano 'yan?" Tinuro ko 'yung hawak niya habang nginunguya ko 'yung ensaymada. "Files." Sabi niya. Oo alam ko. Dapat pala ang tinanong ko ay para saan 'yun. "Maganda ba ang SPA?" I inquire her learning modality out of curiousity. She nodded even her face look like she's not sure. "Maganda naman kasi may bago kaming natutunan kaso nakakastress minsan. Daming ginagawa, dagdag kasi yung spec sa subjects." I wanted SPA too. That was my first choice. Nagaalinlangan lang ako dahil baka hindi ko maisabay sa academics at working ko. Tumango ako habang siya naman ay nakatigtig sa akin. Nakakaawa naman 'yung mukha niya. Mas mabigat pa ata 'yung buhay niya kesa siya. Bakit kasi siya pa ang inutusan diyan. "Uh... Jayb," she called me. "May gagawin ka pa ba? Pakibigay nalang 'to oh. Sa seniors yung Office dun. Locked yung isang gate dun kaya dadaan ka sa hallway nila. Ayos lang ba? utos ni Miss Fely 'yan. Salamat ha." Huli na nang makapagreklamo pa ko dahil binigay niya agad sa akin. Ang bigat shutakels! Hawak hawak ko na. Ang loka tumakbo na papalayo sa akin. "Hoy! Shannel! bumalik ka! Ang bigat..." Sigaw ko pero ang layo na niya. Mukhang wala na talaga akong magagawa. Nilakad ko yung Seniors. Ayoko pa naman dun! Ang layo tsaka nakakatakot dumaan dun! Baka abangan ako nung Sullivan. Pinakalma ko ang sarili ko habang naglalakad sa hallway. Lahat ng mga nakakasalubong ko ay panay tingin sa akin. Anong gusto niyo? tulungan niyo nalang kaya ako. Muntik ko pang mahulog ang iba. Binaba ko muna sa gilid. Ang dami kasi. Ano bang gagawin dito? Pinulot ko yung envelope na nahulog ko pero may pumulot nito. My heart doubled beat when Dave De Silva handed me the envelope. Nakangiti ito at nakatago ang mata niya sa ilalim ng bangs niya. "Do you need help?" His voice was calming me. Naghaharumento ang sistema ko kaya hindi makasagot. "Uh..." Bago ako nakasagot, nakuha na niya ang mas madaming files at binuhat iyon. Hinintay naman niya akong makatayo. He's so kind. Sana ganyan lahat. "Why you so uncomfortable? It's okay." Napansin niya ata ang pagkaaligaga ko. "H-hindi naman." Sagot ko. Nauutal pa. We walked together towards the corridor. Ramdam ko ang tinginan at bulungan ng mga estudyante sa bawat room na nadadaanan namin. Para akong natutunaw kapag tumitingin siya sa akin at tumatawa. What's funny? kinakabahan na nga ako. Kaya ko naman buhatin iyon. Mukha naman siyang mabait pero ano 'yung nakita ko kahapon? Pwede naman sigurong maging mabait ang tao kahit masyadong agresibo, hindi ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD