"Dito nalang." I let him arranged the files in the corner of the table.
Ginawa naman niya agad ang sinabi ko. Walang tao sa office at madilim kaya naman natakot agad ako. Nagpaalam lang kami kay Kuya Ricki na dadalhin namin ang files. Janitor siya rito.
Pinauna niya akong makalabas. Sumunod naman siya sa akin bago isinara ang pintuan. Mukhang nasa faculty pa ang teachers dahil walang mga nagtuturo.
"Jayb..." When I heard Dave's baritone beside me, I flinched.
"Ah, bakit?" I arched a brow.
His eyes met mine pero agad din siyang umiwas. "Sorry... sorry about yesterday." Tila hirap pa niyang banggitin ang sasabihin.
I nodded slowly once I have realized what he was saying. It's probably about behind the canteen, right?
Yun lang naman ang kasorry sorry niyang nagawa sa akin. Well, hindi naman niya ginawa sa akin. Out of my bussiness ko na 'yun pero nakita ko.
Oh, ako pala ang dapat magsorry.
"I'm sure you've seen us there. I'm really sorry about that." He said sincerely.
I gave him a small smile. "Ayos lang. Ako nga ang dapat magsorry. I didn't mean to saw you two doing that..." Nahihirapan akong dugtungan.
Anong idudugtong ko? na nagmomol sila? baka maoffend.
"Yeah. I'm really really sorry." Ulit niya
Next time kasi sa private. Kahit magtago pa kayo diyan, matalas ang mata ko. Hindi naman sa gusto kong manood pero...
"I'll go now." Nagpaalam siya sa akin. Tumango lang ako at naglakad naman na siya papalayo.
I sighed. Kasalanan 'to ni Shannel. Utos sa kanya, pinasa pa sa 'kin.
Napatingin nalang ako sa cellphone ko. May klase pa 'ko! Magaalas dose na.
Nagmadali akong pumunta sa Math building. 'Yun ang sunod kong klase. Buti malapit lang dito.
May sipon ako kahapon pa. Ang hirap palang huminga.
Kinapa ko ang bulsa ko habang pinapatong ang bag ko sa upuan. Nandito na ang ilan kong kaklase.
Walang hiya! nasaan 'yung panyo ko!
"Nasaan na 'yun?" Bulong ko sa sarili ko. Natataranta.
I checked my pockets. I opened every zipper of my bag. Wala pa roon! Putek! Saan ako sisinga.
"Okay ka lang?" Pansin ni Dianne sa akin. Napansin niya siguro na natataranta ako.
"Nawawala kasi 'yung panyo ko." Pinunasan ko ang ilong ko gamit ang likod ng kamay ko dahil lalabas na ang sipon ko.
Kasalanan 'to nung libro na binasa ko kagabi. Nakakaiyak, hindi ako pinatulog.
"Oh ito, tissue." Kinuha niya mula sa bag niya ang isang pack ng tissue at inabot sa akin.
"Salamat ah." Pinunasan ko ang ilong ko gamit 'yung tissue.
Saan ko kaya 'yun nahulog. Saan ba ako pumunta? Sa gazebo? hindi naman ako nagpunas ng sipon dun.
Baka sa seniors? sa faculty? hallway? wtf! may rason pa talaga para bumalik ako don. Buti kung nandoon pa 'yun. Baka ginawa ng basahan 'yun. Medyo makaluma na rin kasi yung tela nun.
Nang matapos ang klase, walang pasubali kong binalikan lahat ng pinuntahan ko. That was my favorite handkerchief ever! Hindi ko pwede mawala 'yun.
Paikot-ikot na 'ko sa gazebo. Sa canteen, hanggang sa makarating na ako sa hallway ng seniors. Medyo hinihingay na ako pero push lang. Wala nang tao roon. P.E na siguro nila dahil maingay ang court.
Kapag talaga nandito ako sa building na ito, may kakaiba akong nararamdaman.
I was looking for my handkerchief, bending right over while looking for the floor.
"Searching for this?" Isang banayad na boses ang kumuha ng atensyon ko.
I know that voice! Shuta!
Lumingon ako at tama nga ang iniisip ko. Conan Sullivan was proudly standing at the edge of the hallway. He looked so expensive with senior uniform, as he spin my handkerchief with his right index finger. Nasa gitna ako at nasa dulo siya, papuntang office.
He was raising his brows on me while smiling so hard. Nang aasar ba 'to? Hawak niya naman sa kanang kamay ang dulo ng panyo ko. Halatang nandidiri pa siya roon ah! pero kanina ginawa pang bolang iniikot.
"Akin na!" Lumapit ako sa kanya pero nang akma ko ng hahablutin, iniwas niya sa malayo ang kamay.
He's tall. Baka nasa 5'10 na ang height niya. 5'5 lang ako! Ang liit ko tuloy tignan kahit na pasado naman ang height ko.
"Akin na! Hindi ako nakikipagbiruan. Akin na sabi!" Banta ko.
He bit his lower lips, hiding a smile. His spaniard eyes were teasing me. Mukhang natutuwa pa siya habang hirap na hirap na 'kong abutin 'yun.
Bagay sa kanya ang uniform talaga huh? What! hindi, ang pangit niya pala. Masyado talaga akong mapuri, nakakainis na rin minsan.
"So this is yours. Akala ko sa matatandang teacher ito." Pagkumpirma niya habang tinititigan ang panyo. May halong insulto 'yun ah. Bumalik ang tingin sa akin. Binalingan ko rin siya ng masamang tingin.
"Akin na 'yan! gusto mo ba 'yan. May sip—"
"Yeah, this look so dirty." Walang kwenta niyang itinapon sa mukha ko bago umalis.
Kahit sipon ko 'yun, nandidiri ako! Nadikit pa sa mukha ko. Ang dugyot!
My jaw dropped when he walked away. Amp, walang modo!
Kinuha ko ang panyo sa mukha ko, wala na 'kong makita. I turned to him and he was walking boringly while his hands are on his pocket.
Walang hiya ka talaga! makabawi lang ako sayo!
Importante ito sa akin dahil tinahi pa ito ni Lola Ising bago niya ako iniwan. May burda pa ng pangalan ko na hinawakan ko naman. Jaybriane.
Miss ko na kayo. Papa, Mama, Lola.
Ang aga niyo naman po kasing nagsi akyatan diyan. Tumingin ako sa langit. Iniwan niyo ko agad.
Bumaba na ako sa gulid na hagdanan. Paepal kasi. Never na 'kong aakyat dito o bibisita man lang. Madami talaga diyablo rito!
"Hello?" Kinuha ko ang cellphone ko sa gilid. Ring nang ring habang naliligo ako.
"May sagot ka na sa math? naturo na ba 'yun sa inyo?" Boses ni Jelliane sa kabilang linya.
"Saan dun?" Tanong ko habang kinukuskos ang buhok ko ng twalya.
"Hmm... yung sa sequence-sequence! Natulog kasi ako math class namin. Di ko na alam yung ibang formula. Hindi naman sinasagot nina Charlotte tawag ko. Ang dadamot!" Naiiinis na sabi niya pa.
"Eh diba kaklase mo si Angel?" Tanong ko rito.
"Ewan ko dun! Di nga ako nun ginising. Ayaw rin mag online!" She spat.
"Sige sige. Isend ko nalang. Tapos ko na ata."
Bumuntong hininga siya. Parang nabunutan ng tinik, ah. "Okay! Salamat! Love u!"
"Love you too." At ibinaba na niya ang tawag. Napapunta ako sa table ko at pinicturan isa isa 'yung sagot ko para isend sa kanya.
Hindi kami magkaklase. Sina ni Angel ang magkaklase habang sina Shannel at Charlotte naman sa SPA. Nakakapagtampo nga, wala akong kasama sa section ko. Madalas na si Dianne lang ang kasama ko.
Dapat may kaibigan ka rin sa section mo kung agaw mong matawag na loner.
Kinuha ko 'yung scratch paper. Kinompute ko lahat ng gastusin ko para sa month na 'to.
Kung araw araw ay isang daan ang nagagastos ko baka umabot na 'yun ng ilang libo kada buwan. Magtitipid na talaga ako.
Buti nalang nilulutuan ako ni Ate Lucy kaya naman nakakatipid ako. Libre na 'yun. Malaking tulong talaga.
Limang daan sa kuryente. Tatlong daan sa tubig. Walong daan na, plus yung upa limang daan. Bale five thousand, eight hundred na ang gastos ko. Sa bahay, tubig at ilaw palang.
Medyo mababa na rin naman 'to. Mag isa lang naman ako.
Hinulog ko sa alkansya ang ilang pera na sobra ko ngayon araw. Need ko na rin mag ipon para may nakatabi akong pera.
"Jaybriane, oh." Nandiyan na si Ate. Ano naman kaya ang luto niya?
"Heto na po. Uy! salamat po ah! Mukhang masarap po ito ah." Napatingin ako sa hawak hawak niyang mangkok na may Adobo. Paborito ko ito, e.
"Thank you po ah." Kinuha ko ito at ngumiti sa kanya.
"Walang anuman. May kanin ka na ba diyan? Pwede kumuha roon." Pagtatanong pa nito.
"Opo, may sinaing po ako. Salamat po Ate Luz." Habol ko bago siya umalism Kumaway naman ito at pumasok na sa kwarto niya.
Ginawa ko ang assignments ko bago matulog. Biyernes na bukas. Yun lang talaga ang hinihintay kong araw lagi.
Feeling ko sobrang pagod na pagod ako. Ang hirap pala maghanap buhay. Nararamdaman ko na ngayon na grabe pala ang sakripisyo ng mga magulang.
"Fourth grading na pala. Tapos exam, then graduation na. Moving up nalang daw." Malungkot na saad ni Angel sa tabi ko. Sabay kaming pumasok. Hinintay ko pa siya.
Hindi ko naman makasabay sina Shannel dahil may service 'yun. Mahirap naman pumasok sa village nina Jell. Si Charlotte naman laging maagang maaga dahil ihahatid pa raw niya 'yung kapatid niya.
"Alam mo, minsan naiingit ako sa mga kaibigan natin, no? Buti pa sila maayos 'yung buhay nila. Hindi na nila kailangan—" Sumimangot siya.
"Ano ka ba? wag kang mainggit. Tanggapin nalang natin. Tsaka naniniwala naman ako na may bunga lahat ng paghihirap natin no." Pagchecheer ko.
Kahit kelan, hindi ko naisip ang sinasabi niya.
Bumalik ang tingin niya muli sa akin. "Kami na pala ni Tope!" Magiliw na balita niya.
My eyes widened. Ang... ang landi.
"Anong ritwal ginawa mo?" Diretsahang tanong ko.
Tumalim naman ang mga mata niya at inirapan ako. I laugh when I saw her reaction.
"Bano. I told you! madali lang 'yun landiin!" Proud na sabi pa niya.
Bahala ka diyan. Kapag ikaw naghost ulit, iiyak iyak ka na naman sa harapan ko. Pagtatawanan na talaga kita.
"Sana maghost ka." Lumabas sa bibig ko at inunahan ko na siya maglakad.
Dali dali akong naglakad sa pathwalk. Malawak kasi itong paaralan namin. Tatlong building ang nakatayo, nasa gitna ang flag at malaking field. Kapag naman pumunta ka sa likod, nandoon ang covered court at theater.
Mayaman daw kasi ang may ari nito. Public lang siya pero aakalain mong private. Marami ring mayayaman ang dito nag aaral. Kasama na roon sina Shannel at Jelliane. Pati 'yung sa seniors.
"Ba't mo ba ako iniiwan! kotongan kita riyan! Sabi mo sabay tayo." Sumisigaw si Angel sa likod ko habang naririnig ko ang sapatos niyang tunog ng tunog. May takong kasi.
Binagalan ko ang lakad ko. Ako pa magpapaospital diyan kapag napatid 'yan.
"Ang sabi ko sabay tayong pumasok, hindi sabay maglakad." Masungit na sabi ko nang magsabay kami.
"Ito naman. Binibiro lang." Pabiro niyang kinuha ang kamay ko at kumapit doon.
Walang reaksyon akong nagpatuloy sa paglalakad. Malapit na kami sa building nang may biglang humarang sa dinadaanan namin.
Oh, ito 'yung nakasalamin na lalaki. Yung umiiyak.
"Kilala mo?" Angel asked.
I shrugged. Hindi ko naman talaga kilala. Di ko nga alam ang pangalan.
The guy bowed his head to me. Ano 'to? Reyna niya ba ko? Santo?
"K-kuya.." Naku senior pa naman ito. Baka ano pang isipin nila.
Naririnig ko ang bulong bulungan ng ilang estudyante. Dumukha ako para tignan ang mukha nito. Nakaluhod na kasi siya ngayon.
"Kuya.. tumayo na po kayo." Ani ko. Sumunod naman siya agad. Bakas sa mukha niya ang takot. Hala, anong ginawa ko?
"S-sorry po at salamat sa ginawa niyo. Ako na po ang humihingi ng tawad sa ginawa ni Conan. Patawarin niyo na po siya." Nauutal na sabi niya.
What the hell?
Ano 'to? utos niya? Parang tanga lang.
"B-bakit po sa'kin kayo humihingi ng tawad? wala naman kayong ginawa sa'kin."
"Basta po. Sorry po." Iniwas niya ang tingin sa akin. Napansin kong may hawak hawak pa siya sa likod na pilit na itinatago.
"Senior 'yun diba? at parang junior pa 'yung babae."
"Matagal pa valentines ah. Ba't may nagliligawan na diyan?"
"Nako po! Mukhang maganda 'to p're! Nood muna tayo. Irereject ata ni Ate si Kuya."
Talaga! Pinaguusapan na kami. Kahit bulong pa 'yan, rinig ko ho kayo.
"P-pinapabigay po pala ito ni boss. Para raw po sa inyo." His hands were shaking. He showed me the box of three handkerchief. Iba't ibang kulay ang design pa ito na pambabae.
Anong trip niya? Baliw.
"P-para saan?" Tatanungin ko pa sana pero tumakbo na agad 'yung payat na lalaki.
Mukhang nahihiya pa. Si Angel naman panay ang tukso sa likod ko. Hindi ko pa maprocess sa utak ko lahat lahat. Handkerchief?
About yesterday, alam ko na! I remember na. Pero.. bakit niya 'ko binigyan ng panyo? papaiyakin ako?
"May secret admirer ka na, girl. Boss pa ang tawag. Baka mafia boss 'yun! Sana all!" Pang aasar ni Angel. Inismiran ko lang siya.
Baka akala niya siguro namumulubi ako sa panyo. Ano? Medyo makaluma na kasi 'yung tela nong panyo ko.
At gumamit pa talaga ng tao para mag sorry. Sorry mo mukha mo. Nakakairita ka pa rin.
Inis akong tumakbo para maghanap ng basurahan. Nang makapunta ako sa may restroom, tinapon ko ang box na 'yun doon. Ramdam ko namang nakasunod si Angel.
"Huy! bakit mo naman tinapon. Akin nalang 'to. Ganda pa naman." Reklamo ni Angel at akmang kukunin ito sa basurahan.
Wala akong pakealam na iniwan siya roon. Kanya na 'yun. I don't want to receive a gift from a trash. Lalo na dahil galing naman sa awa 'yun. Bahala ka!