bc

TABOO I (More Baby,More Money) SPG

book_age18+
25
FOLLOW
1K
READ
sex
brave
drama
heavy
bold
abuse
weak to strong
humiliated
prostitute
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

"I am the one who brings you all misfortune and shame! Who am I? A disgusting woman! A damn woman! A baby maker! "

Lorenzo hugged her.This scenario is what Oliver came up with.A man with a secret admiration for her.

She is the woman that all men admire and envy women,with her perfect beauty you will be truly obsessed.But behind this qualities is the pitiful truth and agony.

Compicated experinces,hatred and anger that will push her to enter this kind of work..

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1: CLINGING TO THE KNIFE
"Nagugutom na ko ate." malungkot na sabi ni Luis sa kaniyang ate habang nakatingin dito at hinihimas ang kumakalam na sikmura.Ala-sais na kasi ng hapon ay hindi pa din sila nakakakain kahit man lang agahan o tanghalian. "Pasensya ka na bunso.Hayaan mo may nakita naman na akong sideline.Sabi ni Lhine malaki daw ang kikitain ko dun,kaya pangako paguwi ko ay madami akong pasalubong sayo."malumanay na sabi ni Loraine habang nag aayos ng sarili at nasa kaniyang likmuang nakaharap sa salamin.Pagkatapos maglagay ng kaunting make up at lipstic ay isinuot nya na ang kanyang antipara,hinayaan nya na lamang ang kanyang buhok na nakalugay.Lutang na lutang ang kaniyang taglay na kagandahan kahit na simple lamang ang kaniyang ayos,lalong nagpadagag sa kaniyang ganda ang hanggang bewang,tuwid at kulay itim na buhok.Ang katangian niyaang ito ay ang pangarap at kina iinggitan ng mga kababaihan.Tila siya isang Diyosa na nagkatawang tao sa amo at perpekto niyang mukha. "Pero gutom na talaga ko ate."hinaing ng nagugutom nyang kapatid. "Uuwi din agad ako pagkatapos,konting tiis pa bunso.Pangako ko sayo,eto na ang huling beses na malilipasan tayo ng gutom.Isa pa pinapunta ko dito si Kuya Lorenzo mo para may makasama ka.Hintayin nyo ko at sabay sabay tayong kakain ng masarap,ililibre ko kayo.Sige na at tapusin mo na yung assignment mo."kinuha ang kanyang bag at humalik sa noo ng nakababatang kapatid at tuluyan ng nagpaalam. Tok!Tok!Tok! "Sino yan?!" tanong ni Luis. "Si kuya Lorenzo mo ito." Binuksan ni Luis ang pinto at tuluyang pinapasok ang kasintahan ng kaniyang kapatid.Dumiretso naman sa may kusina si Lorenzo pagpasok. "Saan ba yung sideline na sinasabi ng ate mo?Nabanggit nya ba sayo?" tanong niya habang nag aayos ng hapag kainan sa may kusina. "Hindi ko din alam kuya.Basta ang sabi niya lang ay hintayin ko,naten siya dahil marami siyang bibilhin na mga pasalubong sa atin." "Hay nako talaga ang ate mo.O' siya,wag munang hintayin ang ate mo bago kumain,kumain ka muna dito.May dala akong kanin at ulam.Nagluto ng sinigang na baboy si nanay kaya nagdala ko,alam kong hindi pa kayo kumakaen kahit na hindi sabihin sa akin ng ate mo." Inilagay ni Lorenzo ang ulam sa bowl at ang kanin sa pinggan. "Ay talaga naman!Napaka swerte talaga ng ate ko sayo.Ikaw na sana talaga ang maging asawa nya."sabay akbay sa balikat ng kanyang Kuya Lorenzo. "Nambobola ka pa."pabirong ginulo gulo ni Lorenzo ang buhok ni Luis. LORAINE'S POV "Kaya mo ba talaga?"paninigurong tanong ni Lhine sa kaniyang kaibigan. "Oo.Iniisip ko nalang na hindi naman na ako birhen,kaya wala na din mawawala sa akin.Kailangan ko talaga ng instant money ngayon."pilit nilalakasan ni Loraine ang kaniyang loob.Ito ang unang beses nya sa ganitong klaseng trabaho. "Mabait naman si Daddy A.Hindi sya katulad ng iba,yun nga lang bilang lalaki meron talaga siyang pangangailangan na hindi nya makuha sa asawa niya,gawa ng ito ay matanda na." "Kaya ko to.Para sa kapatid ko,kakayanin ko." "O' siya at halika na ihahatid na kita sa hotel kung saan kayo magkikita."aya ni Lhine sa kaibigan.Ngunit biglang natahimik si Loraine.Tila ayaw humakbang ng kaniyang mga paa.Pilit niyang sinsabi sa sarili na kaya niya,kakayanin niya dahil ito nalang ang natitirang paraan. "Oh bakit natahimik ka?Nagdadalawang isip kana ba?"muling tanong ni Lhine. "Naisip ko bigla si Lorenzo.Paano kung malaman niya."nag aalalang sabi ni Loraine. "Hindi niya malalaman kung hindi mo sasabihin,at wag ka mag alala dahil wala din naman ako ibang pagsasabihan." Napabuntong hininga na lamang si Loraine.Kailangan niya ang malaking perang kikitain nya dito.Bigla niyang naalala ang bangungot na naranasan sa nakaraan,bangungot sa kamay ng dalawa niyang pinsan na lalaki.Ngayong gabi, ay mabababoy nanaman ang katawan niya,ngunit ang kaibahan ay, mabababoy siya ngayon;ngunit may permiso niya at higit sa lahat ay may malaking pera na kabayaran na siyang kailangan niya.Kung hindi lamang sana sila pinabayaan ng kanilang ina,kung hindi lang sana sila nito pinagpalit para sa sariling kaligayahan at kung makakalapit lang sana siya sa kanilang mga kamag anak,ay hinding hindi nya papasukin at susubukan ang ganitong gawain.Oo,hindi na nga siya birhen.Pero hindi naman din siya mababang klase ng babae,hindi siya bayaran at kahit kailan ay hindi pumasok sa isip niya ang pagbebenta ng sariling laman.Pero mapagbiro ang tadhana.Heto siya ngayon,ang bagay na kahit kailan ay hindi pumasok sa kaniyang isip ay gagawin at papasukin na niya ngayon. Kailangan niyang kumapit sa patalim para sa kinabukasan nila ng kaniyang kapatid.Huminga siya ng malalim bago magsalita. "Halika na.Sige na at ihatid mo nako bago pa magbago ang isip ko."sabay hawak sa kamay ni Lhine. "Wag ka mag alala,sa una lang yung ganyan.Masasanay ka din." Naglakad na sila patungo sa sakayan at doon sumakay ng taxi na maghahatid sa kanila sa Relejarse Hotel. Pagdating sa hotel ay agad silang pumasok sa lobby at nagpasya na dun na lamang nila hihintayin si Daddy A.Habang naghihintay ay nakatanggap n text message si Lhine sa kaniyang telepono mula kay Daddy A. "Pambihira!Ma le-late daw ng isang oras si Daddy A.May dinner meeting pa daw kasi siyang kailangan na daanan." "Ganun ba,wala din naman talaga tayong magagawa kundi ang maghintay." "Pero sabi naman niya ay pwede naman na tayong mauna sa kwarto na kaniyang kinuha,dahil sa inyong dalawa naman nakareserve yun."dagdag ni Lhine. "Sige.Mas pabor na nga sa akin na mauna na tayo sa kwarto,naiilang din akong makita ng mga tao na may kasama tayong matanda at baka ano ang isipin.Alam mo naman ang utak ng tao." "Matanda talaga?Eh matulis pa nga ata sa mga binata at bata yun.Nako dzai wag mo i-under estimate ang matandang sinsabi mo.Haha"sabay na nagtawanan ang magkaibigan. "Shhh..wag ka nga maingay at baka mamaya may makarinig pa sayo,ilang na ilang na nga ako."pigil ni Loraine sa kaibigang hindi pa rin mapigilan ang tawa. "O' siya,pumunta na tayo sa front desk para makapasok na tayo sa room nyo." Lumapit sila sa front desk at kinausap ang receptionist. "Goodevening ma'am!Welcome to Relajarse Hotel.May reservation na po ba kayo?" bati ng magandang receptionist sa kanilang dalawa. "Ah yes.Yung room for Loraine Elacion."sagot ni Lhine "Ok ma'am.Please wait,ichecheck ko lang po." Si Loraine naman ay patuloy pa din na kinakabahan sa papasukin.Iniisip kung kaya niya ba talaga itong sikmurain o hindi.Agad naman itong napansin ng kaniyang kaibigan. "Huy ano kaba!Kinakabahan ka nanaman?" "Hindi mo naman ako masisisi.Tsaka wag ka ngang maingay dyan at baka may makarinig sayo.Mamaya na tayo magusap ng ganyan pag tayong dalawa nalang." "Hello mam.Eto na po ang card key for Junior Suite 401.Enjoy your stay!"sabay abot ng card key kay Lhine. Agad namang dumiretso ang magkaibigan sa katapat na elevator ng front desk.Pagbukas ng elevator,pumasok na sila at pinindot ang numero para sa ika-apat na palapag kung saan matatagpuan ang Junior Suite na pinareserve ni Daddy A.Pagbukas ng elevator sa ika-apat na palapag ay agad bumungad sa kanila ang napakagandang pasilyo na may kakaiba,magaganda, at tiyak namamahaling painting.Naglakad sila ng kaunti at sa bandang kanan ay nakita ang Junior Suite 401 na magiging kwarto nila. Beep...pagkaswipe ni Lhine ng card key ay automatic na bumukas ang pinto.Lalo pa silang napanganga ng makita ang loob ng kwarto. "Grabe!Alam mo bang sa mga telenovela at pelikula ko lang nakikita yung ganitong mga kwarto.Pag mayayaman yung mga gumaganap.Haha"namamangha na wika ni Lhine. Si Loraine ay tahimik lang ngunit manghang mangha din sa kaniyang nakikita.Dahil buong buhay niya ay ngayon lang siya nakakita sa personal ng ganito kalaki at kagandang kwarto.Masisiguro mong tanging galing sa mayayaman na angkan at literal mapepera lamang ang makaka afford ng ganitong kwarto.Pagpasok mo ay bubungad sayo ang isang malaki at mahabang Chesterfield sofa,may dalawang King's theatre curtain na pag hinawi mo ay bubungad sayo ang isang malaking glass window kung saan ay matatanaw mo ang kagandahan ng buong hotel pati na ang resort dito.Sa gitna ay may isang eleganteng lamesa din na kulay ginto ang mga paa at may napakagandang flowerbase at bulaklak sa ibabaw.Sila ay patuloy na namamangha at ng pasukin na nila ang kaliwang pinto ay bumungad naman sa kanila ang dalawang malaking kama na tila para sa hari at reyna lamang,sa magkabilang gilid ay may dalawang lampshade na kulay ginto din ang nakapatong sa cabinet.Sa ibaba naman ng kama ay mayroong Infinity sofa kaharap ang isang napakalaking flat screen TV.Ang pinto sa kanan naman ay ang bathroom,kung saan naroon ang isang malaking jacuzzy,mayroon din sa loob nitong isang malaking salamin at kulay gintong upuan, mayroon ding magagandang bulaklak na nasa flower vase.Nakahiwalay ang paliguan sa mismong toilet. "Huy,tama na nga.Para na tayong taong bundok.Oo,natural na ganito ang dadatnan naten,afford naman ni Daddy A dahil mayaman nga siya diba."wika ni Loraine. "Alam kong mayaman siya.Pero di ko naman lubos maisip na magbubook siya ng ganito kamahal at kagandang kwarto para sa isang gabi lang?Eh yung ibang nireto ko sa kaniya sa sogo nga lang niya dinadala."pagtatakang sabi ni Lhine. "Eh baka nataon lang.Hayaan mo na,importante mairaos ko tong gabi na to." "Sabagay.Teka nga pala,gutom na din ako.Alas-nuebe y media na,magpadala nalang tayo dito ng pagkain.Para makakain muna tayo,at iyon din naman ang bilin niya pagpasok sa kwarto ay tsaka tayo magpadala ng pagkaen.Tawagan mo na yung sa front desk."utos ni Lhine. "Oh sige.Sandali."lumapit si Loraine sa telepeno na nasa tabi ng kama,inangat ito pinindot ang numerong "0" upang makatawag sa Front desk na siyang magkokonekta ng linya sa restaurant room service ng hotel.Pagkatapos ng 30minutos ay dumating ang mga inorder nilang pagkain.Cranberry Pecan Goat Cheese Truffles ang kanilang naging appetizer,Potato leak soup naman ang kanilang naging soup,Butter Chicken at Beef Stew in Peanut Sauce ang pinaka main course nila,at Fudge Ice-Cream naman ang dessert. "Grabe!Napakasarap,ubusin natin to at wag tayo masayang dahil bihira sa buhay naten ang makakain ng ganito." "Para kang batang sabik na sabik sa pagkain ah,pag tinuloy tuloy mo tong gawain na to baka araw araw o maya't maya ka makakain ng ganito.Iyon ay gugustuhin mo lang ng magaang at financial problem free na buhay."sarkastikong sabi ni Lhine.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
79.9K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

The Ex-wife

read
234.7K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

The Young Master's Obsession (SPG)

read
82.8K
bc

Governor Hidden Mistress

read
27.0K
bc

Lara's Seduction

read
176.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook