Part.7

3020 Words
** Kinabukasan maaga akong nagising para maghanda ng almusal, hindi parin ako makapaniwala sa ikinilos kahapon ni Claide,parang may kakaiba sa kanya, hindi ko maiwasang hindi magtaka hindi tuloy ako maayos na nakatulog kakaisip kung anong lulutuin sa agahan . sabi niya kase simula daw ngayon sa bahay na siya kakaen . ibig sabihin makakasabay ko na siya sa pagkaen, diko alam kung matutuwa ba ko o hindi . dagdag gawain din yon noh ! kung dati okay lng umalis ng hindi nakaen ngayon ay hindi na, mag.aasikaso na ko ng pagkaen nmin . dahil ako daw ay kanyang "Asawa" at obligasyon ko siya =_=, maghired nalang kaya siya ng katulong para mag-asikaso sa kanya, gusto ko tuloy matawa . naumpog ba siya ??? nag alarm ako ng alas kwatro para makapagsimulang magluto dahil maaga din ang alis ko . bacon, ham at kanin lng ang hinanda ko . almusal nman e, pagdating ng 5 naligo na ko at nag.asikaso, tapos na ko lhat lhat pero parang hindi prin siya gising ??  mag.isa akong kumaen dahil magsisix na, mag.aabang pako ng taxi para diretso sa Lrt na . hay nman, gisingin ko na kaya ?? pero wag na, mukang masarap tulog niya . tinakpan ko nalang ang ulam sa mesa at dinampot na ang gamit ko palabas ng bahay . huwag sana akong antukin mamaya, ilang oras lng ang tulog ko  -__-  ilang sandali pa at nakarating narin ako sa building nmin . maaga pa, 7:30 plang andyan na kaya si Andrea ? malamang late na nman ang isang yon .  pagdating ko ay naupo agad ako sa table ko, iilan palang kming nasa loob ng aming office department .  "Goodmorning !!, always early bird tlga huh ??"- nakangiting bati ni Andrea, ngumiti lng din ako himala at ang aga din nito ?? "aga natin ah ??"-  "sempre, kelangan magpa goodshot ! baka next day sa department nman ntin bumisita ang bagong president !"-  "so tuloy na pala tlga yon ? balita ko pa nman terror daw yon"- singit nman ni sofia  "terror sa kagwapuhan haha ! kaya remind lng girls, higpitan ang tali ng mga undies nyo baka malaglag pagkakita sa kanya"- nagkatawanan kmi sa sinabi ni Thalia na kalog sa aming grupo . "haha naglaglagan daw kase ang panty ng kabilang dept. nahumaling sa kagwapuhan ni Mr. President !"- hirit nman ni Mae,  "Naku ! ke aga-aga chismis nyo hah !"- "totoo yon ! mamaya maglaway ka hahaha"- inungusan ko lng sila at nagpatuloy nlang sa trabaho ko . nagkatawanan lng sila at ng dumating ang head ng department nmin ay nagsiayos na sila para magtrabaho .  abala ko sa pagtatype ng kulbitin ako ni Andrea . "Mrs. Lee, may twag ka on phone pa accept nalang"- napatigil ako sa ginagawa at tumingin sakanya . kumindat lng siya . "sino si Mrs. Lee ??"- singit nman ni Sofia na hindi naalis ang tingin sa monitor, grabe lakas ng pandinig nito . hindi kase sila aware na ikinasal na ko, dahil Ms. parin ang gamit ko at yong surename ko parin ang ginagamit ko . si Andrea lng nakakaalam nito at sinabihan ko siya na wag nlang maingay . "Lakas ng pandinig teh ? haha "- nginitian ko lng sila at inaccept na ang tawag .  "Yes, hello ? Ms. Sanchez speaking ??"-  ("Kelly ??) natigilan ako ng marinig boses ni Claide sa kabilang linya, bakit napatawag to ? at pano nalaman nito ang no. sa office ??  tumingin muna ko sa paligid baka kase nakatingin si Mrs. Torres ang aming head, bawal kya makipag usap pag hindi about business . (oy Kelly ! nasan ka ??) "nasa trabaho ako bakit ba ?? ibababa ko na to mamaya na tayo mag.usap"- halos pabulong kong saad saka ibinaba ang telepono . napasulyap lng sakin si Mrs. Torres at nagtatanong ang mga mata kung ano yon .  "wrong call Mam from other dept."- hindi na siya nagreak kaya pinagpatuloy ko na ang ginagawa . bakit ba natawag ang isang yon ? at sa no. pa ng office tsk. mapapahamak ako  sa kanya e . di na lang sa phone ko, ay wala nga pala kming no. ng isa't isa .  "tumawag asawa mo bakit daw ??"- bulong nman ni Andrea, abay malay ko ba don ? nagkibit balikat lang ako, ngumiti nman siya ng nakakaloko  "ayiiieee . may uhm naba senyo ??"- pinanlakihan ko lng siya ng mata, mamaya may makarinig pa sa kanya e .  ano nga kayang kelangan ng isang yon at bakit pa tumawag ?? hindi niya nman noon yun ginagawa . nakakaloka nman siya oh !!  -- Buti nalang walang o.t maaga ako makakauwi . sabay sabay kming lumabas ng building ng mga kasama ko at nagyaya pa sila mag mall pero tumanggi ako .  "Kj nman ni Kelly oh, sige na mag Moa muna tayo . may big sale daw ngayon"- giit ni Mae "Kelangan ko umuwi ng maaga guyz, lam nyo nman cavite pa inuuwian ko"-  "kase nman ayaw pa bumalik sa apartment nmin, lonely tuloy ako don"- nginitian ko lng si Andrea,  "ou nga, pra dikna pressure Kelly"- Sofia "okay lng ako guyz, next time na ko babawi . treat ko kayo !"- "cge ba ! deal yah huh ?"- thalia "walang bawian haha !"- Mae "basta dyan mabilis kayo e haha, gecge ingats !!"- nagbeso beso na kmi, at nagpunta na sila sa sakayan papuntang mall . "hindi kaba sasama saknila ??"- tanong ko nman kay Andrea "hindi na, maaga din ako uuwi . sa asawa ko hahaha"- "pssh . baliw ! oh ayan na yong cab sumakay kna !"- sabi ko ng may dumating na cab sa harap nmin .  "okay ! ingat sis"- tumango lng ako, at naglakad na papunta sa terminal ng Mrt . onteng lakarin lng nman, pero natigilan ako ng may tumigil na itim nakotse . mukang pamilyar . nagulat pa ko ng lumabas mula sa loob si Claide .  "tsk ! sakay na"- masungit niyang saad bago bumalik sa loob . hindi man lng ako pinagbuksan ? . sabi na e once in a bluemoon lng ang pagka gentleman nito .  "ano palang ginagawa mo dito ??"- tanong ko sakanya ng makapasok ako sa loob, bakit mukang badtrip nman ata siya ?? "malamang sinusundo ka ! tsk"- "e bat nman galit ka, labag ata sa loob mo magsundo?"-  "hindi ako galit !!"- singhal niya, yon ang hindi galit saknya . para tlgang ewan ang isang toh .  "ewan ko sayo ! di kna man inaano dyan tpos ganyan ka . itigil mo nga at bababa ako"- inis kong saad sakanya, mabuti pang mag Mrt nalang ako pauwi "tsk ! tumigil ka nga, kaya ka nga sinusundo diba tpos bababa ka ?"- "e bat nagagalit ka dyan kung nagsusundo kalang naman pala? !"- singhal ko, napabuga nman siya ng hangin  "hindi ako nagagalit ! naiinis ako !!"-  "at bakit nman hah ? kung naiinis ka wag mo kong idadamay"- "sino bang hindi maiinis ? ilang oras kong hinanap kung san san ang number ng opisina nyo tpos bababaan mo lng ako ?? ni hindi ko alam number mo at hindi mo rin sinabi na papasok kna . muka kong tanga kninang umaga"-  (*__*) ?? ano daw ??  "aba malay ko ?? e bakit kaba tumawag knina ? alam mong bawal yon, pwera nlang kung about bussiness ang sasabihin mo kya binaba ko"- "tsk !"-  "hindi ko nman alam  ? tsaka wala rin akong number mo at kninang umaga hindi na kita dinistorbo, sinabi ko nman sayo na maaga pasok ko"- mahabang paliwanag ko pero muka nman siyang hindi nakikinig . bakit nga ba ko nagpapaliwanag sakanya ?? nagtaka ako ng inihagis niya sakin ang phone niya . "oh ano toh ??"- "isave mo dyan ang NUMBER mo"-  "pssh !  akala mo nman kung naano . ayan na hoh !"- inihagis ko rin pabalik sa kanya . may saltik tlga ang utak ng isang toh . parang yon lng kung makareak wagas ?? "pumasok kaba ??"- hindi kase siya nakapang opisina na damit, simpleng t-shirt at pants lng .  "hindi ako pumasok"- masungit niyang sagot . ayoko na nga magtanong .  "sungit !"-  "tsk !"-  "pssh !"  hindi ko na siya pinansin hanggang sa makauwi kmi sa bahay . dali dali akong umakyat ng kwarto, bahala nga siya dyan . patapos na kong magbihis ng kumatok siya sa pinto . "oy Kelly dalian mo na dyan at magluto ! nagugutom na ko"-  napadabog ako ng paa, makautos nman wagas ! gusto ko pa sana magpahinga kaso luluto pa . hay makekeri ko kaya toh ??  "ou na "- walang gana kong sagot, total gutom narin naman ako bumaba na ko at nadatnan ko siyang nakaupo sa sala at nanunuod .  "ano bang gusto mong lutuin ko ??"- "kahit ano"- hindi natinging sagot niya sakin . mukang kelangan ko na ata magsimulang matuto magluto luto ng iba ibang ulam bukod sa tinola, adobo at sinigang .  "tinatamad ako magluto, magpa.order kna lng ??"- saka sya tumingin sakin,  "ayoko ! gusto ko magluto ka ! hindi ako kumaen ng lunch kaya paglutuan mo nman ako"-  "pssh !"- nangonsensya pa,  "bakit kase hindi ka kumaen ng lunch tpos ngayon rereklamo ka ??"- "e sa ayoko, magluto kna lng kase dyan"-  inirapan ko lng siya at nagtungo na kong kusina . lutuan ko siya ng damo e, pasalamat siya mabait ako at heto pagluluto siya para makakaen din ako . nagsalang na ko sa rice cooker at binabad na yung manok . iniisip ko pa kung tinola o adobo . . pero tinola nalang para malunod sa sabaw ang isang yon . naggayat na ko ng sayote, sibuyas, bawang at luya . nagulat pako ng paglingon ko ay biglang sulpot niya, mahahampas ko sana ng sandok  "ano ba! kagulat nman toh !"- "may maitutulong ba ko ?"- malumanay na tanong nito, nagtataka na talaga siya  "okay ka lng ba talaga ??"- napakunot noo nman siya at lumapit sa gawi ko "ou nman ??"-  "weh di nga, hindi kaba naengkanto o ano ??"- "Ano bang pinagsasabi mo? bakit ba ??"- medyo inis niyang saad, diko nalang pinansin at pinagpatuloy na yung ginawa ko  "ano ba kase yun ??"- ulit niya mula sa likuran ko,   "wala . para kaseng may kakaiba sayo, nakakapanibago lang", say ko, pero lumapit pa siya sa gawi ko! " tabi nga nagluluto ako"-  "ang sungit nito, ikaw nga dyan parang ewan e"- giit niya pa, gusto ko na sana siya hampasin  ng sandok e "o bkit inaano kita ?? ikaw ang unang nagsusungit dyan ah ?"-  "tsk ! edi sorry !"- parang ewang saad niya, napailing lng ako na parang gusto ko matawa pag nag sosorry siya.  "nag sorry na ko tpos ikaw hindi magsosorry ??" "at bat nman ako magsosorry sayo ?"- giit ko . tulig tlaga ang isang toh, diko alam kung maiinis ba ko o matatawa .  "tsk ! ikaw dyan ang- tsk ! kalimutan mo na nga . badtrip e" sabay talikod niya at punta don sa fridge . naano na nman kaya ang sang yon ??  bahala nga siya dyan .  "oh hayan, kumaen kna . iwan mo nalang ang hugasan sa lababo ako ng bahala niyan bukas"-  "hindi mo ko sasabayan kumaen ???"- napatingin nman ako sa kanya na naghihintay ng sagot ko .  "tsk !, iligpit mo nalang toh" "alam mo para kang ewan dyan !"- inis kong saad sakanya,  "sino kaya mukhang ewan, kakain nalang hindi pa sasabay tsk, ano ba talaga ang gusto mo parang hangin lang tayo dito? !"- inis niyang saad,  "sorry, hindi lng ako sanay . wag ka ng magalit, kumaen na tayo"- mahinang saad ko sakanya, napatingin lng siya sakin kaya napayuko ako .  "tsk . ou na kumaen na tayo"- tumango lng ako at nagsimula na kaming kumaen .  ako ng nagligpit pagkatapos, akala ko umakyat na siya sa kwarto niya pero ng matapos ako at nakita ko pa siya sa sala  "bakit hindi kita ma'contact ??"- "hah ??"- "tinatawagan ko phone mo pero out of coverage tsk !"-  "ah baka lobat ? kahapon ko pa yon hindi na chacharge e"- nakalimutan ko kase icharge kahapon pagkagaling nmin ng mall  .  "pano kita macocontact kung lageng lobat yon ? tsk nman"- "ichacharge ko rin yon chillax ka lng . ang hot mo rin e noh ?"- napasimangot lng siya, sarap kalbuhin nito pati phone ko ngayon pinapansin "akyat na ko !"-  "s-sandali !"- napalingon nman ako sa kanya ng mapatayo siya . "bukas wag mo kakalimutang magpaalam . simple lng e dpa magawa tsk."-  "ou na . daeg mo pa tatay kung manermon dyan e"- inunahan niya lng ako umakyat ng hagdan, para tlgang ewan .  "ihahatid kita bukas kaya wag ka magreklamo"- pahabol niyang saad  "hah ?"- "tsk. binge"- sinundan ko lng siya at pumasok na siya sa kwarto niya . totoo ba yon ?  hahatid niya ko ? kinikilabutan na talaga ko sa kanya, pero may bahagi ng isip ko na natutuwa. Kahit papano ramdam ko na sa loob ng bahay ang presensya niya kahit madalas siyang naiinis, hindi narin ako mag isa kumakaen dahil andyan siya. Pero hanggang kailan?,  -  Tinupad nga ni Claide yong sinabi niya, hindi na ko nagreklamo pa dahil hatid sundo niya ko sa pagpasok at iwas narin bangayan nming dalawa . ambilis nman kase mapikon ng isang yon parang ewan lng . pero mabilis din nman magsorry, at pag nagsorry siya gusto niya ako din praning talaga . pero hinayaan ko na, napagkasunduan na nman nmin na ayusin na yong samahan nmin . mas gusto ko narin toh kesa noon na wlang pakialamanan, na feeling ko mag isa lang ako, kahit papano ngayon alam ko na nariyan siya,  "oh rest day mo rin ??"- takang saad ko saknya, maaga akong lumabas ng kwarto para maglinis .  "ou dahil kailangan nating mag linis ng buong bahay at maglaba, wla nakong matinong masusuot"- "hah ? bakit hindi ka naglalaba ??"- "tsk . hindi ako marunong maglaba"-  "ano ? e sino paglalabahin mo ng mga damit mo ??"- tumingin tingin lng siya sa ibang sulok . mukang alam ko na sasabihin niya ah ? "ikaw , ikaw ang asawa dyan e"- sinundan ko lng siya papunta sa kwarto niya at tumambad sakin ang gabundok niyang labahan .  "grabe ka Claide ! ang dami nman nyan ??"- "kaya nga magpapatulong ako sayo mag.laba ano ba,sarado yung laundry shop "-  "pssh ! patulong e hindi ka nga maalam dyan maglaba . ilang buwan mo bang labahan toh ??"-  "last week pa yan ! last last week"- sagot niya . grabe din ! pano nalang ang rest day ko nito ??  "bakit kase ayaw mo nalang kumuha ng katulong para may maglaba at maglinis nitong bahay . sa laki nito ay hindi ko kaya linisin to mag isa"-  "ayoko nga,dagdag gastos"- inirapan ko lng siya . kaydali niyang sabihin yon dahil di nman siya nahihirapan . masyadong malaki ang bahay para saming dalawa . parehas pa kming may mga pasok at baka ilang buwan lng ay umapaw na ang buong bahay ng alikabok .  "pssh ! ang ewan mo rin noh ? kukuha lng ng makakatulong ayaw pa"- "ayokong may ibang makakapasok na babae bukod kala mama sa bahay natin"- napamaang lng ako sa sinabi niya, arte nman nito .  "edi lalaking katulong kunin mo para may maglaba at maglinis !"- "tsk. edi ang saya mo . kaya nman natin pagtulungan linisin toh ah ? bahay nman natin toh kaya obligasyon talaga natin yon, at para matuto tayo sa responsibilidad natin"-  "pssh . alam mong parehas tayong may mga trabaho , isang araw na pahinga dipa sapat para linisin ang bahay nato"-  "bakit kapa kase nagtatrabaho . dito kna lng sa bahay, kaya nman kita buhayin at ibibigay ko sayo lahat ng kailangan at gusto mo"- napamaang lng ako sa sinabi niya . sira ba siya ?? mahal ko trabaho ko noh  "ayoko nga ! diko iiwan trabaho ko, tsaka mahal ko trabaho ko"- "tsk ! kaya nga ko nagtatrabaho para ako ng bubuhay sayo tapos ayaw mo pa ? dito kna lng sa bahay hindi kapa mapapagod at ganun nman tlga ang mga babaeng asawa diba ? naiiwan sa bahay"- "pssh . pwede ba Claide ? wala sa usapan natin na pakialaman mo pati trabaho ko . amina na nga toh ng malabhan na"- "bahala ka nga dyan !"- bigla ko naduwal ng malanghap ko yong kakaibang amoy sa mga damit niya, ang sakit sa sikmura kaya napatakbo ako sa banyo niya . shet ! anong amoy yon ??  "uuurrrggghhh !!, urrgggh !! pwee"-  nasuka ko tuloy yong kinain ko at maluha luha pa ko . finlush ko na yong suka ko sa bowl . palabas na ko ng makita ko siyang nakaabang sa pinto .  "o-okey kalang ??"- alalang tanong niya, tumango lng ako at pinunasan ang bibig ko, pero naamoy ko sa kamay ko yung amoy knina kya napaduwal ulit ako . "urrghh ! ano ba yan ! urrgh !!"- "uy Kelly ? ano ba nangyari ?? okay klang ba talaga ??"- finlush ko ulit ang bowl  "ou nga ! ano ba nmang amoy nung damit mo bat gnon ???"-  "ah ,nasukahan ko kase yun nung laseng ako . okay ka lng ba talaga ??"- napangiwi lng ako, sarap keltokan ng lalaking toh, kadiri yung damit niya "ipa-laundry nalang natin yan . hindi ko ata kaya maglaba ??"-  "ocge na nga . kumaen na muna tayo bago ko yon dalhin sa laundrihan, mamaya siguro bukas na un"- tumango lng ako, buti nman pumayag ang isang toh .  bumaba na kmi para kumaen . himala ata at ang tahimik nito . panay pa ang sulyap sakin .  "nag pa check up kna ba sa OB-Gyne? "-   "hah ??"- parang lutang kong saad  "tsk . 2month na simula nung,, nung gabi ! basta yon !"- bigla siyang namula . (*__*) ?? "b-baka m-magkaka baby na tayo"- mahinang saad niya, bigla nman akong kinabahan at napakurap baby ??  "hah ??"- "bat kba hah ng hah dyan ?? tsk . kumaen kna nga lng . ano okay kna ba ??"- nag aalala na nmang saad niya, tumango lng ako, wala nman akong kakaibang nararamdaman ah , imposible nmang buntis ako ?? hindi pwede,  "oy natahimik ka dyan ? gusto mo tawagan natin sila mama ?"-  "hah ? bat nman, wag na ???"- gulat kong saad "para sabihin na-" "wag ka ngang praning ! , okay lng ako, sino bang hindi masusuka sa damit mong may suka??"- sabi ko malay mo hindi kase nga diba baog ako ?  "pag may baby na tayo hindi kna magtatrabaho . dito kna lng sa bahay natin"- napatingin lng ako saknya at muka nga syang seryoso . baby niyang mukha niya, "hindi ko nman kayo papabayaan ng magiging anak natin, gagawin ko lahat para maibigay mga kailangan nyo at magiging mabuting asawa at ama ako"- mas lalo ako natulala sa sinabi niya, hindi ako makapaniwala na sinabi niya yon, nakakatuwa este nakakakaba ?? wala kong masabi, ngayon palang natatakot na ko,paano nga  kung nabuo ung ginawa namin?,  . naramdaman niya ang pag-aalala ko kaya agad niya hinawakan yung kamay ko, kinuha ko naman agad iyon at nagpaalam na sa kanya pabalik sa kwarto ko --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD