**
Nagising nalang ako ng may marinig akong nagkakalampagan sa kusina, pagtingin ko sa orasan, alas kwatro plang ah ? agad akong bumaba at nadatnan ko si Claide na nagsasalang ng rice cooker, nalaglag pala ang takip nito .
"Goodmorning"-
"ano ginagawa mo ??"-
"tsk. nagsasaing"- napatawa naman ako, kakaiba na talaga ang isang toh
"oh bakit ka nakangiti dyan ?"-
"wala . nagkape kna ba ?"- kumuha ako ng dalawang mug, pero inagaw niya nman sakin kaya napatingin lang ako saknya .
"ako na at bawal sayo kape"-
"sino nagsabe ?? gusto ko kape"- giit ko at inagaw saknya ang isang mug
"sabi ko bakit ?, ako na wag kang makulit dyan . gatas ang sayo"-
"anong gatas ?? kape ang sakin ! ikaw uminom ng gatas amina nga yang mug ko"- akmang aagawin ko saknya ng itinaas niya
"ang aga aga ang kulit mo . ako nauna sa kusina kaya ako masusunod . maupo ka don"-
"pssh . ikaw uminom nyan ah !"-
"tsk. wag ka na nga magreklamo dyan . sayang ang gatas kung walang iinom"- sinimangutan ko lng siya tlgang tinimpla niya ang gatas .
"gatas rin sakin kaya wag kna sumimangot dyan . itatapon ko na ngayon ang kape tsk !"-
"ano? bat mo itatapon sayang yan, ikaw nalang mag gatas basta magkakape ako "- medyo inis kong saad sakanya,
"tsk, !"- di na siya umimik, para kaseng sira eh, magtatapon ng kape?,
siya narin nag prito nung maling na may itlog para makakain na kmi . siya narin nagligpit at maligo naraw ako, ang sipag niya ngayon ah at inaako ang gagawin ko . diko tuloy mapigilang di matuwa ng konte kahit medyo nakakainis siya
matapos kong makapag.ayos ay nakahanda narin siya, pinagbuksan niya pa ko ng pinto para makasakay .
"Active yang phone mo ?"- maya'y sabi niya
"Yes !"-
"may Load ??"-
"Wala ata"- sumimangot nman siya, parang yon lng ?
"tsk ! tapon mo na yan wala nman palang kwenta"-
"maka walang kwenta ka naman ! ikaw kaya itapon ko , khit wala tong load importante toh !"- inis kong saad sakanya, pinipigil niya lng ngumiti, gustong gusto niya talaga yung naaasar ako
"magpalit kna lng ng phone, yong naka plan para dika maubusan ng load"
"ayoko, dagdag gastos ! wala nman akong ittxt o tatawagan !"- say ko
"tsk ako hindi mo ittxt o tatawagan ??"- biglang saad niya naman, napakunot noo naman ako sakanya
"ano naman sasabihin ko sayo ??"-
"ewan ko sayo"- siya. dali mapikon, gusto ko tuloy tumawa praning . niloloko ko lng nman siya e, may load nman ako kahit papano, sarap niya lang din asarin kase pikon.
"masaya kana niyan"- siya, sabay sulyap pa
"Alam mo, ewan ko talaga sayo "-
"tsk, "-
"pikon"- bulong ko, di lang siya umimik nang mapatingin ako sa kamay niya napansin kong suot niya ang wedding ring nmin .
kelan niya pa sinusuot yan?, yung sakin kase nakatago na sa baol eh
hindi na kmi nag.imikan pero palagay nsman ang loob ko sa samahang binubuo nmin khit pa minsan hindi maiwasang may bangayan dahil sa pagsusungit niya . pero siya rin nman nasuko at nahingi ng sorry at gusto niya rin humingi rin ako ng sorry parang baliw lng =_=
pero mas gusto narin nman ang sitwasyon nmin ngayon di tulad ng dati na walang pakialamanan . ewan ko ba sa isang yan kung anong naisip, wala nman siyang binabanggit ng tungkol sa knila ni Je, ayoko nman magtanong ngayon, saka nalang at ayoko rin umasa.
napatingin ako sakanya ng biglang tumunog ang phone niya at may tumatawag . sinagot niya nman iyon
"oh hello ? papasok plang .. huh bakit ???"- parang nataranta yong boses niya kasabay ng biglaan niyang pagpreno .
nagtatakang tiningnan ko lng siya, ano kayang nangyari ??
"Saang hospital yan ??? okay pupunta ako . wait me there"-
"anong nangyari ??"- kinabahan ako dahil bakas sa muka niya ang takot at pag.aalala .
"S-Si Je, nasa hospital"-
"ano ?"
"kailangan ko siyang puntahan"- napatango lng ako, anong kayang nangyari sakanya ? gusto ko pa sana magtanong pero wla ng oras .
"Puntahan mo na siya, balitaan mo ko agad kung anong lagay niya . pipilitin kong maghalf day mamaya para makapunta ding hospital"-
napatango lng siya kaya agad na kong bumaba ng sasakyan niya
"Sigurado kabang hindi kna magpapahatid ???"- saad pa niya, umiling lng ako, halata naman na natataranta na siya
"okay lng, malapit na yong Lrt kaya ko na . bilisan mo ng puntahan siya"-
hinintay kong makaalis ang sasakyan niya bago ako lumakad . sana okay lng si Je, nakita ko ang pag.aalala at takot sa mukha knina ni Claide .
habang papalayo ang sasakyan niya diko maiwasang hindi masaktan,kung sana hindi naging ganito ang sitwasyon walang mahihirapan, hindi sana ako naiipit sa kanilang dalawa, pero hindi mahalaga ang nararamdaman ko sa kalagayahan ngayon ni Je, siya ang mas nasasaktan at dehado dito at mas kailangan niya ngayon si Claide .
mabigat ang mga paang lumakad ako papunta sa terminal ng Lrt . parang wala ako sa sarili, di ko maiwasang isipin kung ano ang lagay na ni Je, iba iba ang natakbo sa isip ko, kung sana,, pagtingin ko sa orasan 7:50 na . agad na ko nagmadali papasok ng building . kakamadali ko may nakabunggo pa tuloy ako at tumalsik ang pen niya .
naku nman ! dali dali ko yong dinampot at iniabot saknya .
"Sorry sir, hindi ko sinasadya"- ngumiti lng siya at kinuha ang pen sakin .
"it's alright"- nauna siyang pumasok sa elevator, nakakahiya sumabay muka kaseng big boss, sa next elevator nalang ako
"It almost eight . dika paba sasabay ??"- anito sabay tingin sa kanyang wrist clock
"hah ?"- hala mag.e 8 na nga, agad na kong pumasok sa loob ng elevator . bahala na ngang makisabay, ngayon pa nman ang pagpunta ni Mr. President sa department nmin tpos late ako ?
pssh !! bat ba nawala yon sa isip ko ??
"Miss anong floor ka ?"-
"hah ? ah sa 5th floor po"- ngumiti lng siya sabay pindot don sa button . nawawala na talaga ako sa katinuan, nakakahiya tuloy hay =_=
"saang department ka ? matagal kna bang employee dito ?"-
"ahm 2years na at sa accounting department ako na'assign"- napatango lng siya, sa wakas bumukas na at yumuko lng ako sa kanya para magpaalam .
dali dali ako pumasok sa opisina .
"Ms. Sanchez your Late !! my goodness . aware kana man siguro na ngayon araw ang pagpunta dito ni Mr. President ??"- sermong saad sakin ni Mrs. Torres . ngayon lang nman ako na late e
"sorry Mam nagka.emergency po kase"-
tinalikuran niya lng ako kaya tumuloy na ko sa table ko .
"anyare ??"- bulong nman ni Andrea, senenyasan ko lng siya na mamaya, bigla tingin kase ni Mrs. Torres .
ilang sandali pa halos lahat kmi ay napatayo ng dumating ang ilang board of regents kasama ang President . si Mrs. Lea ang unang kinausap nito .
napamaang ako ng ipakilala si Mr. President ! siya yong lalaki knina na nakabunggo ko at nakasabay sa elevator ! mukang natandaan niya ko kaya ngumiti siya , napayuko lang ako, kulang nalang lumubog ako dito sa kinatatayuan ko
"I'm Christian Valdez, the new president of our publishing company and I guess all employee here is performing well so nice meeting you guyz"- nakangiti niya pang sabi saka muling tumingin sakin, o baka guni guni ko lng din ??
lalo tuloy nakakahiya ! si big boss nga !!
pagkaalis nila ay kasama si Mrs. Head, kaya nagtilihan nman ang mga kasama ko .
"OMG !! ang hot niya !!! artistahin ang gwapooo !!"- kilig na sigaw ni Thalia
"na mesmerized ako shet !!! Love ko na siya wahhh"- sofia na binatukan nman ni Mae, natawa lng kmi
"Oa much ??? akin lng yon haha !"-
"cge lng libre nman mangarap ! siya na ang prince charming ko hahaha"- hirit nman ni Andrea
"nakisingit pa ! papable ko na yon haha !!-
"share share Mae !"- napapailing lng ako saknila, parang mga baliw lng na kilig na kilig . ou gwapo nga siya, pero mas gwapo nman si Claide don noh ! teka bat ko ba naalala ang isang yun?
and speaking of him, kamusta na kaya lagay ni Je ??
"Parang si Kelly lang di naapektuhan sa karisma ni Sir ah ???"- si Thalia
"Naku ! may iba na kase yan hahaha"- sabi nman ni Andrea, tinginan tuloy yong tatlo
"aba lumalablayf ang bruha haha . paburger ka nman dyan ??"- Sofia
"paniwala tlga agad kayo kay Andytot . ay teka maghahalf day pla ko ngayon"-
"o bkit ?"- Mae
"may emergency sa bahay, magpapaalam nalang ako kay Mrs. Torres"-
"ou mamaya din babalik na yon, nahumaling din kay Sir kaya bumuntot haha"- muli na naman nagkatawanan, pano pa kaya pag nalaman nila na nakasabay ko yon sa elevator ?
mamaya mag.ingay pa mga toh kaya wag na . iniisip ko pa kung papayagan akong mag half day ni Mrs. Torres e kanina nga nasermonan niya ko dahil late -_-
--
Buti nalang maganda ang mood ni Mrs. Torres pagkabalik niya sa department nmin, nakapagpaalam agad ako sa kanya na kailangan ko maghalf day .
pumayag nman siya kaya pagdating ng lunch ay niligpit ko na ang gamit ko .
"anong emergency ba ang nangyari Kelly ? knina kapa hindi mapakali ??"- narinig kong saad ni Andrea habang pinabasa ko ang txt ni Claide .
sinend niya sakin ang address ng hospital kung nsan si Je,
"oy kelly ?? ako nag.aalala sayo e"-
"naisugod sa hospital si Je, at naroon ngayon si Claide"- ito nman ang nabigla
"hah bakit ??"-
"nag suicide siya"- mahinang saad ko, hindi ako makapaniwala na ginawa yon ni Je, mabuti nalang daw at naagapan ang pagdala sa kanya sa hospital .
pero kinailangan niyang salinan ng dugo .
"oh my god ! nababaliw na siya"-
"kaya pupuntahan ko siya, gusto kong isure kung ano ng lagay niya"- saad ko, kasalanan ko toh, hindi hahantong si Je sa ganito kung hindi lang dahil sa pagkakamali namin ni Claide,
"ocge cge . balitaan mo nalang ako hah ? ingat ka"- tumango lng ako, at umalis na ng opisina . madali akong lumabas ng building at nag.abang ng taxi diretso sa hospital .
hindi na nagtxt si Claide, baka abala pa siya .
ilang sandali pa ay naroon na ko sa Asia Medic Hospital . agad ko nakuha ang room no. ni Je na nasa 5th floor . sumakay ako ng elevator at habang papalapit lalong nalakas ang kaba ko,
pagsilip ko sa may pinto ng kwarto niya agad ko nakita si Claide na nakatalikod, nakaharap siya kay Je habang hawak ang kanang kamay nito, ang kaliwang kamay nito ang may gasa at may swero .
hindi ko lubos maisip na magagawa niya ito sa sarili niya .kasalanan ko talaga toh, dapat paba na nandito ako?. papasok sana ko pero bigla kong napako sa kinatatayuan ko ng magyakapan sila ni Claide at hagkan siya nito sa noo . kusang napaatras ang paa ko, at lumakad palayo, hindi dapat ako nandito,,
ang lakas ng kabog ng dibdib ko at ang bilis rin lumakad palayo ng mga paa ko . hindi ko alam pero nasasantan ako sa nakikita ko na parehas silang naghihirap ang kalooban dahil sakin, natigilan ako ng makasalubong ko si Rhea .
"Kelly ???"-
"R-Rhea"-
"pwede ba tayo mag.usap ??"- napatango lng ako at sabay kming lumabas ng hospital . pinasya nming mag.usap sa malapit na star bucks, siya na ang nag.order .
"k-kamusta ang lagay ni Je ??"-
"okay na siya . masamang damo yon kaya mahaba buhay"- patawang sabi niya, last time na magkita kmi ay nung nagkagulo, hindi ko naman siya masisisi na hindi magalit sakin eh,
"sa sobrang tanga niya magmahal nagkakaganyan siya . mabuti nalang nasalinan agad siya ng dugo ni Claide"- napatingin ako sa kanya .
si Claide ??
"t-talaga ??"-
"mabuti at pumayag ka na puntahan niya si Je"-
"kailangan siya ni Je at hindi ko yun pwede ipagkait sa kanya dahil unang una hindi sila magkakahiwalay kung hindi dahil sakin"- sagot ko habang iniinom ang order nming kape, lalo tumindi ang kaba sa dibdib ko
"I'm sorry, alam ko hindi maganda ang lahat ng binitawan kong salita sayo noon, ayoko lng kase nasasaktan ang pinsan ko . alam mo nman diba yon ?"-
"alam ko yon, at hindi ko naman intensyong saktan siya, parehas lang kaming naipit ni Claide sa isang sitwasyon na hindi namin kagustuhan, sobrang bilis ng mga pangyayari"-
"nandyan na yon e at nangyari na . kasal na kayo ni Claide at asawa mo na siya"- hindi lng ako umimik, tama nman siya . wala ng magagawa dahil nangyari na, pero mag-asawa lang kami ni Claide sa papel, natitiyak ko balang araw parehas din naming hahanapin ang sarili naming kalayaan,
"hindi ako galit sayo Kelly, nagtampo oo, dhil hindi ko maisip na ikaw pa ang mananakit sa pinsan ko . pero kaibigan din kita na ayaw kong masaktan . sana mapatawad mo rin ako sa lahat"-
"naiintindihan nman kita at may dahilan ka para magalit sakin . hindi biro ang mga nagawa ko, "-
sagot ko khit may masakit pa dito sa dibdib ko pero kaibigan ko pa rin sila, hindi ko rin naman sila masisisi .
ilang sandali pa kming nagkausap at nagpaalam narin agad ako sa kanya . palagay na ko na ligtas na ang buhay ngayon ni Je . andun nman si Claide sa tabi niya .
hindi ko alam kung san ako pupunta, uuwi na ba o ano ? alas sais narin nman masyadong mabilis ang oras . nag.abang ako ng taxi papuntang terminal . sumakto pang biglang buhos ng ulan,
pag minamalas ka nga naman,,
sobrang daming pasahero at ang haba ng pila sa bilihan ng ticket kaya nagpasya akong mag bus nalang . ilang minuto lng nman deperensya makakauwi din ako .
pero dang traffic nman at halos makatulog na ko sa bus . 8:30 na at nasa mall palang ng Sm, nakauwi na kaya siya ? o baka naroon pa siya sa hospital ??,
pagbaba ko ng bus, nag.abang ulit ako ng tricycle papunta sa bahay . napagod na ako kakalakad at gusto ko ng mahiga at matulog .
pagdating sa tapat ng bahay patay lahat ng ilaw . umasa pa man din ako khit onte na madadatnan ko siya sa bahay . pero wala, bkit paba ko naasa ? malungkot na napangiti nalang ako at gamit ang susi binuksan ko ang gate .
nagulat pako ng bigla bumukas ang pinto at nakatayo siya sa harapan nun kasabay ang pagbukas ng ilaw sa sala .
"Claide ?"-
"tsk ! bakit ngayon ka lng ?? akala ko ba maghahalf day ka at pupunta don ? hinintay ko text o tawag mo"- masungit niya na nmang saad, nagtuloy lng ako sa kusina at uminom ng tubig
"Hindi kase ako nakapag paload, kamusta lagay ni Je ??"-
"sagutin mo tinatanong ko, wag mo ibahin ang usapan"- napakunot noo ako at tiningnan siya ng masama
"pwede ba Claide ?? may importante ba sa tinatanong mo ??"-
"tsk ! kelangan bang maging importante para sagutin mo ???"- napailing lng ako, heto na nman siya, maliit at walang kwentang bagay pag sisimulan ng away namin
"nag over time kmi, dumating ang bagong president kaya maraming ginawa, nawala na sa isip ko ang magtext"-
ayokong sabihin na nagpunta kong hospital, na nakita ko sila, na siya ang blood donor at nagkausap kmi ni Rhea . dina nman mahalaga yon .
"tsk. kelan kpa natutong magsinungaling ??"-
"ano bang gusto mong marinig na sabihin ko ??"- singhal ko rin saknya, nakakainis, hindi ko na nga maintindihan tong nararamdaman ko ganyan pa siya, bat di nalang niya kaya ko iwan at sumama na siya kay Je para tapos na yung problema ko sa kanila,, pero hindi ko yun magawang sabihin sa kanya,,
"ewan ko sayo"-
"pssh"-
inis na tinalikuran ko siya at umakyat na kong kwarto . hindi ko na pinansin ang gutom ko at pinasya ko nalang matulog .
--
Maaga kong nagising para magluto, para kong mamamatay sa gutom . walang lunch at dinner tsk ! ayos na buhay to dagdagan pa ng nagsusungit na lalaki wala nakong masabi, minsan gusto ko nalang maiyak, bakit naman ganito yung takbo ng buhay ko,, bigla ko naalala yung pagtatalo namin kagabi
bkit kaya alam niyang nagsinungaling ako ? nakita niya kaya ako dun sa Hospital?, o baka nabanggit ni Rhea
ah bahala na nga. Naiinis parin ako sa kanya,
maaga ko aalis para hindi siya abutan .
5:30 ay bihis na ko, wala pa masyadong tricycle kaya naglakad nalang ako, maaga pa nman at exercise narin toh . malapit na ko sa labasan ng may bumisina sa may likuran ko . paglingon ko si Claide,
>__< bkit ba nagpapakita to ? e ayoko nga siya makita ngayon !
hindi ko lang siya pinansin, at nagpatuloy ako maglakad . sinabayan nman ako ng sasakyan niya .
"Kelly ano bang ginagawa mo ?? sumakay kana ihahatid na kita"- siya
"Wag kana mag-abala, . kaya ko bumiyahe mag.isa kaya pabayaan mo muna ko !"- inis kong singhal sa kanya, akala ko pagnaitulog ko na lahat lahat mawawala yong inis ko saknya pero parang tumindi pa ata .
"tsk ! Sorry na . wag kana magalit, nag.alala lang nman ako sayo kagabi . galing akong office nyo pero sabi naghalfday ka raw tpos iba nman ang sinabi mo kagabi"- natigilan ako paglakad at lumingon sa kanya .
bakit ang sarap niyang sakalin ???
bumaba nman siya at hinawakan ako sa dalawang kamay .
"sorry na asawa ko, kung nasungitan kita kagabi . bati na tayo please ? san kaba galing kagabi ??"- napakurap ako sa kanya, pinagsasabi nito ?? agad ko hinila yung kamay ko sa kanya, kelan pa naging bolero ang isang to? tapos
ngayon sosorry sorry tsk . pero nagsinungaling kase ko e, pinagtitinginan na kami sa paligid kaya sumuko nako makipagtalo sa kanya
"Pasensya narin, nagsinungaling ako . nagpunta tlga kong hospital, hindi na kita sinabihan dhil,, hindi ko pa alam kung pano haharap kay Je,, baka lalo lng hindi siya gumaling tsaka nagkita kmi ni Rhea at nagkausap"-
"dapat tinawagan mo man lng ako para hindi ako nag.alala sayo"-
"Wala nga kong pantawag !"- sigaw ko, napatingin tuloy yong ilang nadaan .agaw eksena na kami dito sa kalye,
"Okay, nagagalit kana naman. halika na ihahatid na kita"-
pinagbuksan niya ko ng pinto at pumasok nako sa loob, inestart niya agad ang engine .
"baka malate ka paghinatid mo pa ko ??"
"okay lang, dadaan parin nman akong hospital bago pumasok"- napatango lng ako sa sinabi niya at itinuon ang tingin sa labas .
"kelan labas ni Je ??"-
"baka bukas, wag ka mag alala okay na siya . pinapaghinga lng siya ng doctor dahil stressed din siya"-
"Mahal mo parin siya diba ?"- nagulat ata siya sa sinabi ko, tiningnan niya lng ako at hindi na umimik .
silence means Yes,
malamang naman . pero bakit ba ko nasasaktan ??
hindi ko lang din kase maintindihan, bakit hiniling niya pang maging maayos ang samahan nming mag asawa kung mahal niya pa si Je ?? dapat ang ginagawa niya ngayon ay kung paano nila maaayos yung relasyon nila,,
kahit anong gawin ko, ako parin ang malaking hadlang sa kanilang dalawa, anong laban ng papel na hawak ko kung hindi ko naman hawak ang puso niya?, eto na naman ang pagkirot ng puso ko, di magtatagal magkakaron nako ng sakit sa puso.
"Salamat sa paghatid"- akmang bababa na ko ng magsalita siya .
"simula ng ikasal tayo, tinanggap ko na sa sarili ko na hindi tlaga kami ang para sa isa't isa .
ikaw nalang ang dpat kong pahalagahan ngayon"- natulala lng ako sa sinabi niya at lalo lang ako naguluhan,
pero ang nasa isip ko ay napilitan prin siya, hindi lng ako umimik at tuluyan na kong bumaba ng sasakyan niya .
"hi goodmorning ! it's you again"- napaangat ang tingin ko dun sa nagsalita . nagulat ako ng makita si Mr. President na nag aabang din ng elevator .
"ah, goodmorning Mr. President"-
"sounds very formal"- saad niya ng nakangiti at bumukas na ang elevator kaya pumasok kmi sa loob . masyado ba kong maaga para wala man lng kming ibang kasabay ??
"just call me Chris, and you are ?!" inabot niya ang kamay niya kaya tinanggap ko nman .
"Kelly, Sir . Kelly Sanchez"-
"nice meeting you again Kelly"-
"same here sir"- matamis na ngumiti lng siya, ngumiti rin ako kahit medyo naiilang. masyado parang friendly si Mr. President tiyak matutuwa ang mga bruha .
"sige po Sir"- magalang na paalam ko saknya ng bumukas ito sa 5th floor . ngumiti lng siya at tumango .
narinig ko pa ang pagbanggit niya sa fullname ko, paglingon ko sumara na ang elevator .
baka guni guni ko lng ??
--