Part.9

2557 Words
** Nakapikit pa ang dalwang mata ko ng marinig kong may nakatok sa pinto . ayoko pang dumilat dahil antok na antok pa ko -,-  *Tok*Tok*Tok "Kelly gising knaba ??"-   boses ni Claide ! napadilat ang isang mata ko tingin sa orasan . 6:35 plang ah ??  "oy Kelly ??"- Tok*tok*tok  naman ! pupungas pungas na bumangon ako at binuksan ang pinto .  "oh ano yun ?? inaantok pako bakit ba ?"- "pupunta ngayong umaga si mama dito sa bahay"- aniya "oh tapos ??"- dumiretso nman siya sa loob ng kwarto ko at tumayo don sa harap ng aparador ko . bumalik nman agad ako ng higa sa kama ko at pinikit ulit ang mga mata ko . bahala nga siya dyan basta ako tutulog pa antok na antok pa talaga ko, rest day ko nman eh .  "ilipat natin lahat ng gamit mo sa kwarto ko, hindi nila alam na magkabukod tayo ng kwarto" "Mamaya na, patulugin mo muna ko"- nakapikit kong saad sakanya, naramdaman kong lumapit nman siya sa harapan ko  "ano ka ba ? gumising kana nga ! magluluto pa tayo at maglilinis"- pumihit ako patalikod sa kanya, bahala ka nga dyan .  "oy Kelly  !"- yugyog niya sa balikat ko, magsasawa karin kala mo . tutulugan lng kita . pero ako nagsawa sa kakayugyug niya "Kelly gising na kase !!"-  "ano ba kase ! inaantok pa nga ko eh"- bugnot kong sagot, . kitang natutog yong tao yugyug ng yugyug, sinamaan ko siya ng tingin "tsk ! pag dika bumangon diyan bubuhatin kita palabas . isa"-  pssh ! bakit ba ang aga aga mambulabog ng isang toh ? . hindi ko lang siya pinansin, wala ako sa mood makipagbiruan sa kanya at mabigat ang katawan ko bumangon, "dalawa"-  "Hindi ako nakikipagbiruan Claide, pwedeba-" "tatlo"- (*__*) nagitla ako ng binuhat nga ako ng loko , yong pang bride na buhat . nagpupumiglas ako "Hoy ano ba ???? nakakainis ka nman Claide oh ! ibaba mo nga ko"-  "ano babangon kana ba o bubuhatin kita palabas ?"- hinampas ko siya sa dibdib at tumawa lng siya  "Ibaba mo nga ko, para kang baliw! !"- ibinalik niya ulit ako sa kama kaya umupo nalang ako at nagkakamot ng ulo, kinabahan ako dun sa ginawa niya -___-  "oh ano na Kelly ??"- ngingiti ngiti niyang saad kaya sinamaan ko lng siya ng tingin . "Ano ba kase ??? rest day ko ngayon e panggulo ka dyan ! bakit pa kelangan ilipat ng gamit ko don sa kwarto mo"-  "darating nga si mama kulit nito tsk"- naupo pa siya sa kama ko at dumiretso higa . kapal lang talaga "pssh nman eh ! hindi nman ata magtatagal dito yung mama mo e !"- "dito daw siya mag.oovernight dahil nasa out of town si papa"- (*__*)  "ano ?? e san yon matutulog ??"- biglang saad ko,  "tsk ! alangang sa tabi ko"- tiningnan ko lng siya, may isa pang kwarto pero hindi pa yon ayos .  "itabi mo nalang si mama mo, close nman kayo diba ? mama's boy ka nman "- sinamaan niya ko ng tingin pero nagpigil lang ako ng tawa alam ko mapipikon na yan "Ewan ko sayo ! nagsisimula kna nman dyan !"-  "Oh bakit ."- "wag ka tumawa !"- irita niyang saad, nag.iinarte na nman ang sang toh kaya mas lalo pakong natawa .  "hahaha !" "sabing wag ka tumawa eh !"- seryosong saad niya, sarap asarin nito e . ngumiti lng ako  "pikon kalang e"- "wag ka ngumiti tsk !!"- hinampas ko nga siya sa braso . "ahray hah ! isusumbong tlaga kita kay mama !"- "ang arte mo ! umalis kna nga dyan ! bawal higaan ng lalaki ang kama ko !"- pero pinikit niya lng ang mata niya, pang asar tlga .  "hoy Claido !!"- "tsk ! bakit ba ?? e sa asawa mo nman ako ah kaya hihiga ako dito kung kelan ko gusto"- nakapikit niyang sagot, gusto ko sanang hampasin ng unan ang muka  "pssh ! bumangon kna nga dyan ! matpos mo kong bulabugin ng tulog tpos ikaw nman dyan ang tutulog ? nu ka sinuswerte ?? hooooy !!!- ako nman ang yumugyog sa braso niya, parang ewan ba nman ang isang toh . "hoooy Claido !!!"- "ano ba Kelly ang kulit mo !"- sabay hila niya sa braso ko kaya nasubsob ako sa dibdib niya . akmang babangon ako ng pigilan niya at nakayapos ang isang arm niya sa likod ko . "hooy Claide ano ba !!"- kinakabahang saad ko, hindi kase ko sanay at naiilang ako sa posisyon nmin, nalalanghap ko ang mabango niyang amoy at ramdam ko nman ang muka niya sa may uluhan ko .  "diba inaantok kpa ? matulog kana ulit dito nga lng sa dibdib ko"-  "ayoko nga ! ahh"napaimpit ako ng maipit ang isang braso ko, ayaw ba nman ako bitawan ng sang to .  "umayos ka kase ! wag ka magulo . 5mins."- sabi niya at inayos niya ang posisyon ko . nakahiga ako sa tabi niya na nakaunan sa dibdib niya habang nakayapos ang dalawang braso niya sakin .  natameme lng ako . okay 5mins. pansamantala naririnig ko pa ang heart beat niya na prang kaseng lkas ng heart beat ko . bakit ka ganito Claide,  "Kelly"- "Oh ?"- napaangat ang tingin ko sakanya, pero hinagkan niya lang ako sa noo , nag.init tuloy ang buong muka ko na parang sasabog .  pinagmasdan ko ang pagtaas baba ng dibdib niya, mukang nakatulog nman siya khit ganto ang ayos nmin . nkayakap parin ang dalwang braso niya sakin at komportable nman ako .  bago ako hinila ng antok, hindi ko alam pero hinihiling ng isip ko na sana ganto nalang kmi lage . -- *krookoo*kroookoo*kroookooo (O_O) nadampot ko yong alarm clock na nasa tabi ng tenga ko na nag.uumingay . àlas otso na ?? agad ko yong pinatay bago pako mabingi .  wala na yong katabi ko at unan nalang . siya siguro naglagay nitong alarm clock sa tabi ko . bumangon na ko para maligo, bigla ko naalala na darating pla si Mama, hala nung oras ba yon ??  "Claide !! hoy Claide !!!"- kinatok ko sa kwarto niya pero walang sumagot . "oy bakit ???"- napadungaw ako sa baba ng hagdan at naron siya sa baba nakatingala sakin  "a-anong oras darating si mama ? bakit  hindi mo ko ginising ??"-  "ilang ulit kaya  kitang ginising . napakatulog mantika mo tulo laway pa. nasa byahe naraw siya"-  "hah ?? agad agad ?? pssh"- bumalik agad akong kwarto at pumasok ng banyo dala ang robe at towel ko . nakakahiya kay mama pag nadatnan niyang marumi ang bahay, asahan mo ang lalaking yon e wlang alam sa paglilinis tsk !  ayaw pang kumuha ng katulong, kaarte arte, bahala nga siya dyan !  dali dali akong naligo napansin ko na wala yong shampoo ko sa lagayan, asan na yon ?? naman kung kelan nagmamadali !!! kumuha nalang ulit ako ng stock sa kabinet . nakakapagtaka kung san napunta yong shampoo ko, bagong bukas ko lng yon ah ??  lalo akong nagtaka ng pagtingin ko sa lagayan ng toothbrush ko ay wala narin maging ang toothpaste !! hala nmang buhay to oh !! nasan na nagpunta ang mga yon ????  agad ako lumabas ng c.r na nakarobe at yong towel sa basa kong buhok . natulala ako ng pagbukas ko ng kabinet ay wala ring laman ! yong mga damit ko !!!!  *Tok*tok*tok "Kelly andyan kaba ???"- si Claide ! dali ko binuksan ang pinto, nagulat pa siya pagbukas ko  "yong mga damit ko nawawala !!! pati toothbrush at toothpaste !! nasan na  ??"- "uy relax ! hindi yon nawala ! nailipat ko na don sa kwarto kanina dang tagal mo kase gumising kaya ako na naglipat . "- "anoo ?? bakit mo pinaglilipat ?"- nanlalaki ang mata kong sigaw sa kanya "Diba sinasabi ko naman sayo na parating si mama,nandon na lahat  sa kwarto ko, dun kana magbihis d"- hinila niya pako papunta sa kwarto niya at dun pinapasok saka niya isinara ang pinto .  napalibot ang tingin ko sa kabuuan ng kwarto niya, anlaki pala ng kwarto ng lalaking yon ? wala sa kalahati ng kwarto ko sa kabila . yong kama niya pang apatan na tao ata ang kasya . hindi ko toh napansin nung last time na pumasok ako dito, paano sa labahan niya ko nalula .  lumakad ako papunta sa malaking kabinet niya na dalawang pinto ata sa laki . san niya dito nilagay ang mga damit ko ?? hala yong mga undies ko at bra san niya kaya nilagay ?? kainis nman oh lalo ako nataranta e!! nakita niya mga yon ???  dali dali kong binuksan at sa right side nakita ko nman lhat ng naka hanger kong damit, ang ayos ah ?? sa babang drawer nman nun naron ang mga pants at shorts ko . binuksan ko pa ang iba pang drawer,  ayon ! andito lng pala, nakabilog parin sila at ang mga bra ko nakahile-hilera pa talaga -,- siya pa nag.ayos nito ?? diko alam kung maiinis ako o matatawa "oy kelly tpos kna ba ??"- napalingon ako sa may pinto, hindi pa naalis don ag isang yon ?? "hindi pa ! dyan kalang at wag kang papasok"- sigaw ko  "sungit nito !! dalian mo dahil maliligo narin ako !!"-  dumampot na agad ako ng masusuot at pumasok sa c.r niya para dun magbihis, mamaya biglang pumasok pa ang isang yon .  "ahah ! ang toothbrush ko !!"- nakita ko sa lagayan niya ang toothbrush ko, na may isa pang toothbrush . siguro kanya yon ? nilipat niya nga talaga lhat ng gamit ko, nu ibig sabihin nun ? dito narin ako matutulog sa tabi niya ??  nagtoothbrush ako sandali, at paglabas ko nadatnan ko siya na nakaabang at may bitbit na towel   "antagal mo nman, akala ko nilamon kna ng c.r"-  "pssh . dito na ba ko magkukwarto ? lahat ng gamit ko ay nilipat mo na e"- pumihit nman siya paharap . "ou bkit ayaw mo ?? wag kna magkwarto don dhil gagamitin ni mama"-  "hala ?? ilang araw ba dito si mama ?"- takang tanong ko, pano nman kase bkit nman biglaan ?? at kmi sa iisang kwarto ??  "hindi ko alam,bkit ayaw mo ba dito ?"- "pssh ! pano nman ang privacy ko kung ksama kita sa iisang kwarto !"-  "aba ! privacy ka dyan ? hindi uso privacy sa mag asawa !"- parang ewan niyang sabi, inirapan ko lng siya, kailan niya pa nalaman yun? "Pinagsasabi mo? ! pagkaalis ni mama babalik ako sa kwarto ko !"- sabay talikod ko . pumasok na siya sa loob ng C.r at pabalabag na isinara ang pinto . Mas lalo atang lumala ang lagay ngayon,  Mag-asawa,  Kailan niya pa tinanggap na asawa ako,  - Ilang sandali pa dumating narin si Mama Rica at sinalubong ko agad siya sa may labas ng gate .  "Kelly !"- "Mama"- humalik ako sakanya sa pisngi at ganun din siya, sandali niya rin akong niyakap "kamusta kayo dito hah ? kmusta kayo ni Claide ??"- "okay lng nman po, tara po sa loob katatapos lng nmin maglinis hehe"- napangiti nman si Mama at kinuha ko ang dalang paper bag niya .  "Mama !"-  "oy anak !"- sila nmang mag ina ang nagyakap . dumiretso ako sa kusina para maghanda ng juice . naron sila sa sala at nagkukwentuhan, inilapag ko na ang dala kong pitsel at sandwich "ako na kukuha ng baso"- saad niya kaya tumango lng ako, napangiti nman si Mama Rica at naupo ako sa tabi niya . "sabi ko na e, magkakasundo rin kayo ni Claide "- "ah opo mama, nagkakasundo nman po kmi sa mga bagay bagay hehe" "magandang simulain yan ng pagsasama nyo hija, basta't unawain nyo lng lagi ang isa't isa . may tiwala nman ako sainyo"-  pagkalapag niya ng tatlong baso ay sinalinan ko nman iyon ng juice, naupo nman siya katapat nmin . "Juice muna kayo ma, kmusta po byahe nyo ?"-  "mabilis lng at hindi mahirap tuntunin itong bahay nyo, wala kase kong magawa sa bahay kaya naisipan kong dalawin kayo dito"-  "siya nga pala bakit wala pa kayong nakukuhang katulong ? malaki ang bahay nyo at hindi nyo makakaya linisan to"- maya maya'y saad ni mama kaya napatango lng ako at tiningnan si Claide . siya nman kase may ayaw e, naatake pag ka kuripot "ou nga po eh, kaso ayaw nman po ni Claide . tuwing restday lng tuloy namin nalilinisan itong bahay"- say ko "huh ? nagtatrabaho kapa rin hija ??"- takang tanong ni mama, hindi pla nila alam na tpos ng kasal ay bumalik agad ako sa trabaho . "ah o-opo"- "sinabi ko na saknya mama na wag  na siyang magtrabaho, pero mapilit e"-  "edi parehas na kayong bc nyan ??"- si mama ulit na palipat lipat ang tingin samin,  "ahehe, medyo lng po"-  "naku ! nagkakatime paba kayo sa isa't isa ?? yayaman kayo niyan ?? at hija, hayaan mong magsumikap ang asawa mo, obligasyon nya yan . "- nginitian ko lng si mama sabay tango . ayaw ko iwan ang trabaho ko, kaya khit ano sabihin nila diko iiwan yon  "hayaan muna mama, may usapan na naman kmi ni Kelly"- takang napatingin nman ako saknya, anong usapan  "ang alin ? ano ba usapan nyo ?"- "pag magkaka baby na kmi hindi na siya magtatrabaho"- napamaang ako sa sinabi niya, napag usapan ba nmin yon ?? malamang nag iimbento na naman ang isang toh,, napangiti nman itong si Mama "Ou tama lng yon ! kaya dpat magka baby na kayo para magka apo narin kmi"- napainom lng ako ng juice, si mama e tuwang tuwa . ano ba nman yon ?? wala pa sa isip at plano ko yun, tsaka malabo yun =__= wala silang pinagkaiba ni mama na gusto narin magkaapo . tong lalaki nman na toh nangiti ngiti lng .  maya maya pa ay nagluto kmi ni mama para sa tanghalian, dto nga siya matutulog pero buti at isang gabi lng nman . makakabalik agad ako sa kwarto ko .  "nabalitaan ko ang nangyari sa Ex ni Claide, ano buhay paba yon ??"- saad ni mama habang naghihiwa ng sibuyas .  "ligtas na po siya, mabuti at nasalinan agad siya ng dugo"- "abay nababaliw na siya ! kung gusto niya magpakamatay dpat siguraduhin niyang hindi na siya mabubuhay"- pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko, hindi rin nman nmin siya masisisi dahil depressed siya, malaki lng tlga ang galit nitong si mama kay Je, pero sana nman makalimutan na nila yon  "sa tingin mo nagkikita pa sila ng asawa mo ??"- muling tanong niya, hindi lng ako nakaimik at nagkibit balikat lng, kahit magkita sila wala naman akong magagawa, hindi ko hawak ang isip at puso ni Claide "hindi ko po alam mama, pero may tiwala nman po ako kay Claide"- sabi ko nalang,  "naku ! don sa babaeng yon ako walang tiwala dhil gagawa at gagawa yon ng paraan . at once na ako makahuli sa knila, humanda sila sa akin"-  "okay na po yan ? gigisa ko na po"- iniabot niya nman sakin ang nahiwang sibuyas .  "wala bang nababanggit sayo si Claide kung anong lagay nila ng babaeng yon ??"- pabulong na saad sakin ni mama "wala nman po ?"- "sa tingin ko nman ay tinigilan na siya ng anak ko simula nung makasal kayo, dhil si Claide mismo nakahuli sa knya na may lalaki siya, malandi tlga . kaya una palang ayoko na tlga sakanya"- giit pa niya, tumango tango lng ako . wala nmang nababanggit na khit ano si Claide tungkol saknila ni Je .  hindi ko alam kung nagkikita parin ba sila o hindi na . pero malabo namang hindi na sila magkita nun ? nitong naospital nga lng si Je halos hindi na niya alam ang gagawin niya at hindi ko yun mapipigilan.  ayoko nmang isipin ni Claide na masyado akong nakikialam sa relasyong meron sila ni Je, ou mag asawa kmi . pero sa papel lng . hindi nmin pag mamay.ari ang isa't isa .  "Luto na, kakain na po tayo"- tinawag ko na sila para sabay sabay na kming makakaen, panigurado maghapon lng kming magkukwentuhan ni mama . manunuod ng tv at kumaen .  --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD