**
Kasalakuyan kong pinapalitan ang bedsheet ng kama ng biglang nanakit ang tyan ko na parang tinutusok . hindi nman ako najejebs ??
o baka dadatnan na ko ??
tinapos ko na agad ang pagpalit at sandali akong naupo, ang sakit parin .
bigla nman bumukas ang pinto at pumasok si Claide .
"Tapos na magluto si mama, kakaen- o bkit napano ka ??"- agad siya napalapit sakin at nagtatakang tiningnan ako,
"ah wala . sumakit lng tyan ko"-
"hah ?? bakit sumasakit ?? ano ba kinain mo ??"- alalang saad niya at nakatingin pa sa tyan ko, tumayo na ko
"gutom lng siguro . tara na bumaba"-
"teka, patingin nga"- kinuha niya yong kaliwang kamay ko, anong titingnan nito ??
"hah ? bakit ???"-
"tsk !"- tiningnan niya yong daliri ko tpos mukang badtrip na siya .
"bakit ?"
"bat hindi mo suot ang wedding ring natin ??"- inis niyang saad at binitawan na yong kamay ko . natigilan nman ako, habang nakatingin sa daliri ko, bakit kailangan pa suotin nasa bahay lang naman tpos naiinis na siya don?
"nakalimutan kong isuot"-
"ayaw mo lng suotin !"- giit niya at tinalikuran na ko
"Nakalimutan ko nga !"- giit ko rin, nawala din agad ang pananakit ng tiyan ko at bumaba na kmi pra kumaen .
ang sarap tlga ng luto ni mama na kaldereta, magana kming kumaen bukod don sa isa na tahimik at seryosong nakaen . badtrip parin siya dahil don ?? parang singsing lang? tsaka
hindi ako sanay gawa ng pagliligo o maghuhugas ng plato at maglalaba ay tinatanggal ko, ayon kalimitan nakakalimutan ko kung san naiiwan . sayang nman kung mawala kaya tinago ko nalang sa jewelry box ko . at malay ko ba na big deal sa kanya yon ?? diba wala nman siyang pakialam don ??
ang gulo rin ng isang yon e .
tinulungan ko lng magligpit si mama matapos nming kumaen,pagktapos ay sandali kming nanuod at konteng kwentuhan . maya maya ay nagpaalam na siyang matutulog kaya hinatid ko na siya sa kwarto ko dati .
"wow mukang nilinis mo talaga ang kwartong ito ah"- nangingiting sabi niya habang tinitingnan ang loob .
"ou nman ma, okey na po ba kayo dito ?? pag may kailangan po kayo katukin nyo lng po kmi sa kabilang kwarto"-
"ocge hija salamat . okay na ko dito magpahinga kna at maaga pa ang pasok nyo bukas"- tumango lng ako at ngumiti saknya .
"cge po ma, goodnight po"-
"goodnight din hija"- hinagkan ko siya sa pisngi at lumabas na kong kwarto .
pumunta na ko sa kwarto ni Claide pero wala siya don, asan nman kaya yon nagsumuot ?? knina pa hindi namamansin parang ewan . naglinis muna ko ng katawan bago matulog . makakatabi ko ulit ang isang yon at magdamag pa, ipinilig ko nalang ang ulo ko, kung ano ano na naman ang natakbo sa isip ko pansamantala lang naman toh hanggat nandito ang mama niya
parang bago parin sa senses ko ang salitang MAG-ASAWA ,
natapos na ko lahat lahat pero wala prin siya, san niya kaya nilagay ang jewelry box ko ?? lumapit ako dun sa malaking salamin na may kung ano anong abubot . lotion, suklay, cream, pabango at kung ano-ano pa . pagtingin ko naron nakahilera ang polbo at lip balm ko maging ang pabango at yong jewelry box . kinuha ko don ang wedding ring nmin at isinuot ko sa daliri ko, pero binalik ko din agad sa lagayan.
bumaba sandali ako para uminom ng tubig at nadatnan ko siya sa kusina na nainom ng beer .
"nainom ka ? may pasok kpa bukas ah ??"- parang wala nman siyang narinig at di ako pinansin .
"meron paba niyan ?? penge nman ! pampaantok lng"- hindi parin siya namamansin at lumagok lng ng beer, nagsusungit na naman siya .
"ang sungit nman nito, kukuha ako isa ah, wow ang dami pala dito"- dumampot ako ng isa sa ref at nakangiting humarap sa kanya, hindi nman talaga ko nag iinom gusto ko lng asarin siya .
bubuksan ko na ng lumapit siya sakin at akmang aagawin sakin yong beer kaya iniiwas ko
"oh bakit ??!"-
"ibalik mo yan"-
"ayoko nga !"-
"ibalik mo sabe hindi ka pwede mag inom !"- pilit niyang inaagaw pero hindi ko binibigay .
"bat ba ang damot mo ?? parang isa lng ?? marami pa sa ref oh !"-
"tsk ! amina ! isa !"- inis niyang saad at nakuha na niya sa kamay ko, mukhang badtrip talaga siya kaya sumuko nako
"ayan na !"-
ibinalik niya yong beer sa ref at agad isinara, inis na humarap na nman siya sakin inirapan ko lng . kumilos nman siya papunta sa lababo at kumuha ng isang baso . tiningnan ko lng ginagawa nya, anong tinitimpla niya ??
"Kung gusto mo agad makatulog, heto inumin mo"- ibinigay niya sakin yong gatas, napakurap lng ako, humila siya ng upuan sa tabi nung kanya at dun ako pinaupo .
"ayan sabayan mo ko uminom"-
"pssh !" ginagawa akong bata ng isang toh, isip isip ko
"inumin mo na yan para mahimbing ang tulog mo . alam ko nman na hindi ka umiinom ng alak e, nang aasar ka lng"-
obvious pala na inaasar ko lang siya ?? napatingin lng ako sakanya at siya nman dumako ang tingin sa kaliwang kamay ko, agad ko yun ibinaba para itago baka pansinin niya na naman yung singsing
lumagok lang ulit siya ng beer .
simula nung mangyari ang gabi na yun samin ni Claide sinumpa ko na ang alak, ito yung sumira sa lahat, sumira sa pangarap ko at sa kanya.
"oh gabi na bakit gising pa kayo ??"- sabay kming napalingon ng biglang dating ni mama .
"nagpapaantok lang ma"-siya
"ano ba yang iniinom nyo ??, beer ?? wag mong sabihing pinainom mo rin si Kelly ??"-
"ah naku ma hindi po !"- agad kong sagot, tumayo nman siya at iniligpit yong bote niya .
"gatas ang pinapainom ko sa kanya ma, gusto mo rin ba ??"- napangiti nman si mama at nagsalin ng tubig
"ang sweet tlga ng anak ko, iinom lng ako ng tubig . masaya ako na inaalagaan mong mabuti si Kelly"-
para nmang nag.init ang dalwang pisngi ko at hindi ako makatingin sa kanya . ayaw niya lng ako painumin ng beer kaya nagtimpla siya ng gatas maging sa kape ayaw din . di niya alam sa office coffeeholic ako,
"inaalagaan ko tlagang mabuti ang asawa ko ma "- sabay kindat niya pa, lalong napangiti lng si mama na nakatingin sakin naiilang na nangiti nalang din tuloy ako, pinapakita niya lang sa mama niya na okay kami para hindi mag-alala ito,
"ah hehe . opo sobra nga po yan tlga mag.alaga"- labas sa ilong kong sagot, todo ngiti nman siya . kanina lng dang inis tapos ngayon kung makangisi sa ina parang wala ng bukas
"haha . nakakatuwa nman kayo, o sha aakyat na ko . wag kayo masyado magpuyat"- tumango lng kmi at umalis na si mama . napangisi siya sakin kaya inirapan ko .
eksena ng lalaking toh . alagain ko muka niya e
"inaalagaan ko tlgang mabuti ang asawa ko, kaya nga ayaw ko siyang iinom ng kape at beer"- mahinang bulong niya sa tenga ko, nagsitaasan tuloy ang balahibo ko sa batok, kulang nalang ay batukan ko talaga siya
"pssh ! lumayo ka nga ! ang epal mo tlga sa harap ni mama noh, pag di iinom ng kape at beer alaga na ??"-
"anong epal ?? nagsasabi lng ako ng totoo ah"-
"sa dami ng mga sinabi mo alin kaya don ang totoo ??"- singhal ko sa kanya sabay tayo ko, bat kase kelangan niya pa magpanggap sa harap ng mama niya
"ang sungit mo na naman, naki-ayon karin nman ah ? yong gatas mo malamig na"- kinuha ko yon at agad ininom saka inilagay sa lababo at hinugasan , kaso parang isusuka lang ulit ng tiyan ko, bat parang ang pangit ng lasa ng gatas ngayon?
"wag muna hugasan yan , ako na nyan bukas"- diko lng siya pinansin at tinuloy na yong ginagawa ko .
akala ko umalis na siya pero tahimik lng pala siyang nakasandal sa pader at nakatingin sakin .
"oh ano tinitingin tingin mo ?"- inis kong saad sakanya, nakakaalarma talaga ang presensya niya
"Bat ba ang sungit mo ?? may masama ba kong nasabi ??"-
"pssh . hindi ako nagsusungit ! dyan kna"- nilagpasan ko lng siya ng hilahin niya yong braso ko .
"Ano ba sandali nga, ano ba kase yun ??"-
"Magpapahinga nako, bitaw"-
"tsk. "-
hindi na siya umimik pa, nauna nako umakyat ng hagdan papasok ng kwarto, naramdaman ko naman ang pagsunod niya,
"Nakakabaliw", narinig ko pang saad niya ng makapasok ng kwarto, sinulyapan ko lang siya
"Muka kana talagang baliw "- bulong ko
"ou ! dahil sayo nababaliw ako tsk !"- tpos inunahan na niya ko mahiga sa kama . tiningnan ko lang siya, dipa naman ako inaantok kaya nanuod muna ko
10 plang kaya binuksan ko muna ang t.v at nanuod, may sofa set naman kase sa kwarto niya maliit nga lng, siya nman naron na sa kama,
"Oy bat di kapa natutulog? !"- aniya sa harapan ko,
"Gusto ko pa manuod "-
"tsk ! bahala ka nga, wag mo ko sisihin kung malate ka bukas"-
"Fine"- di na siya umimik pa at dumiretso na siya sa kama
tinapos ko lng ang isang palabas saka ko pinatay, naaantok narin ako eh . pero biglang hilab na nman ng tyan ko . ano ba toh ? nabalik ba ulcer ko ??
marahang lumapit ako sa kama at nahiga, pagsulyap ko sakanya tulog na nga . pumihit ako patalikod sakanya, hindi ako sanay ng walang tandayan lalo at nahilab ang tiyan ko .
bumangon ako at kinuha ang nasa uluhan kong unan at yun ang ginawang tandayan . hindi nman ako mapakali, hindi ako sanay !!
pinikit ko ulit ang mata ko at sumubsob sa unan, naaantok na yong mata ko pero ang diwa ko hyper pa , ano bayan !! gatas naman ininom ko at hindi kape!!, o baka kase may ungas akong katabi kaya naaalarma itong diwa ko
"ang likot mo nman"- npatingin ako sa kanya, nagising ko ata siya
"Sorry, nagising ba kita??"-
"ang likot mo kaya ??"-
" hindi ako makatulog e"- tiningnan niya lng ako, tapos umusog siya palapit sakin at hinila ako sa bisig niya , kaso pinigilan ko bigla ako natense sa kanya eh.
"Hoy, ano ginagawa mo?"
"Papatulugin ka"-
"huh ??"-
"tsk."- napasunod lng ako ng hinila niya ko palapit sakanya, nakaunan ako sa braso niya at nakayapos nman ang isang braso niya sakin,
"matulog kana hah, wag ka malikot "- aniya . pinikit ko lng ang mata ko, pero ramdam ko parin yung paghilab ng tyan ko kaya inabot ko ang unan para iipit sa tyan ko .
"o bkit ??"-
"nahilab kase yong tyan ko kaya iipitin ko ng unan"- napabangon nman siya kaya bumangon rin ako .
"bakit nasakit ?? ano na nman ba kinaen mo ??"
"ewan ko ! baka dahil sa gatas na pinainom mo, inaacid ako!"-
"tsk . Acid? sobrang sakit ba??"- pagtingin ko sakanya, muka siyang nag.aalala, sapakin ko toh eh OA
"hindi nman, mawawala din toh matulog kna nga, daldal e"-
"ano ba gamot dyan ??"-
"wala . matulog na tayo"-
"sigurado ka hah ? o gusto mo puntahan ko si mama ??"- akmang aalis siya ng pigilan ko
"wag na nu kaba ?? wag kang OA nagpapahinga na si mama . okey lng ako !"-
"tsk ! ang pasaway mo rin e, ocge na nga ! matulog na tayo"- humiga na ulit siya kaya nahiga narin ako .
ganun ulit ang posisyon nmin, nakaunan ako sa braso niya di kaya mangalay siya ?? tsaka bakit ganito nagugustuhan ko ang ginagawa niya, . pinikit ko nalang ang mata ko at hindi na ininda ang tiyan ko hinila narin kase ako ng antok .
Kinabukasan si mama ang nadatnan nming nagluluto sa kusina, sasabay narin daw kase siya samin paalis . Kaya bago ako hinatid ni Claide, ay hinatid muna nmin sa sakayan si Mama .
"oh mag.iingat kayo hah ? Claide drive saftely"-
"Yes ma,"-
"Kelly hija ikaw din, sa susunod na ulit ako dadalaw senyo"- ngumiti lng ako sabay tango .
"cge po ma, mag.iingat din po kayo"- humalik ako kay mama at ganun din si Claide, hinantay muna nmin siyang makasakay bago kmi umalis .
"Claide, kamusta na si Je ??"- biglang tanong ko sa kanya habang nasa byahe kmi, ilang araw narin simula nung naospital siya at wala ng nasasabi si claide tungkol kay je .O baka ayaw niya lang pag usapan
"okay na siya . nagpapahinga para mawala ang stressed niya"- napatango lng ako . gusto ko sanang itanong yong lagay nila .
"kayo ni Rhea kmusta ?"-
"nagkaayos na kmi, hindi ko nman siya masisisi kung bakit siya naging ganun sila sakin"-
"mabuti nman, tatawagan kita mamaya bago kita sunduin"- muling tumango lng ako .
"okay ka lng ba ??"-
napatingin ako sakanya
"ou nman ??"-
"yong tyan mo nasakit pa ? magpacheck up kna kaya ??"-
"wala nman akong sakit . minsan talaga nahilab tyan ko sa Acid"
"takot ka lng ata magpadoctor"-
"hindi ah ! sino kayang takot magpahospital noon ? takot magpaturok ??"- naalala ko noon ng magkasakit siya at naconfine sa hospital, nag.iiyak siya ng kunan ng dugo at turukan ng gamot .
sumama ko nun kay mama dahil wala kong magawa at nadatnan ko siyang ganun . gusto ko tuloy matawa at inisip kong bakla siya noon .
"tsk ! hindi ah ! pakulo mo"-
"ayaw mo lng aminin yong totoo"-
"ano namang aaminin ko ? inaasar mo lng ako"- inungusan ko lng siya, dahil talaga namang naaasar na siya eh
"asar ka nman . pikon ka kase lage"
"tsk ! ewan ko nga sayo"- aniya
"Puro ka Ewan"-
nasanay narin ako sa paganyan ganyan niya, na sa bawat pag.uusap nmin ay may asaran at pikunan . pero nakakatuwa isipin na naayos nman ang samahan nmin, wala kong ideya kung san pa hahantong to, at kung ano pang mangyayari .
ang mahalaga ay yung mga sandali na magkasundo kmi .
-