**
"Nice, Kelly Rose Sanchez, 20years old Live at Santa Catalina City Homes *** citizenship Filipino, civil status SINGLE"-
"amina nga yan"- inagaw ko sa kanya ang hawak niyang ilang papers ko . bakit niya ba toh binabasa ??
"Single huh ??"- ulit niya
"bat mo ba toh pinapakialaman ? tsaka hindi ko pa kase napapalitan ang info ko sa office"- sabi ko habang inaayos yon sa folder . nabasa niya tuloy na single pa status ko .
"tsk . ang tagal na hindi mo parin pinapalitan ?? ni status mo nga sa f*******: hindi mo rin pinapalitan"- naiinis niya na nmang saad . tagal ko na ngang hindi nagbubukas nun tsaka kailangan paba magpalit
"parang yon lng ? bat ang big deal naman nun sayo ? noon wala lng nman sayo ah"-
"alam mo naman siguro ang pinagkaiba ng Noon sa Ngayon ?? tsk ano kaba nman Kelly !"- irita niyang sagot at nag.iwas ng tingin .
"Simpleng bagay na naman kase sisimulan mo na naman ng issue"- sabi ko, naiinis narin ako sa inaasta niya eh,
"huh ! baka isang araw hindi nako magtataka kung may matatangka ng manligaw sayo, kung hindi ko pa nga sasabihin ang tungkol sa singsing mo hindi mo parin isusuot . maging pagdala sa apelyido ko wala lng sayo ! bahala ka nga sa buhay mo !"- sabay walk out niya,
problema na naman nun ??? pabalabag niya na nmang isinara ang pinto ng c.r niya napapikit lang ako,
E sa hindi ko pa maasikaso, mahirap ngayon mag update ng status lalo na sa mga legal docs ko, at kung sa office naman hays,
paglabas niya ay binalibag niya na nman ang pinto .
"ano bang problema mo hah ?? pati pinto parang gusto mo ng sirain ??"-
"tsk ! wag mo kong kausapin !"- sagot niya, sinamaan ko lang siya ng tingin
"sino bang may gustong kausapin ka ?? magulong utak, isip bata !!!"- singhal ko sa kanya at binitbit ko na ang laptop ko at ilang folder .
marami pa nman sana akong tatapusin ngayon, at dahil wala kong time maglipat ng gamit ko nakikikwarto prin ako sa kanya ! pero ngayong muka siyang halimaw makalipat nalang sa kwarto ko !
"ge bahala ka !!"- pahabol niya pang sigaw, binalibag ko rin ang pinto niya . akala mo ikaw lang marunong magbalibag ng pinto
Isip bata !! kainis . hindi ko talaga siya kakausaping ungas siya .
pumasok akong kwarto at inilapag sa kama ang dala ko, binuksan ko ang switch ng ilaw pero ayaw sumindi . ano ba nman yan !! ngayon pa napundi ???
at dahil takot ako sa dilim madali akong lumabas ng kwarto at nagpuntang sala . don nalang ako kesa sa kwarto na may halimaw at kwartong madilim . pssh
napaka mo talagang Claido ka !!!! naluluha na ko sa sobrang inis ko sa kanya,
habang nagtatype ako sa laptop hindi parin mawala ang inis ko sa kanya . bigla nalang siyang aakto na parang engot, ungas tlga . dito nalang ako matutulog sa sala =.=
alas dose na ng matapos ako, kinuha ko narin sa taas ang kumot at unan ko . maaga kong gigising bukas at hindi ako magpapahatid sakanya .
maya-maya ay bumaba siyang hagdan, gising pa pala ang halimaw na toh ??
"bat nandito ka ? at bat hindi kapa natutulog anong oras na ah ??"- diko lng siya pinansin at tinuon ko lng ang tingin sa monitor ng laptop ko .
"oy kelly ??"-
bahala ka dyan ! wag mo ko kakausapin .
"bakit may unan at kumot ka dyan ? dyan mo balak matulog ??"-
obvious ba ? pssh !
"Kelly sumagot ka !"- medyo inis niyang saad, pero diko parin siya tinitingnan
"wag mo nga ko kausapin ! humanap ka ng kausap mo ! tsaka wala kang pakialam kung dito ko gusto matulog !!"-
"tsk ! tama na nga, napaka isip bata mo ??"- lumapit siya sa tabi ko at naupo .
"Coming from you hah? ikaw nagsimula dyan, bat mo ba ko kinakausap? alis nga nakakaasar yang pagmumuka mo !"
"ano ba yan ?? tama na nga sabi eh grabe kana ah, nagagalit ako kanina dahil kasalanan mo, "-
"Wow ako pa talaga? inano ba kita ?? inaano kaba ng mga Docs ko? "- diko mapigilang singhal saknya .
"tsk ! kasal na tayo kaya malamang ang info mo ay maayos ! sino bang asawa ang matutuwa niyan ?? Ms. Sanchez ??"-
"pssh, baka nakakalimutan mo na kasal lang tayo sa papel Claide !"- diko napigilang saad sa kanya, naikuyom niya naman ang kamao niya sabay iwas ng tingin
"yeah, onga pala," bahagya pa siyang natawa,,
"Pero akala ko ito na yung simula ng maayos nating samahan, nag-assume lang pala ako, ako lang pala ang may gusto na maayos tayo", sabay tayo niya at walk out, napakurap naman ako, mali yung nasabi ko sa kanya, nadala lang naman ako ng inis eh,
Napabuntong hininga ako at iniligpit na ang laptop ko, anong gagawin ko? tiyak masama ang loob niya. Marahan akong umakyat sa kwarto niya at sinilip siya, nakadapa na siya sa kama at natutulog, napako lang ako sa kinatatayuan ko, nagulat pako ng bigla siya bumangon,
"Dito kana matulog, ako nalang dun sa sofa", mahinang saad niya at tumayo na, bigla ko naman pinigilan yung braso niya,
"Claide, Sorry,, Sorry sa mga nasabi ko",, nakayuko kong saad sa kanya, hindi lang siya umimik, naangat ko tuloy ang tingin sa kanya, bakas sa mukha niya ang lungkot, ngayon ko lang nakita na ganito ang mukha niya nagpapaawa ba siya,,
"I'm sorry din kung napaka immature ko mag-isip,,"
HIndi ako nakaimik sa sinabi niya, kung tutuusin ay parehas lang naman kami may kasalanan,
"Magpahinga kana,"
Tumango lang ako,sinundan ko lang siya ng tingin habang papalabas ng kwarto, napahikab nako kaya umakyat nako sa kama at humiga.
--
"magkakaron daw ng representative by department para sa conference next week, kaya isa sa group natin ang mapipili"- napatingin lng ako kay sofia habang nagtatype,
last year sila na ang napili, sino naman kaya ngayon ?? pagkakaalam ko ilang araw din iyon .
"kasama daw si Mr. President ! sayang naman naka attend nako next year e"- saad nman ni Thalia sabay nguso . tlagang crush na crush nila ang lalaking yon, at khit sa ibang department ay marami ring nagkakagusto sa kanya .
sabagay gwapo nman tlga siya, kya interesado lahat dahil single pa . nalaman ko lng yon sa usap usapan nila dito. yun lagi ang topic .
"ikaw nalang kelly ang hindi pa nakakaattend ng conference kaya malamang ikaw ang kukunin ni Mrs. Torres"- sabi naman ni Mae .
"malay mo si Mrs Torres nalang ang sumama ? marami parin akong gagawin e"- sabi ko,
"ayaw mo pa sis ?? makakasama mo si Mr. President haha !! marami ng excited don ! para magpa charm sa big boss"- sofia
"hindi na niya kelangan yon ! dahil may super boss na siya haha"- hirit nman ni Andrea sabay tawa .
"ipakilala mo nga kmi minsan sa boyfriend mo ! ng malaan pagkasuper boss na sinasabi ng isang to"- Thalia
"maniwala kayo dyan !!"- sagot ko nman, diko mapigilang di maisip si Claide, hindi ko lang nman kase siya super boss kundi siya ang asawa ko, asawa sa papel pssh
"kitam ?? naalala niya ang super boss niya !!"- Andrea
"uy Kelly, yun ba yong nasundo sayo ?? bigatin din huh ?? kaya ba dimo pansin Mr. President ??"- patudyang saad nman ni Sofia
"hah? ano hindi ah"- nauutal kong saad, pano ko ba papaliwanag sa mga ito na
asawa ko yon at hindi ako pwede tumingin sa iba hanggat may bisa ang kasal namin,
"ahiieee nauutal ang bruha !!!"- kantyawan nila kaya napangiti lng ako at patuloy silang nangulit na ipakilala ko saknila ang boyfriend ko daw kuno .
"sige na kelly ! minsan lng oh !!"- giit pa ni Mae
"kaya nga ! behave kmi promise haha . gusto lng nmin siya makita at makilala !"- dagdag pa ni sofia . napailing lang ako, kung ganun lang sana kadali,
"ocge ipapakilala ko kayo pag may time siya"- nag.iritan lng sila kaya natawa lng ako, ito lang naman maipapalusot ko e
ang mga toh talaga, pero gusto ko rin nman silang ipakilala kay Claide at ng ipaalam ko rin saknila na hindi ko yon boyfriend kundi asawa,pero hindi ko alam kung kelan at paano . tiyak magugulat ang mga bruhang to . pero naisip ko kung ano bang nararamdaman ni Claide pra sakin,, kung umakto kase siya parang totoo . ramdam ko nmn na totoo pero diba ang mhal niya ay si Je ?? ayokong bandang huli ako naasa
"sure yan hah ! ng malaan na nilang may gwapo kang asawa hahaha"- bulong ni Andrea at tatawa tawa pa natawa lng din ako .
"sira ka talaga !!"-
"aba! ano naba status niyo hah ? at mukang may ibang spark sa mga mata mo ??"- tudyo niya pa at kiniliti kiliti pa ko sa tagiliran . wala pa nmang linaw e,
hindi ko masabi .
pagnariyan kase siya sa tabi ko wala nakong ibang maisip at maramdaman kundi saya lng tapos nakakainis pa siya . yung kontento na ko pag nariyan siya khit minsan puro bangayan lang ginagawa namin
"para kang ewan dyan ! okay nman kmi, !"-
"naku ! bruha ka tlaga ! ayaw magshare ! sabagay mukang positive nman . naakit na siguro siya sa kagandahan mo haha ! o inakit mo ??"- nilakihan ko siya ng mata, mamaya kase marinig nung iba, humagikhik lng siya ng tawa at bumalik na sa pwesto na .
dumating narin kase ang head nmin para ia-aanounce kung sino ang magiging representative ng aming department para sa dadaluhang conference .
--