Malaking tulong ang binigay na gamot sa kanya kahit papano ay nakatulog siya ng maayos. Ngunit hindi parin naaalis ang sakit at lungkot na nararamdaman niya, kailangan niyang iwaglit ito dahil makakasama sa kanyang baby. Matapos niyang magligpit ng higaan ay nagtungo siyang kusina para mag timpla ng gatas at maghanda ng almusal. Egg sandwich lang naman ang ginawa niya, ginawan niya narin ng isang sandwich ang binata dahil baka hindi pa ito nag aalmusal. Nahagip ng tingin niya ang sim card na tinanggal niya kagabi, upang tuluyan na siyang hindi makontak ng Asawa, hindi na niya alam kung maniniwala paba siya sa paliwanag nito oras na magkaharap sila. Hindi niya naman ito matatakasan, ngunit pansamantala kailangan niyang umuwi muna sa kanila. Mas makakabuti siguro kung doon muna siya sa mam

