Sa opisina ng Daddy ni Claide siya dumiretso, hindi pa siya agad bumababa ng kotse kumuha muna siya ng lakas ng loob para harapin ito. Gusto niya lang malaman ang totoo, at tatanggapin niya iyon dahil wala naman siyang magagawa pa. Di kalayuan natanaw niya pa ang asawa na iniluwa ng elevator. Seryoso ang mukha nito na tila nagmamadali, nang sulyapan niya ang phone na gamit ay naka off nga pala ito. Pinili niya iyon upang hindi siya ma contact nito. Hinayaan niya munang makaalis ang sasakyan nito pero imbes na bumaba ay pinaandar niya ulit ang makina at daling sinundan ito. Hindi niya alam kung anong pumasok sa isipan niya pero malalaman niya dito ang kasagutan. Wala itong kaalam alam na nakabuntot ang sasakyan niya sa likuran nito. Naghahalong emosyon ang nararamdaman niya, lungkot galit

