"Hey," Napalingon siya ng makita ang muling kumulbit sa braso niya, si Clarence ulit. Kadarating lang nila dsa Tagaytay at papunta narin sa dadaluhan nilang meeting. "Sorry Clarence, nagmamadali kase ako eh", sabay iwas niya dito, naalala niya ang mahigpit na bilin ni Clade na wag lalapit sa isang toh at para wala silang pagtatalunan ay pinasya niyang sundin nalang ito "Wait, hinihintay talaga kita para sabay na tayo sa pupuntahan natin" "Hah?" "Yes, let's go" nakangiti namang saad nito at nauna pa sakanya, napailing nalang siya habang sinusundan ito, hindi niya alam kung ano ba iniisip ng binata, medyo naguguluhan na siya dito, alam naman pala nito na kasal na siya bakit pa ito nagpadala ng bulaklak? Ilang sandali pa ay narating na nila ang Conference Room, marami narin ang naroon

