Part.17

2060 Words
** Hapon na ng bumiyahe kami pauwi, hindi maalis ang ngiti at tuwang nararamdaman ko, mas lalo akong napalapit ng husto sa kanya. Hindi ko akalain na may side na magugustuhan ko ang isang toh, akala ko puro pang aasar lang at pagtatalo ang mapapala ko sa kanya . Pakiramdam ko ay mas lalo ko tuloy siyang mamimiss pag umalis ako bukas . "Hey ano iniisip mo ?"- tanong niya, ng mapansin ang biglang pananahimik ko "wala naman"- "gutom kana ba ??"- "hindi, busog pa ko"- humilab nga knina tyan ko sa kabusugan e pero syempre diko lng pinansin . ayokong masira ang moment namin dalawa dahil baka pilitin niya pa ko magpa doctor napasulyap ako sa kanya ng itinigil niya sandali ang sasakyan malapit dun sa flower shop . pamilyar sakin toh ah ? maging si manang na nasa labas at nag.aayos ng bulaklak . "naalala mo si manang ??"- "Eh?"- "nung sumakit ang tyan mo noon at dahil wala kayong masakyan pauwi dyan kayo tumambay sandali ng mga classmate mo, tapos sinundo kita dyan"- Napatango naman ako ng muling makita si manang . ou siya nga, siya ang tumulong sakin nun at binigyan niya ko ng gamot sa sakit ng tyan . Pinahiram niya rin kami ng cellphone para makatawag sa bahay, wala kasi kaming masakyan pauwi at puro punuan ang jeep . Sobrang sakit na nun ang tyan ko kaya dun ako hinila ng mga kasama ko para makapagpahinga sandali . Saktong wala kaming mga load kaya si manang ang nagpahiram ng phone para makatawag sa bahay, at ang nakasagot ng tawag ko nun ay si Tita Rica kaya si Claide ang sumundo samin, alam kong labag sa kalooban niyang gawin yun dahil asar na asar ung mukha niya. Labis pang mamoblema nun ang mama niya sa kanya dahil nag-aalala ito na baka makabuntis ito ng maaga dahil iba-ibang babae ang kasama nito araw araw. Naalala niya pa nga na muntik  itong atakihin ng minsang mahuli ito na may kasamang babae sa loob ng condo, halos mangiyak ngiyak noon ang ginang sa pagkukwento sa kanya, kaya doon palang ay turn off na agad siya sa binata. Hindi maatim ng isip niya ang pagiging womanizer nito tapos ito pa ang nais ng kanyang magulang na makatuluyan niya, kaya mas pinili niya nalang noon ang lumayo. Pero hindi niya akalain na sa kabila ng lahat ay bigla magbabago ang pananaw niya dito, sa isang iglap ay naging isa sila nito, ngayon ay asawa na niya at tuluyan ng nalalapit sa kanyang puso.  "tama ka, naalala ko pa ung busangot mong mukha nun pagsundo samin eh, tsaka ambabaero mo nun kaya namomoblema si mama sayo"-nangingisi kong saad sakanya napakamot ulo naman siya sabay iling "Noon lang yun at May date kase ako nun, and alam mong pagdating sayo I can't say  No to Mom",  "Takot ka lang kase kay Tita,",  "No malakas karin kase sakin nun, kahit dang suplada dati ng pagmumuka mo tuwing nakikita ako, you're a kind of special to me,, ikaw lang naman ung hard sakin eh" "Sus, special daw",,  "Kilig ka naman", sabay kindat niya pa kaya hinampas ko ng mahina ung braso niya "Let's go inside, meron akong bibilhin na mas maganda sa mga Roses na nagbigay sayo" anito at agad lumabas ng sasakyan at pinagbuksan din siya,  nagtataka man ay kinuha nito ang kaliwang kamay niya at sabay silang pumasok sa loob ng shop . sandali silang naghiwalay dahil nawili siya pagmasdan ang mga nakadisplay na bulaklak, nadatnan niya ito sa kabilang pasilyo na kausap ang ginang at ng makita siya ay ngumiti ito kaya ginantihan niya rin ng ngiti . "magsasara na sana ako pero dahil nakahabol pa ang nobyo mo ay bibigyan ko narin siya ng discount"- nangingiting wika ng ginang "Asawa ko na po siya manang"- sabay akbay naman nito sakanya, nag init tuloy ang dalawang pisngi niya "Oh talaga ?? ang babata niyo pa ah ? . pero mukha namang mahal na mahal nyo ang isa't isa at bagay na bagay kayo, sana ay humaba pa ang inyong pagsasama"- nangingiting wika ulit ng ginang, lalo naman napangisi ang binata at kumindat pa sa kanya, kulang nalang ay tusukin niya ang mata nito kakakindat "Makakaasa po kayo Manang, salamat po dito sa discount" "Salamat din hijo, ingatan mo ang iyong Asawa maging ang magiging mga anak niyo",  "Ah, eh hehe", lalo siya nakaramdam ng hiya sa harap ng mga ito habang si Claide naman ay lalong nangisi "Opo tatandaan ko po yan,"  Yumukod na sila sa ginang at agad nagpaalam, matapos niya mabili ang dalawang bouquet ng tulips ay umalis narin agad sila . Mabait at mapagbiro parin ang ginang at mukhang hindi na siya naalala nito, pero nahihiya parin siya kanina,,  "Nagustuhan mo ba?" "Uhmm ang gaganda" nangingiti niyang saad dito "napadami ata ang bili mo ng bulaklak Claido ?"- "mas madami talaga yan at mas maganda kesa dun sa nagbigay sayo"- mayabang na wika nito,  "Mas gusto ko naman ito dahil galing sayo "- nangingiting saad niya kaya napangiti rin ito, "talaga ??"- "syempre ! galing sayo e kaya mas gusto ko . thank you !!"- "wala akong reward ??"- sabay nguso pa nito, inungusan niya lang at muli ibinaling ang atensyon sa mga tulips na bulaklak "Magtigil, masyado kanang abusado eh "- "Grabe naman sa abusado parang Kiss lang oh,"- "Uwi na tayo gusto ko na idisplay ang mga toh"-  "Masusunod mahal na Reyna",  Sinamaan niya lang ito ng tingin at natawa lang ito habang nagmamaneho,  "pag.balik mo gusto kong magbakasyon tayo,para magka time pa tayo sa isa't isa "- maya-maya'y wika nito "oh totoo saan??"- "kahit saan mo gusto" "talaga ??"- di makapaniwalang saad niya, tumango tango naman ito kaya napangiti siya at agad yumakap sa braso nito "totoo yan ah ! ocge hahanap ako ng magandang bakasyunan"- "ou khit san mo gusto, para makabawi man lang ako sayo "- anito sabay ngiti at hinagkan siya sa noo,  Nasabik siya sa sinabi nito, hindi pa man nakakaalis ay parang gusto na niyang matapos ang araw ng dadaluhang conference at makauwi para sa usapang nilang bakasyon. Lalo niyang makikilala ng lubusan ang asawa at napapalit narin ang loob niya sa maikling panahon na kasama ito. Akala niya noon hindi na siya sasaya sa piling nito, pero ngayon nakikita niya ang bagong pag-asa sa sinisimulang samahan nila. Sana nga ay magtuloy tuloy na ito, dahil ayaw niyang umasa at masaktan sa bandang huli, kahit hindi niya pa alam kung ano na ang estado ng relasyon nito at ni Je. -- Marahan siyang napamulat ng maramdaman ang pagbangon ng katabi mula sa pagkakahiga, saka niya narinig ang pang vibrate ng phone nito na nasa side table ng kama nila, pasado ala una palang ng hating gabi.  Agad nito dinampot ang phone at sandaling lumayo ng masagot nito ang kabilang linya "Yes?,, Why?,, uhmm I'm with her,,,",,  "Jeez!!! would you please calm down?, pupuntahan kita bukas",  Sinundan niya ng tingin ito papasok ng Cr at hindi na niya narinig ang usapan nito sa kabilang linya, ilang minuto din ito sa loob at pagkalabas nito ay agad niyang ipinikit ang kanyang mga mata at nagpanggap na tulog. "Yes, Dad and I talked about that, sumang-ayon nako sa gusto niya before,, Just relax for now okay? I'll call you tomorrow after ko mahatid si Kelly,,, yeah,, bye baka magising pa siya",, Huling saad nito sa kausap bago nito enend call ang telepono, narinig niya pa ang malalim na bintong hininga nito bago muling nahiga sa tabi niya, may problema kaya ito? , muli itong yumakap sa kanya kaya nawala na ang pag iisip niya, hanggang sa hinila na siya sa antok. Maaga siyang gumising para maghanda sa pag-alis nila, nag suggest naman si Claide na ihahatid siya sa kanilang office dahil dun naman sila magkikita kita ng kanyang mga kasama. Hindi naman mawala sa isip niya ang narinig na usapan nito sa kabilang linya kagabi, hindi niya alam kung sino ang kausap nito, Pero isa ang nasa isip niya, marahil ay si Je,,, pakiramdam niya ay may tinatago ito sa kanya na nagsisimula sa agam agam niya, tahimik lang silang nagbabyahe ng mapansin nito ang pananahimik niya "hey?, what's wrong?" puno ng pag-aalalang tanong nito at hinawakan ang kaliwa niyang kamay, napailing naman siya, kailangan niya pabang magtanong dito? "Inaantok lang ako", "Really?, wag kana lang kayang pumunta dun?, mamimiss lang kita eh", Di niya mapigil di mapataas ng kilay dito, "Really?" "Pssh, parang hindi ka naniniwala?" Gusto niya magtanong pero nawawalan siya ng lakas ng loob, natatakot siyang masaktan at baka wala namang ibig sabihin ang narinig niya dito,, "You look sad,, tell me anong problema?" "Wala, inaantok lang talaga ako,, papasok kaba ngayon?" aniya "May aasikasuhin lang ako, and pupunta din ako sa office ni Dad mayron lang siyang ididiscuss ," Napatango lang siya dito, malapit narin ang retirement ng Daddy nito at sa kanya na ipapasa ang pagpapatakbo nito sa kanilang negosyo. Isang malaking business sa Construction Industry ang hinahawakan nito. Magaling na Engineer ang mag-ama at ilang Contractors Company ang hawak ng kanilang kumpanya.  "Tawagan mo ko pagnakarating na kayo sa tagaytay okay?" saad nito, saka niya napansin na nasa harapan na sila ng kanilang building, marahan lang siyang tumango dito at pilit na ngumiti, pinisil naman nito ang pisngi niya at ginawaran siya ng mabilis na halik sa labi,,  "Take care", pahabol pang saad nito, yumakap naman sandali siya dito "Mag-iingat kadin, I trust you", aniya at agad ng lumabas sa sasakyan nito, nagtataka man ang tingin nito sa kanya ay binigyan niya lang ng isang ngiti saka nagpaalam na dito.  Inalis niya ang agam agam sa sarili, hindi ito makakatulong sa pupuntahan niyang trabaho ang tanging magagawa lang niya ay magtiwala dito hanggang sa makabalik siya.  Bigla nagvibrate ang phone isang message galing dito ang nagpangiti sakanya,  CLAIDE "I love you",  Habang papasok sa lobby ay napapangiti parin siya, hindi niya tuloy napansin ang nasa unahan niya at nakabunggo niya, muli may tumalsik na ballpen sa sahig, dali dali niya naman binitawan ang gamit niya at dinampot ang tumalsik na ballpen,, parang nangyari narin ito isip isip niya,,  "I'm sorry", sabay abot niya sa may ari nito na naharap ngayon sa kanya "Lagi mo nalang pinapatalsik ang pen ko",  "Sir Chris!, uhm pasensya na po talaga,, " kinakabahang saad niya sabay yuko dito,  "It's okay, I'm glad na kasama ka sa conference mamaya", wika lang nito at tumalikod na, bigla din nawala ang kaba niya buti nalang at hindi ito terror gaya ng inaakala nila noon. napabuntong hininga nalang siya at pumila na papasok ng elevator.  Napalingon naman siya ng may kumulbit sa braso niya, nakangiting mukha ni Clarence ang bumungad sa kanya,  "Hi Goodmorning",  ngumiti din naman siya dito, " Goodmorning"  "Natanggap mo ba ung mga roses na pinadala ko?"  "Eh? saiyo galing yun?" takang saad niya, tumango tango naman ito sabay ngiti,  "Nagustuhan mo ba?"  *ting* Bigla bukas ng elevator kaya pumasok na sila, sandaling natigil ang pag-uusap nila naisip niya na kailangan niyang sabihin dito na may asawa na siya at hindi na siya pwedeng tumanggap ng kahit na anong bulaklak galing dito,,,  "Salamat nga pala sa pinadala mo Clarence, pero ano kase eh",, simula niya ng makalabas sila ng elevator,,  "Yes?" bigla naman ito humarap ng nakangiti sa kanya, wala talaga itong ideya sa status niya,  "I'm married",,  "I know",  "Hah?"  "Ms. Sanchez?"  Sabay silang napalingon sa biglang pagtawag sa kanya ni Ms. Torres, naniningkit na naman ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya, biglang ngiti naman ito ng makita ang binata,  "Goodmorning Ms. Torress, you're so beautiful today",  "Oh,"  "See yah later," bulong naman sa kanya ng binata bago ito tuluyang umalis, ngising ngisi naman ang boss niya at sumunod narin sa binata, napabuntong hininga lang siya  Alam nito na kasal siya pero bakit parin ito nagpadala ng bulaklak? "Hoy!, di kapa ba papasok?" untag sa kanya ni Andrea, tumalima naman siya at nagmadali ng pumasok sa loob, agad siya naupo sa pwesto niya "Maglip stick ka nga, namumutla ka eh",  "Aalis naba?"  "Wala pang announcement, pero yung kabilang department naka ready na",  Napatango nalang siya at tumingin sa salamin, nakalimutan niya pala mag apply ng lip tint kaya muka siyang namumutla. Sakto lang din ang pag-aayos niya at bigla dumating si Ms. Torres, naghanda na sila para sa pag-alis. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD