Part.16

2987 Words
** Kinabukasan pagbaba ko ng sala may nakita akong isang bouquet ng rosas na nakapatong sa center table . nagtatakang kinuha ko yon .  kanino galing toh ??  ang ganda nman ! ngayon nalang ulit ako nakatanggap ng bulaklak ah ?  natutuwang pinagmasdan ko yon at inamoy-amoy pa .  "gising kana pala"-  napalingon ako kay Claide na galing sa kusina . nginitian ko nman siya pero ang seryoso ng mukha niya .  "ang ganda nman nito, para sakin ba toh ??"-  "tsk . ou sayo nga"- sabay iwas niya ng tingin . "wow talaga ?? thanks ! nag.abala kapa"-natutuwang saad ko sa kanya pero sumimangot lng siya .  "basahin mo yong card ! hindi sakin galing ang mga yan . ang panget tsk !"- sabay alis niya, nagtatakang tiningnan ko ang maliit na card sa may bulaklak . yong tuwa ko knina biglang nawala . akala ko pa nman sa kanya galing yun, sobrang saya ko na sana lalo at sinabi niya na Mahal niya ko .  -__-  pero yae na nga . napamaang ako ng mabasa kung knino galing ang mga bulaklak . kay Clarence !!  kaya ba ganun ang reaksyon ng isang yon ?? inilapag ko sandali ang hawak kong bulaklak at sinundan siya sa labas para silipin . asan kaya nagpunta ang isang yon ??  hindi ko siya nakita kaya bumalik nalang ako sa loob at inayos ang mga bulaklak . sayang nman kase at fresh pa, bakit kaya naisipan niyang magpadala ng bulaklak dito ?? . "tsk !"-  "oh san ka galing ??"- tanong ko sa kanya ng makita siyang pumasok sa loob at naupo sa sofa . "dyan lang"-  "ah uhm, itong mga bulaklak hindi ko alam kung bakit siya nagpadala"-  "anong ginagawa mo dyan ? wag mong sabihing ididisplay mo pa yan ?"- tanong niya at tiningnan ang hawak kong mga bulaklak na ilalagay ko sa vase .  "inaayos ? sayang kase baka malanta okay lng nman diba ??"- "hindi . wag mo yan ilagay dyan ! !!"- masungit niyang saad, nagsusuplado na nman  "e san ko ilalagay toh ? maganda pa nman ?"- tiningnan ko ang mga hawak ko at mas lalo ata siyang nabadtrip "Ibibili nalang kita basta itapon mo yan at wag mo dyang ilalagay yan !"-  "Eh? sayang naman kung itatapon, bigay ko nalang sa kapitbahay" "bahala ka"- sabay tayo niya at tinalikuran ako . sinundan ko lang siya ng tingin . kung inis siya sa tao wag niya nman dadamay yong mga bulaklak ! sayang kaya ! . ou dati ayaw ko ng binibigyan ako ng bulaklak, feeling ko kase patay ako na inaalayan pero pag ganito kagaganda . nakakatuwa kaya, lalo siguro kung sakanya galing yon . maisipan nman kaya ng lalaking yon magbigay ng bulaklak ?? pssh, hindi nga pala siya aware na may asawa nako matapos ko maayos ang mga bulaklak sa vase ay nagluto na ko ng almusal nmin . tinoyo na nman ang isang yun at hanggang ngayon ay hindi pa nababa ng kwarto . hay naku -,-  "oy Claido ! kakaen na tayo"-  "ayokong kumaen"-  "bakit ? tinotoyo kna nman noh ?"- nilapitan ko nman siya habang abala siya sa harap ng laptop niya . "wala"-  hindi lang ako umimik at tiningnan lng siya . ngayon pa magtotoyo ang isang toh, e bukas hindi na kmi magkikita dahil babyahe na kmi papuntang tagaytay para sa conference meeting don . gusto ko sana na buong araw e masaya lng kming magksama . pero parang dahil lng sa bulaklak e naaabnuy na ang isang toh pssh . "oh ano ??"-  "bahala ka nga sa buhay mo ! kung ayaw mo kumain di wag mo . arte arte "- tinalikuran ko na siya at binalibag ko pasara ang pinto .  kakaen nalang nag.iinaso pa, agang aga e nakakapikon . bahala siya, ako nalang mag.isang kakain at aayusin ko pa ang mga gamit na dadalhin ko . napaka'arteng lalaki ! paminta ata tssk !  hindi nga talaga siya bumaba para kumain hanggang sa matapos nalang ako . hays !! . nililigpit ko na ang pinagkainan ko ng biglang ring ng phone ko kaya sandali akong tumigil para tingnan at sagutin yon .  unregistered number ??  sinagot ko parin baka kase kung sino,  "hello ?"- ( hello Kelly ?? )  nakita ko si Claide na bumabang hagdan diretso sa sala at naupo . wala pa atang balak kumaen ? teka sino ba tong kausap ko ?? "Yes ? sino toh ??"- ( it's me, Clarence )  (*__*) ?? si Clarence ???? "uy ! ikaw pala !"-  bigla ko naalala ang bulaklak napatingin nman sa gawi ko si Claide na magkasalubong ang kilay . ang laki talaga ng problema nito  ( nagustuhan mo ba ang mga bulaklak ?)  "ah ? uhm ou . salamat nga pala, pero sana hindi kna nag.abala ?"- mahinang saad ko, baka marinig ng isa mas lalo pang mainis . ( gusto ko tlaga padalhan ka . free kaba today ? ) "hah ?? ah ano kase naghahanda ako para bukas . tsaka kase ano  ?"-  bigla ko nataranta ng lumakad palapit sa gawi ko si Claide, dumaan lng siya sa gilid ko at dumiretsong lababo para kumuha ng plato na kung ilapag niya nman ay pabagsak . ( ou nga pala alis nyo na bukas ) "ou eh, kaya-"  napalingon ako sa kanya ng ilapag niya ng malakas ang mangkok at baso na parang mababasag tuloy .  ( ano yong ingay ? parang may nabasag sa kusina nyo Kelly ) "ah, yong pusa . nagliligpit kase ko haha, uhm pasensya na hah saka na tayo mag-usap -  ( uhm okay lang Kelly, don't worry . ocge na baka may ginagawa kapa tawagan kita mamaya okay lng ?) "hah ? ah "- sabi ko nalang para putulin na niya muka kaseng badtrip ng talaga itong isa .  ( okay bye ) inooff ko narin at sinulyapan si Claide na wala paring imik pero mukang ewan sa pagsimangot . gwapo parin nman khit magsuplado siya, napabuntong hininga na lng ako . kakain rin pala siya e, inilagay ko ang pinagkaininan ko sa lababo at iniwan rin siya dun .  umakyat muna ko para mag ayos ng gamit at mga dadalhin ko bukod saking laptop at tablet . pati digital camera dinala ko narin, incase na kelangan ng documentary ay ready ako . flash drive at mga charger .  uhm 3days din yun, ano kaya ang gagawin ng isang yon dito ng wala ako ??  baka magkita sila ni Je ?? pero hindi nman siguro ? pwede rin pero . ay yae na nga !! -___-  parang ayoko nalang tuloy umalis . -,- ??  napaangat ang tingin ko ng bumukas ang pinto at dumungaw dun ang mukha ni Claide .  "Magbihis ka, may pupuntahan tayo"-  "huh ? saan nman ??"- "basta sumunod kna lang"-  "eh ??"-  nu kaya yon ?? sinundan ko lng siya ng tingin ng kumuha siya ng damit sa cabinet .  "Ano ??"-siya ulit . biglaan nman magyaya ito "san ba kase muna tayo pupunta ?"-  "surprise . cge na magbihis kna . yong maganda"- sabay talikod niya .  ano daw surprise ??  sinunod ko nalang ang sinabi niya, baka mag.gagala kmi o di kaya kakain sa labas ?? agad na ko kumilos .  -- sandali lng akong nag.ayos at bumaba narin agad . mamaya isipin niya na nagpaganda pa talaga ako, simpleng dress lng nman ang sinuot ko at flat shoes .  "tara na ??"- nakangiting saad ko sakanya pagbaba ko ng hagdan . tiningnan niya pa ko mula ulo gang paa saka siya ngumiti .  hindi ko talaga maintindihan ang takbo ng isip ng isang toh, knina lng parang babaeng nireregla tapos ngayon . "bat nakatayo kapa dyan ? tara na ??"-  "ang gulo mo talaga e noh ?"- say ko at inunahan ko siyang lumabas ng bahay . hinabol niya nman agad ang kamay ko at pinulupot sa braso niya .  " . nakakainis kase ang mga bulaklak mo"-  "ano ??"- "tsk ! yong mga bulaklak mo !"-  "at inano ka nman ng mga bulaklak ko hah ??"- napakaisip bata rin tlga ng isang toh e noh ?  "hindi mo dapat tinanggap yun . ano ka ba nagpapaligaw ahray !"- hinampas ko nga . "hindi ako nagpapaligaw !! malay ko bang magpapadala ng bulaklak yun, di niya rin kase alam na may asawa nako"- "tsk . e anong ibig sabihin ng mga bulaklak na yon ?" "wala ! ikaw lang nag.iisip ng may kahulugan dun ! para sakin wala lang yun, "- mahinang saad ko ng pasakay nako sa loob ng sasakyan . kung sakanya siguro galing yon ay baka magtatalon pako sa tuwa .  "nakauna lng siya, gusto mo isang garden pa ibigay ko sayong bulaklak e"- "ang yabang mo ! naiinis ka lang kase nadaig ka !"- natatawang saad ko sa kanya "tsk ! tumigil kna nga . wala kong paki alam sa bulaklak niya at hinding hindi niya ko madadaig"- inungusan ko lang siya . ang yabang talaga "ewan ko sayo, magdrive kna nga kung san man tayo pupunta"-  "ou na . wag kna magsungit, dpat nga sulitin natin ang buong araw ngayon dahil bukas iiwan mo ko ng tatlong araw !"-  napatingin nman ako sakanya habang nagdadrive siya, naisip niya rin pala yon ? "ikaw dyan e may sapak sa ulo . pati bulaklak dinadamay mo sa topak mo"- "wag mo na nga yon ipaalala, naiinis lng ako sa taong nagpadala nun"- "e bat mo nman kase tinanggap ??"-  "anong magagawa ko e naka'address sa bahay natin"-  "edi dapat sinabi mong walang nakatira na ako dun"- "tsk . baliw kaba ??"-  "ikaw ang baliw !"- napatingin nman siya sakin inirapan ko lng  "bakit ? ayaw mo ba ng mga bulaklak ??"- "hindi . ang gaganda nga e"- "gusto mo rin pala e !"-  "yong bulaklak syempre"- "edi gusto mo nga tlga !"-  "ou nga !"- "tsk. ewan ko nga sayo !"- naiinis na nmang sagot niya . problema nito ??  "baliw ka ! problema mo na nman dyan !"-  "wala !"- sagot niya, isip bata talaga parang ewan .  "san ba tayo pupunta ??"-  "diko alam"- walang emosyong sagot niya napakunot noo ako  "ano ?"- "tsk !"- "alam mo para kang ewan dyan . nagyayaya yaya ka dyang umalis tapos dimo alam kung san tayo pupunta ??"-  "wag kna kase maingay dyan, pinag.iisipan ko pa kung san kita dadalhin"-  "ano ??"- "ay ! ang binge nman ni Kelly oh !"-  "ewan ko sayo !!! bahala ka nga dyan !!!"- singhal ko sa kanya, nakita kong pinipigil niya lang ang pagngiti . nang.aasar ang loko .  "relax lng kase, wag kna magtampo dyan malalaman mo rin"-  diko lang siya pinansin, tinuon ko lng ang tingin ko sa labas ng bintana . malayo layo narin ang binabyahe nmin at san nman kaya kmi pupunta ng ungas na toh ??  "pa Laguna na toh ah ? anong ginagawa natin dito ??"-  "wala lang"-  (=__=) ?? "hehe . biro lang, pikon nman agad toh . ayan na malapit na tayo"-  napatingin ulit ako sa labas ng bintana, at papasok ang sasakyan nmin sa Nuvali . napangiti nman ako ang tagal ko ng hindi nakakapunta dito ! ilang taon narin . 17years old pako ng makapunta dito at nagpalusot pako nun kay mama na pre-requisite ng course ko para payagan lng ako . kahit ang totoo ay mag.gagala lng kmi dito ng mga classmates ko .  "dimu nman agad sinabi na dito tayo pupunta !"- sabay hampas ko sa braso niya  "edi hindi na surprise . tsaka pinag.iisipan ko pa nga diba ? kung dito ba kita dadalhin o sa"-  "saan ??"-  "sa Motel hahaha !"-  (*__*) !!  "siraulo !!"- hinampas ko nga siya sa braso at nagtatawa lng siya "haha ! biro lng nman !! . masyado pang maaga . oh biro lng ulit tama na haha"- akmang hahampasin ko ulit siya ng pinigilan na niya ang braso ko . "magpapark na tayo tama na haha . mamaya nalang"-  "pssh ! ewan ko sayo !"- tumawa lng siya ulit at pinark na niya ang sasakyan nmin . inunahan ko na siyang bumaba, at pagbaba niya ay may nakasabit na sa leeg niyang camera . naks naman ! nagready si Claido !! "nice ! buti nagdala ka niyan ! dun tayo dali !!"- hinila ko agad siya sa braso, sobrang excited ko na muling makabalik dito "o teka madapa tayo niyan"- diko lang siya pinansin at mas lalo pa siyang hinila papunta dun sa may tulay, kung san naroon ang maraming gold fish at karamihan sa mga nag.gagala doon ay nawiwili magpakaen sa mga isda .  wala nman kaseng bayad ang entrance, karamihan na naggagala dito ay mga foreigners, may mga malls din na tabi tabi, mga resto at meron din speed boat kung san malilibot mo ang parte ng park . sa may kabilang banda nman ay pwede kang mag.arkila ng bike at ilang oras na makakapaggala gala ka paikot ikot .  "ang dami na nating pictures dika ba nagsasawa ?"- aniya habang tinitingnan ang dala niyang camera, lhat kase ng nadadaanan nmin ay nagpapapicture kmi, minsan solo ko at solo niya .  "hindi pa ! dun pa tayo sa tulay . dadaan sa ilalim niyan mamaya ang speed boat"- hinila ko ulit siya papunta dun, "e kung sumakay nalang kase tayo dyan hindi yung nakatunganga lng tayo dito . tara dun dali"- ako nman ang hinila niya papunta dun sa sakayan ng speed boat .  30mins. tour lng nman at pagkatapos ng nauna ay may kasunod na nman . naabutan pa nmin ang sumunod na trip . pagkabili niya ng ticket ay inabutan agad kmi ng life jacket .  "hindi nman malalim yong lake diba ??"- natawa nman siya at inakbayan ako . "wag ka mag alala hindi tayo lulubog"- napayapos lng ako sa bewang niya ng umandar na yong boat . yong ibang katabi nmin nagsisigawan pa sa tuwa, ang bilis kase ng paandar at minsan ay parang natalbog pa ang boat . ang sayang experience din nito dahil kasama ko siya at parehas kming masaya . habang umaandar ang boat ay nagseselfie pa kming dalawa, siya rin nman ang hindi nagsasawa kakakuha ng pictures .  parehas kming tuwang tuwa matapos ang rides na yon khit medyo basa ang damit namin dahil sa talsik ng tubig .  nagpunta nman kmi sa malapit na resto para kumain, saktong tanghalian narin nman . matapos nmin kumain sa mall nman kmi nagpunta para mag ikot ikot, mainit kase sa labas at tirik pa ang araw . nang makakita ako ng couple shirt ay hindi ako nagdalawang isip na hindi yun bilhin .  khit ayaw niya ay napapilit ko parin siya . gusto kong maging remembrance yon sa pagpunta nmin dito . napangiti ako ng tingnan yung t-shirt nmin na white at may print out na I Love him ->  I Love her ->  "ang cute diba ?"-  "tsk pambata !"-  "isip bata kana man e"- pinitik niya lang ako sa noo at siya nman ang pinitik ko sa ilong . "ahray ! halika na dun ang kulit mo e"-  napangiti lng ako . maya maya pa ay lumabas na kming mall . naglakad kmi sa labas khit medyo tirik ang araw . dun kmi nagpunta sa may malilim na parte ng park na malapit sa may lake . marami rin ang naroon at may mga nakalatag na sapin at mukang nagpipicnic .  dun nmin naisipang maupo sandali, may ilan din nmang tao na naroon, magkakaibigan, mag.anak at magkasintahan .  inilatag niya ang dala niyang panyo para upuan ko . "madudumihan yan !"- "ayos lng . maupo kna"-  "ocge"- "mas okay dito . fresh ang hangin"- aniya at nahiga sa lap ko . "ang ganda dito noh ??"-  "kaya nga dito kita dinala . alam kong mahilig ka sa magagandang lugar"- nakangiting sagot niya na nakatingin sakin . "tama ka at marami pakong gustong puntahan"-  "basta ba kasama ako e"-  "edi sumama ka ?"-  nakangiti ko nmang sagot, ngumiti lng din siya  "san mo pa ba gusto magpunta ? libutin ang buong pilipinas ?"-  "hindi lang buong pilipinas ! kundi buong mundo !"-  sobrang saya ko siguro kung magagawa ko yon ng siya ang kasama . pero syempre khit hindi ko na yon magawa basta makasama ko lng siya ay okay na .  "hindi kapa rin tlga nagbabago . yun parin ang pangarap mo haha"-  "syempre nman ! libre lng nman mangarap noh !"-  "okay lng  ! basta ako ang kasama mo sa pangarap mo sabay nating pupuntahan lahat ng lugar na gusto mo . khit pa ikutin natin ang buong mundo"-  "talaga ??"- napangiti nman ako, sabay kinuha niya ang kaliwang kamay ko at hinalikan .pkiramdam ko tuloy nag.init ang dalwang pisngi ko .  "ou san mo ba gusto magpunta ? pupuntahan natin agad"-  "hmm talaga ? ngayon na ??"- tumango nman siya, mukang seryoso kaya napangiti ako . kakaibang Claide ata ang kaharap ko ngayon, "ou nga . khit ngayon pa yan at kahit saan"-  "hehe biro lang . khit diko na mapuntahan ang lahat ng yon okay lang basta kasama kita khit nasan ako"-  natulala nman siya sa sakin, may mali ba sa sinabi ko ??  "oh bakit ??"-  "hindi nga talaga ??"- ulit niya, parang hindi pa makapaniwala . "ou nga !"- napangiti nman siya, ayaw pa maniwala e .  "yuko ka may ibubulong ako"- "hah ano yon ??"-  "basta nga yumuko ka sakin"-  "eh ??"- "bilis na !!"-  "ano bang ibubu-" agad niya ko hinila palapit sakanya at naramdaman ko nalang ang paglapat ng labi ko sa labi niya .  "para kang ewan dyan ! bawal PDA !!"-  napabangon nman siya at inakbayan ako, isinandal ko nman ang ulo ko sa braso niya .   "anong bawal ? e sila nga oh "- turo niya don sa magkasintahan di kalayuan na nagtutukaan . tinakpan ko naman ang mata niya . "bastos ! naninilip !"- "hubad lang ang bastos ! isama mo nalang kaya ako bukas"-  "Luh ?"- "o bakit ??"- "hindi pwede"- "tsk ayaw mo lng . akala ko ba gusto mo ko makasama"- parang batang saad niya, natawa lang ako . "alam mong trabaho yon . 3days lng"-  "wag kaya kita iuwi ?"- "baliw kaba ? edi natanggal ako sa trabaho"- "ayos lang"-  "ayos ka dyan !"- "e bakit ba ? kung gusto mo sa kumpanya ka natin magtrabaho para magkasama tayo"- "ayoko . masaya na ko sa mga kasama ko sa trabaho ngayon"- "tsk"- naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa bewang ko . ang hirap kaya makisama pag bago ka sa trabaho mo lalo na siguro kung doon pa sa kumpanya nila .   "Claide"- tawag ko sa kanya, ang seryoso ng muka niya ng tumingin siya sakin . napangiti nman ako at hinagkan siya sa pisngi . "Thank you"-  "for what ??"-  "kailangan ba may reason para magthank you ??"- "ou nman ?"-   "pssh ou na ! thank you dahil andyan ka . khit nakakainis ka minsan nandyan ka parin para pasayahin ako"- saka nman siya napangiti at inilapit ang muka sakin .  "your welcome"- aniya sabay sakop ng labi niya sa labi ko . sabi ko ng bawal PDA e pero hindi nman ako nakareak at tinugon lang ang halik niya .  --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD