**
abala ko magluto ng almusal nmin ng may biglang yumakap mula sa likuran ko . napangiti ako ng makita si Claide na agad humalik sa pisngi ko .
"goodmorning asawa ko"-
diko mapigilang di ngumiti at hinagkan din siya sa pisngi . ewan pero kinikilig ako agang aga . lalo na pagsinasabi niya ang term na yun "asawa ko"
"Morning !"-
"tulungan na kita, para makaain na agad tayo at maagang makapasok"- nakangiti niyang saad .
ang ganda ata ng mood nito ? maganda ang tulog e kaya maganda gising !
bigla ko tuloy naalala ang nangyari kagabi kaya pkiramdam ko ang init init ng pisngi ko .
ng sulyapan ko siya, hindi parin naalis ang ngiti niya . pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko para makakaen na agad kmi at may pasok pa .
"sabay na tayo maligo para tipid sa tubig "- nakangiti niyang saad ng papasok ako ng C.r
"tigil ! ayokong kasabay ka !"-
"bat naman ?? wag nalang kaya tayo pumasok ??"- aniya at pinulupot ang braso niya sa bewang ko .
"hindi pwede . may meeting kmi ngayon para sa dadaluhang conference"-
"tsk minsan lng e"- biglang lukot ng muka niya, napangiti lng ako
"hindi bagay ! umayos ka nga . agang aga muka kang ewan !"-
"nakakainis ! kulang ang time natin sa isa't isa . tama si Mama . ano kaya kung magbakasyon tayo ?"-
"pinagsasabi mo dyan ? magdamag tayong magkasama ah ??"-
pero parang gusto ko rin yon bakasyon .
"dipa rin sapat yon . gusto kita masolo ng napakatagal, ngayon palang tayo magbabawi sa isa't isa"- aniya, nag.init nman ang dalawang pisngi ko .
kailangan ko ng malamigan bago ako sumabog ! lalo nman siya napangiti at tinitigan pa ko
"ang cute ng asawa ko . namumula oh haha !!"- tinulak ko nman siya palayo
"bitaw na nga ! baka malate pa ko !"-
"ou na . isang kiss muna"- bago pako nakareak nakahalik na siya sa labi ko .
humiwalay na agad ako sa kanya mamaya tuluyan na talaga akong malate . hindi mawala ang ngiti at kilig kong nararamdaman, hindi ko akalain na sasaya rin pla ako sa kanya, na mararamdaman ko ang ganito sa kanya, sa tingin ko ay tuloy tuloy na yung magandang samahan na sinisimulan namin bilang mag-asawa
akalain mo nga nman talaga na siya pala ang magpaparamdam sakin ng ganitong kasiyahan . kakaibang kaba at pakiramdam na pagkasama mo siya ay wala kanang ibang iisipin kundi siya .
--
Pagdating ng alas nuebe naghanda na ko para sa meeting . next day na kase ang conference nmin sa tagaytay, 3days ko ring hindi makikita at makakasama si Claide .
ngayon palang parang mamimiss ko na siya . hala ? ganito din kaya nararamdaman niya kaya ayaw niya ko payagan ??
pero wala nman ako magagawa e, trabaho toh .
naglalakad na ko sa hallway ng may tumawag sakin, kaya napalingon ako .
"Kelly !"-
"oh ikaw pala Lance ??"-
"ikaw din ang representative ng department nyo ??"- nakangiting tanong niya, tumango lng ako at ngumiti din
"ou e"-
"nice ! buti nman at may kakilala akong kasama din dun . tatlong araw din yun diba ??"-
tumango lng ako, marami nman siyang kakilala ah ? mga taga ibang department nga e kilalang kilala ang siya .
"after daw ng meeting ay half day lng tayo para makapagprepared next day"-
"oh talaga ??"-
ayos yun ! maaga akong makakauwi !
"ou, gusto mo bang magLunch tayo ? after ng meeting ??"-
"hah ??"
*Ting*
napatingin ako sa pagbukas ng elevator, pinauna niya kong pumasok sa loob . saka ko napansin ang lalaking ngumiti pagtingin ko sa kanya .
si Mr. President !!!
"Good morning sir"- narinig kong saad ni Lance , kaya bumati rin ako
"Good Morning"- ganting sabi niya at tumingin sakin ng nakangiti . ngumiti lng din ako yumukod sa kanya bilang pagbati .
tatlo lng kaming sakay ng elevator at ang awkward dahil kasabay mo pa ang Big Boss . nasa gitna pa nila ako ,, -,- ,, pero okay nalang din para hindi na makapagyaya itong si Lance ng lunch mamaya .
"Ready na ba kayo for 3days conference ?"- biglang tanong niya kaya napatingin kmi ni Lance .
"ahm yes sir"-
"Good"- then ngumiti lng ulit siya, saka ko napansin na may kamukha siya !
si Clarence !
pagbukas ng elevator nagulat ako ng makita si Clarence . agad ako lumabas kasunod sila
"Kelly "-
"Clarence, nandito ka ?"- di makapaniwalang saad ko
"yeah, sabi ko nman sayo na magkikita tayo dito diba ??"-
"hehe, hindi ko ineexpect na ngayon"- napatingin nman ako kay Mr. President na lumapit samin .
"ah by the way, my Brother Chris, and bro she's the one I'm telling to you, Kelly"-
napamaang ako sa kanilang dalawa . magkapatid sila ???
"yeah, and she's also the one that I'm telling to you bro"-
nagkatinginan nman sila habang ako e nagtataka . ano bang meron ??
"ow really ???"- reak ni Clarence at sumulyap sakin, bigla nag.iba ang ekspresyon ng muka niya ng binalik ang tingin sa kapatid .
"yeah, may meeting pa pala kmi Bro . so see yah on my office"- anito at tinanguan lng ako bago lumakad paalis .
ou nga pala yong meeting ??? pagtingin ko kung nasan si Lance mukang nauna na . hala nman !!
"ah Clarence, mauna na ko hah "-
"ocge . halfday lng kayo ngayon diba ??"- tumango lng ako . ngumiti lng siya at tumango din kaya tumalikod na ko .
kaya pala sila magkahawig, dahil magkapatid . hmm
nagulat pa ko ng pagliko ko sa hallway ay naroon nakatayo si Big Boss at parang may hinihintay . napatingin siya ng makita ako .
"Kelly right ?"-
"y-yes sir ?"- kinakabahang sagot ko . bakit kaya ??
"after meeting mag report ka sa office ko okay ??"-
"hah ??"-
"11:30"- saad niya saka tumalikod . mas lalo ako kinabahan . bakit ako magrereport don ??
may ginawa ba kong kasalanan ???
hala nman !!!!
agad na ko pumasok sa loob, nakita ko si Lance at kinawayan ako dun sa vacant chair na katabi nung kanya . dun na ko dumiretso ng upo .
ano kaya yon ??
bakit niya ko pinagrereport sa office ???
di kaya ipa'fired niya ko ??
okay lng magreresigned narin nman ako . pero hindi !! teka muna unfair ah !
"Kilala mo ang kapatid ni Mr. President ??"-
"hah ??"- nagtatakang tiningnan ko si Lance, alam niyang magkapatid ang dalawa ?
"si Sir Clarence ?"-
"ah, friend ko siya"-
"talaga ? hmm half brother lng sila, magkapatid sa ama . sabi close daw ang dalawang yon"-
"ah gnun ba ?"-
"iwas kna lng sa chismiss . baka may makakita sayo na katrabaho natin na kasama mo o kausap isa saknila at isipan ka ng masama"
"hah ? pero wala nman akong ginagawang masama ?"-
"ou . pero alam mo nman mga tao dito . pagmalapit ka sa nakakataas iba na iniisip"-
napatango lng ako, tama nman siya . pero wala nman akong gagawin na ikaiisip nila ng masama . isa pa may asawa na ko .
ilang sandali ay nag start na ang meeting samin ni Mr. President . at sa tuwing mapapatingin siya sa gawi ko kinakabahan ako .
hindi mawala sa isip ko kung bakit niya ko pinapagreport sa office . bahala na nga mamaya . hanggang sa natapos ang meeting, inaayos ko ang gamit ko ng lumapit sakin si Mrs. Torres
"Ms. Sanchez pinapagreport ka ni Mr. President sa office niya . dalian mo"-
"Yes Mam"-
"hindi ko alam kung anong nagawa mong kasalanan or uhm never mind"- saka siya tumalikod .
hala nman ??
"Kelly bakit ??"- lumapit nman sakin si Lance
"ah wala nman . pinapagreport lng ako sa office ng President"-
"hah ? bakit daw ??"-
"wala rin akong idea"-
"pwede bang magLunch tayo after mo don ?? hihintayin kita ??"- aniya habang palabas kmi .
"ah baka matagalan ako don ?"-
"okay lng ? hintayin parin kita"-
kulit nman ! tsk .
"wag na Lance . sorry hah ? gusto ko rin kase makauwi ng maaga ngayon . next time nalang ??"-
"ganun ba, sayang naman at-"
*Ting*
bumukas na yong elevator kaya pumasok na ko, kasunod ko siya pero agad din yung sumara at hindi na nakapasok pa si Lance . nagtatakang tiningnan ko ang kasama ko sa elevator .
si Mr. President ???
"S-Sir ??"-
"youre almost late"- aniya,
pagtingin ko sa relo ko, 11:20 plang nman ah ??
"10 minutes advance sa office ko"-
nye kaya nman pala ??
"I'm sorry Sir"- sabi ko nalang . lampas ten na kaya natapos ang meeting tpos advance 10 minutes pa sa orasan niya . nu kea yon ???
habang palapit kmi sa office niya mas lalo akong kinakabahan . pero bigla niya nman pinindot ang button papunta sa 5th floor .
"it's almost late narin nman so I guess exact 12 ay naron kna sa office ko . you can take your lunch first"-
napamaang lang ako sakanya, pabor sakin yon ! .
"okay sir . exact 12 nandun na ko . thank you"- tumango lng siya, pagbukas ng elevator saka ko nakahinga ng maluwag at dali daling lumabas .
makapaglunch na nga lng muna, akala ko pa nman makakauwi ako ngayon ng maaga pero pinagrereport pako sa office niya . bakit nman kaya ??
papunta ako sa may Lobby ng makita si Je, ano kayang ginagawa niya dito ?? lalapitan ko sana siya kaya lng sumulpot bigla si Mr. President papunta sa gawi ni Je .
magkakilala sila ??
yumakap si Je dito at gnun din siya, nagkatawanan pa sila bago sumakay sa elevator . kaya siguro enextend nya ang pagreport ko sa office niya .
"Kelly ?"- paglingon ko si Clarence
"oh, ikaw pala Clarence"- ngumiti lng siya saka tumingin sa kanyang relo
"Lunch tayo ? knina parin kase ko nagugutom ?"-
"ah hah ? ano ,, kase-"
"Kelly please ? may usapan tayo dati diba ? and hindi ko nakakalimutan yon . please ??"- aniya .
Lunch lng nman at saktong naghahanap narin ako ng makakainan kaya pumayag na ko .
"okay"-
"great . dadalhin kita sa resto ko, for sure magugustuhan mo ang foods dun"- napangiti nman ako habang naglalakad kmi papunta sa elevator . buti wala masyadong empleyado ngayon dahil wala pang break time .
"talaga ?"-
"ou and treat ko toh dahil ako ang namilit sayo"-
"ah kase hindi ako pwede magtagal, magrereport pako sa office ni Mr. President"- napalingon nman siya sakin
"ni Chris ?? bakit nman ??"-
"hindi ko alam hehe"- napatango lng siya hanggang sa nakalabas kmi ng building sakay ng sasakyan niya .
malapit lapit lng nman daw ang resto niya . nagkwento lng siya habang nsa biyahe kmi, tungkol sa knila ng kapatid niya at ng ilang branch pa ng resto niya . napag.alaman ko na isa rin pala siyang chef sa sarili niyang resto . nakakatuwa na ang lalaking tulad niya ay mahilig sa pagluluto .
ilang sandali pa ay nakarating na kmi sa resto niya . pagpasok nmin sa loob parang gusto ko ng umatras palabas . di kalayuan nakita ko si Je at si Claide na magkasamang kumakaen .
parang nanginig ang tuhod ko, knina lng ang kasama niya ay si Mr. President pero bakit ngayon ay si Claide naman ? at mukang masaya pa silang nagkukwentuhan . madalas kaya silang nagkikita ng hindi ko alam ??
"Kelly are you okay ??"- untag sakin ni Clarence .
"wag tayo dito kumaen . sa ibang branch mo nalang please ??"- sabi ko habang hindi inaalis ang tingin ko sa knila .
"may problema ba ??"- napailing lng ako at lumakad na paalis, hindi ko na kaya pang tingnan, hindi ko alam pero nasasaktan ako makita sila na magkasama at masaya . ang lakas ng kabog ng dibdib ko at para akong nanghihina .
"Kelly sandali"-
"sorry Clarence, babalik nalang akong office . I'm sorry talaga"- saad ko sa kanya at lumakad palayo para mag.abang ng taxi pero hinabol niya nman ako agad .
"wait, anong problema ? bakit biglaan- Kelly b-bakit ka umiiyak ?? hey what's wrong ??"-
agad ko pinunasan ang luha ko, ayoko umiyak pero ayaw umawat ng luha ko sa pagbagsak .
"sorry, hindi mo kase-"
"tara ihahatid kita kung yan ang gusto mo, pero sabihin mo sakin ang dahilan kung bakit ka nagkaganyan "-
wala kong nagawa ng hilahin niya ko papunta sa sasakyan niya . nangulit siya at inalam kung anong nangyari sakin pero humingi lng ako ng sorry .
hindi ko kyang sabihin saknya .
"okay hindi na ko mangungulit, pero if ever na kailangan mo ng makakausap nandito ako as your friend"-
tumango lng ako, hindi na tuloy kmi nakakaen sa resto niya . medyo okay na ko pero hindi parin mawala sa isip ko kung bakit sila magkasama, tiningnan ko ang phone ko kung may message galing sa kanya o tawag pero wala,
"sorry hah ? hindi tuloy tayo nakakaen sa-"
"wag mo ng isipin yon, may next time pa nman . pag okay kna"- nakangiti niyang saad kaya tumango lng ako . nakakahiya tuloy sakanya .
ang gusto ko ngayon ay umuwi nalang .
kaya ng magpaalam si Clarence ay nagpasya nalang din akong umuwi . bahala na kung magalit si Mr. President at i-fired niya ko . magdadahilan nalang ako na may emergency .
hays -,-
--