**
"Bruha ka tlga ! ano sigurado kabang okay kna ??"- nakaalalay na saad sakin ni Andrea habang naglalakad kmi palabas ng hallway . tumango lng ako at nginitian siya .
"ou wag kna mag.alala di bagay haha !"-
"malulurkey ako sayo eh ! tamo oh namumutla kpa . mmaya hindi na ulcer yan hah ??"- ngumiti lng ako . panay ang pagsakit ng tiyan ko na hindi ko malaman kung bakit at ngayon kasama na pati sa puson .
kaya knina para kong hindi makagalaw, nagpaalam nalang ako kay Mrs.Torres na hindi maganda ang pakiramdam ko kaya maaga akong mag.a'out .
tinawagan ko narin si Claide na maaga ako sa kanyang mag.papasundo .
"sa rest day mo magpacheck up kna . naku ! ako natataranta sayo e"-
"ou na po . Thanks Andrea hah"-
"wala yon ! ito talaga . oh ayan na pala asawa mo . buti nman !!"- napatingin ako kay Claide na naglalakad papunta samin at sinalubong kmi palabas ng building .
bakas sa muka niya ang pag.aalala ng makita kmi .
"Kelly ?? anong nangyari ??"-
"sumama lang pakiramdam ko"- sagot ko, tumingin nman siya kay Andrea
"ikaw na bahala sa asawa mo, natataranta ako dyan knina pa ayaw nman magpadala sa clinic"-
"bakit anong masakit sayo ?? gusto mong pumunta na tayong hospital ??"- biglang saad nman ni Claide na nakatingin sakin at hinawakan ako sa braso .
"h-hindi wala na ! magpapahinga lng ako . umuwi nalang tayo"-
"ocge na Kelly, back to office muna ko . ingat kayo hah ? tawagan kita later ? yong sinabi ko sayo "- tinanguan ko lang siya at niyakap niya ko bago siya pumasok .
"ingat kayo !"-
hindi lng umimik si Claide kaya kinulbit ko siya .
"oy ?? tara na ??"-
"ano ba kase nararamdaman mo ??"-
"sumakit lng ang tiyan ko at para kong nanlalamya . yon lng"-
kumilos nman siya at pinagbuksan ako ng pinto saka ko pumasok sa loob at gnun din siya .
"tsk binabalewala mo na nman yan nung nakaraan pa yang pagsakit ng tiyan mo ah ? tawagan ko sila Mama para masamahan ka magpa check up"-
"ayoko"
"ano kaba nman Kelly, ang tigas na nman ng ulo mo sabihan e"-
wala nmang ulong malambot ! =_=
"kailangan ko lng ng pahinga, kaka kape ko siguro toh . alam ko nman pag hindi ko na kaya"-
"tsk ! so hihintayin mo pa na hindi mo na kaya bago kapa magpa check up ?? Kelly naman ???"- pagalit na niyang saad, hindi ko lng siya tiningnan .
"ocge na magpapa check up na ko . pero hindi ngayon"-
"ano ? at kelan pa ? tsk ! gusto mo pa patagalin yan ?? tatawagan ko na talaga sila Mama para sila ang pipilit sayo"-
"pssh ! makinig ka muna kase . magpapacheck up ako kahit wala sila mama pero pagkatpos na ng aattendan kong conference next day"-
"ano ? conference ? saan ??"-
tumango ako, kailangan sabihin ko na sa kanya na 3days akong mawawala . sandali lng nman yon e .
"sa tagaytay at 3days kmi dun . napili ako ng head nmin na maging representative ng aming department"-
"3 days ????"- bigla niyang reak . khit ayaw niya kelangan niyang pumayag
"ou eh"-
"tsk ! bakit ikaw pa ? sabihin mo hindi ka pwede"- siya
" hindi pwede ?? hindi ako pwede magreklamo"-
"may sakit ka kaya hindi ka pwede !"- giit niya habang nag nagdadrive .
"okay lang ako ! hindi malala itong tyan ko . kailangan na nandun ako at hindi pwedeng hindi"-
"tsk ang kulit mo nman Kelly e"- inis niyang saad, at naiinis narin ako bat di niya maintindihan yon
"part yon ng trabaho ko kaya intindihin mo nalang "
"sarili mo lng nman ang inaalala ko, mahirap bang intindihin yon ??"- halos pasigaw na niyang saad kaya napamaang akong nakatingin sa kanya, ayan na naman siya sa paninigaw niya
napaiwas nalang ako ng tingin at hindi na umimik hanggang sa makauwi kmi . hindi rin siya namansin at dirediretso ng umakyat ng kwarto pagkapasok .
galit na nman siya .
ano ba yan !
uminom muna ko ng tubig bago umakyat sa taas . bahala nga siya kung galit siya, wala nman akong magagawa e trabaho yon at hindi naman kung ano lang,
nakaupo siya sa kama ng madatnan ko at parang ang lalim ng iniisip . hindi man lng siya lumingat ng pumasok ako sa loob at lumapit sa gawi niya .
ayoko ng ganito kami kaya ocge na . nagpasya na kong sabihin saknya ang gusto niyang mangyari .
"oy Claide"-
di siya umimik at namansin kaya umupo ako sa harap niya at hinawakan ang braso niya .
"wag kna magalit . Pasensya na kung pinag.aalala kita"-
"tsk"-
"Pasensya na nga e . promise after ng 3days conference na yon hindi na ko magrerenew ng contract sa kumpanya . magreresign na ko"-
hindi pa ko sigurado pero bahala na, saka siya napatingin sakin at parang hindi makapaniwala .
"totoo ??"
"ou para hindi kna magalit dyan . igigive up ko na ang trabaho ko . pero hayaan mo munang tapusin ko ang natitirang one month ko"- nakayuko kong saad .
labag talaga toh sa kalooban ko pero cge na para sa kanya . yon nman gusto nya dba ??
"wag ka nga umupo dyan "- hinila niya nman ako patayo, siya nakatingala sakin hawak ang dalawa kong kamay .
"hindi sa nagagalit ako Kelly, pero sana nman isipin mo yong sarili mo . bakit hihintayin mo pa matapos ang conference na yan bago magpacheck up ??"
"hayaan mo na kase . ayokong mahati ang atensyon ko, pano kung may sakit pla ko ? hindi ako makakafocus sa trabaho ko kaya gusto ko muna tapusin yon"-
napabuga nman siya ng hangin .
"okay . after ng conference mo ako mismo magdadala sayo kay Dr. Cruz"- napatango lng ako at yumapos siya sa bewang ko .
"hindi kna galit ??"- maya maya'y tanong ko sa kanya . ngumiti nman siya at pinaupo ako sa tabi niya .
"hindi nga sabi ako galit . nainis lng ako"-
"edi hindi kna naiinis ?"
"mainis man ako wala nman akong panalo sa katigasan ng ulo mo"- inungusan ko lng siya .
"May ulo bang malambot? so payag ka ng 3days ako dun sa tagaytay hah ?"-
"tsk ! ano pa nga ba magagawa ko ? basta tutuparin mo ang promise mo"-
"ou tutuparin ko yon"- napangiti nman siya .
"sorry din"-
"oh bakit ??"- takang tingin ko sa kanya
"hindi na nga maganda pakiramdam mo inaaway pa kita knina"-
ahah nakaramdam din ! . pero pagksama ko nman siya nagiging okay na ko,
"buti alam mo !"- hinila niya nman ako payakap sa kanya .
"ayoko lng kase na umalis ka . 3days pa tsk ! mag.isa akong kakaen, tutulog at babyahe ??"
"arte nito 3days lng eh"-
"tsk ! matagal yon ! 3days in 72 hours, 4320 minutes and 10,800 seconds"- napamaang ako sa kanya na parang gusto ko matawa .
"huweh ? kinumpute talaga ??"-
"pssh !"-
"haha ! yan yong inaadd mo siguro knina pagpasok ko noh ? haha aminin mo"- kinikiliti ko siya sa tagiliran naiwas lng siya at nagpipigil ng ngiti .
"hindi ! tsk . wag nga Kelly ang kulit mo"-
"yiee bat mo kinumpute ? oras, minuto at segundo na mawawala ako ??"- nakangiting tanong ko, pilit ko siyang kinikiliti pero hinawakan niya ang dalawang kamay ko .
"gusto ko eh, magaling lang din tlaga ko sa computation"-
"heh yabang !!"- muli niya naman akong niyakap .
sa tuwing yayakapin niya na ko parang gusto ko nalang ay magstay dun ng matagal, hindi rin pala nagkamali sila mama ng lalaki na nais nila sakin. Matagal na nilang gusto si Claide para sakin ako lang tong todo iwas at takas, akala ko kase malabo na magiging maayos ang samahan namin, lalo na at sa biglaang sitwasyon pa ang pagsasama namin
"3days din yon, hindi kita makikita, makakasama at mayayakap . isipin ko palang parang mababaliw na ko"- halos pabulong niyang saad kasabay ng pagbilis ng heartbeat ko,
(*__*)
para kong matutunaw sa tingin niya, minsan ko ng nakita ang tingin niyang yon pero hindi ko maalala kung saan at kelan . hanggang sa inilapit niya sakin ang mukha niya napapikit ako ng maramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa labi ko .
habang tinutugon ko ang bawat halik niya isa lng ang nasa isip ko na sinasabi nman ng puso ko .
Mahal ko na ata si Claide !
--