Kasalukuyan siyang nagliligpit ng ilang mga kalat ng makarinig siya ng doorbell. Pinakinggan niya pa kung sa kanilang pinto ba iyon o sa kabilang unit. ng tumunog ulit ay agad na siyang napahakbang palapit ng pinto. "Bruuhaaa!!!", napaawang ang bibig niya ng makita sa labas ng pinto ang kaibigan. agad siya sinalubong ng yakap niyo. "Jezz!!! pambihira, hindi ko alam na ngayon ka pupunta!", aniya dito ng makapasok sila sa loob ng unit nila. "Well, alam kong ngayon ang flight ng Asawa mo at naisip ko na baka nag iiyak kana dito mag isa", "Luka! OA hah? kita mo oh hindi ako prepared sa pagdating mo, nagliligpit pako ng mga kalat", "Okay lang teh, tatambay lang naman ako dito ng isang araw", "Ano pang magagawa ko e nandito kana?", natatawang saad nalang niya. "Kung ayaw mo naman pwede t

