Napangiti siya ng makita ang dalawang linya, kaya pala ilang araw ng masama ang pakiramdam niya mula pag gising at sa pagiging maselan niya sa pagkain ay dahil nagdadalang tao na siya. Gusto niyang magtatalon at magsisigaw pero sa tuwing kikilos siya ng pabigla ay sumasakit ito, excited narin siyang sabihin ito sa Asawa, ngunit hihintayin niya nalang na makauwi ito para surpresahin. "Anong nangyare nak?", saad ng mama niya mula sa likuran niya, sobrang lapad ng ngiti niya ng humarap dito at pinakita ang Pregnancy Test na may dalawang guhit, nanlaki din ang mga mata nito at sa sobrang sabik ay niyakap siya, "Magkaka apo na ako, salamat sa diyos", "Opo mama, binigay na niya ang hinihiling natin", nangingiti niyang saad, "Sasabihin naba natin sa mama Rica mo? tiyak matutuwa sila sa magand

