“I’M SORRY Luiz… siguro hanggang dito nalang talaga tayo. Maraming nangyari na hindi na natin maibabalik… masyado nang masakit ang kahapon. I guess this is it.” Aniya habang kausap si Luiz sa isang video-call. Nakita niyang napabuntong-hininga ito. “Dahil pa rin ba ito sa kasalanan ko noon? ‘Yung kay Monique?” kinuwento na kasi niya rito ang lahat. Na hindi naman talaga namatay ang kanyang anak at pinaampon niya ito. Hanggang sa umibig siya kay Jaime at ngayon nga ay kilala na niya kung sino ang anak niya. “I really love you, Georgianne. Alam kong nagkasala ako noon, naging selfish at ginusto kong ipalaglag ang anak mo… pero mabibigyan mo pa ba ako ng chance? Magiging mabuting ama ako,” malungkot na sabi nito. Tipid na ngumiti siya. “You don’t understand Luiz, buntis na ulit ako. At si J

