MONTHS AFTER "Senyorito Jaime! Si senyorita manganganak na...!" malakas na sigaw ni Matet sa gitna ng bukid. Para itong may gamit na megaphone dahil sa lakas ng boses nito ay nag-echo pa 'yon sa bukid. Pati yata ang mga paniki na natutulog ng gantong oras ay magigising sa napakaeskandalosang sigaw ni Matet. Lahat tuloy ng trabahador sa hasyenda ay nagkagulo. Hindi malaman ang gagawin. "Ha! Si Senyorita manganganak na...!" sigaw naman ni Natoy kay Matet. "Hindi naman siguro sira ang ulo ko para tumakbo mula bahay hanggang dito kung hindi, nasaan si Senyorito Jaime?" asik dito ng dalaga. Napakamot naman sa ulo si Natoy. "Parang nagtatanong lang eh... hindi ko nakita si Senyorito, huling kita ko sakaniya eh nasa fish pond at kumukuha ng tilapia," "Naku, nasaan ba si senyorito..." naga

