C22 CARLOTA POV “Honey ano ba ‘yang pinaggagawa mo?” asik ko sa kanya habang sinusulatan niya ang mga noo ng mga anak namin. “Nilalagyan sila ng number.” wika niya habang patuloy pa rin sa kanyang ginagawa. “Can’t you stop honey.” singhal ko naman sa kanya. “Honey how can I know them if I can’t do this. Kaya please hayaan mo na ako sa mga anak natin okay.” wika niya sa malanding boses. “Arayy naman honey, why you always hurt me, sinisira mo na talaga ang beauty ko.” Napa-iling naman ako sa kanya dahil totoo rin naman ang kanyang sinasabi. ‘yong mata niya kasi ay nababalot na ng itim dahil wala siyang tulog ka-aalaga sa mga anak namin at palagi ko pa siyang nahahampas. Paano kasi habang tumatagal kung ano-anong kabaklaan ang ginagawa. “Can’t you shut up. Hindi ka naman kasi maganda.”

