C21 CARLOTA POV “Honey!!” sigaw ko habang hawak ko ang aking tiyan. Dahil parang manganganak na ako. “H-honey! A-anong nangyari sa’yo?” hindi ko naman maiwasang mapangiti ng makita ang hitsura niya dahil namumutla ito. “Honey sumasakit ang tiyan ko.” wika ko na ikinagulat niya. “A-ano? My God! Honey b-baka manganganak ka na. OMG! OMG!” Hinampas ko naman siya sa kanyang braso dahil para siyang tanga habang pabalik-balik sa paglalakad. “Dalhin mo na kasi ako sa hospital! Ano ba kasi ang ginagawa mo!!” sigaw ko naman sa kanya. “Yeah! Yeah sorry honey hindi ko lang kasi alam ang gagawin ko my gosh,” wika niya at binuhat ako. Natatawa naman ako sa kanya dahil kaya niya pala akong buhatin kahit bakla siya. Pagdating namin sa kanyang kotse ay agad niya akong pina-upo sa upuan at nilagyan

