“Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo?” tanong ni Dante kay Jeremy na nag-iimpake ng mga gamit niya. Napatigil siya saka napatingin kina Dante at Arnold. Itong dalawa talaga ang tumulong sa kanya para makayanan niya ang trabahong ito. Ito din ang mga nagturo sa kanya sa dapat niyang gawin. Ito ang mga nag-guide sa kanya habang nangangapa pa siya sa trabaho ng isang escort. Napabuga siya ng hininga. “Gusto ko na din kasi maayos ang buhay ko at ang offer lang ni Vita ang magiging simula ko. Kapag hindi ko tinanggap ang offer niya sa akin na trabaho ay baka habang buhay na talaga ako sa trabahong ito. Ngayon lang may nag-alok sa akin ng ganito. Tatanggihan ko pa ba?” Pabagsak na umupo sa kama niya si Dante saka humarap sa kanya at tiningnan siya ng seryoso. “Umamin ka nga sa ak

