Pumasok si Sandra sa bar ng hotel. Nagtatanong kasi siya kanina sa mga staff kung nasaan ito at sinabing nasa bar nga ito ng hotel. Nagtataka siya kung bakit nando’n ang binata. Maayos na naman sila noong huli nilang usap. Nasa entrada pa lang siya ng bar ay nakikita na niya ang binata na nakaupo sa counter at umiinom ng alak. Malalaki ang hakbang niya na lumapit dito. “Je, tama na.” Kinuha ni Sandra ang alak na iniinom ni Jeremy. “Akin na nga ‘yan.” Pinilit niya itong inaagaw, pero mas inilayo ito ng dalaga para hindi niya makuha. “Ano bang nangyayari sa ‘yo? Bakit nagpapakalasing ka na naman?” Hindi na nito mapigilan na pagtaasan siya boses. “Akala ko ba okay na tayo? Nawala lang ako saglit, nagkaganito ka na.” Isang linggo kasi itong umuwi sa kanila at isang linggo s

