Nang idilat ni Vita ang mga mata niya ay ang mag-ama niya agad ang bumungad sa kanya. Nakayakap si Jeremy kay Jeremiah habang nakatalikod ito sa ama. Hindi niya maiwasan na mapangiti ng malaki. Magkamukhang-magkamukha talaga ang dalawa. Kung ganito lagi ang bubungad sa kanya ay araw-araw na magiging maganda ang umaga niya. Sa kama silang apat natulog kagabi. Gusto kasi ni Jeremiah na makatabi ang ama nito at ang Kuya Jelo nito. Kaya ang naging pwesto nila ay nasa kanan si Jeremy, katabi nito si Jeremiah, tapos si Jelo at siya. Wala na naman siyang nagawa ng magpa-cute ang mag-aama kagabi. Hindi na talaga siya makatanggi kapag nagsasanib pwersa na ang tatlo. Parang iisa lang ang mga utak nito at nagkakaisa para pasagutin siya sa nais ng mga ito. Pinagmasdan niya ang dalawa ng nakang

