“Monte.” Nang makababa si Monte sa bus ay agad siyang sinalubong ng kanyang tita at tito ng yakap. Yumakap naman siya pabalik dito. Nami-miss niya ang mga ito. Limang taon din niyang hindi nakita ang mga ito. “Kumusta ka na, Hijo?” Ngumiti lang siya dito dahil hindi naman talaga siya okay. “Huwag kang mag-alala, tumigil ka man sa paghahanap ng donor mo noon ay hindi naman kami tumigil.” Ginulo ng tito niya ang kanyang buhok. “Magiging maayos din ang lahat, Hijo.” “Salamat, Tito at Tita. Salamat sa lahat ng ginawa niyo para sa akin.” “Wala ‘yon. Alam mo naman lahat gagawin namin para sa ‘yo.” Hinaplos ng tita niya ang kanyang pisngi dahilan para mapangiti siya. Ang kanyang tito ay anak ng kapatid ng kanyang lola, pinsan na ito ng kanyang ina. Mababait naman ang mga ito sa ka

