Ilang linggo ng hindi nakita ni Mona si Monte. Sa pagkakaalam niya ay dumadalaw ito sa kanyang kapatid dahil palagi itong sinasabi ng ate niya. Nalaman niya sa Doctor ng kapatid niya na nakahanap na sila ng magaling na Doctor sa ibang bansa. Natutuwa siya dahil may pag-asa na daw na gagaling ang ate niya. Matagal man, pero worth it naman dahil gagaling ito. Ang problema ay ayaw pumayag ng ate niya. Ayaw nitong magamot. Ilang araw na niya itong pinipilit at ilang araw na din siya nitong nire-reject. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin para lang pumayag ito. “Umamin ka nga sa akin, Mona.” Napatingin siya dito. “May kinalaman ka ba kung bakit hindi tumuloy si Monte sa gagawing heart transplant namin?” Napaiwas siya ng tingin dito. Hindi kasi siya makatingin dito kapag nagsisinungaling

