Ilang linggo na simula nang umalis si Monte papunta sa ibang bansa para gawin ang heart operation nito. Nakatulala si Mona habang iniisip kung babalik pa ba ang binata at tutuparin ang pangako nito sa kanya. Ayaw man niya umasa at sinasabi sa sarili na huwag nang umasa ay hindi niya magawa. Hindi niya maiwasan na umasa na bumalik ito at tuparin nito ang pangako sa kanya. Alam niyang masasaktan na naman siya sa ginagawa niya, pero wala, eh. Mahal niya ang binata. Natawa siya sa isiping, kapag mahal mo talaga ang isang tao ay hindi mo maiiwasan na umasa sa kanya kahit pa alam mong imposible na mangyari ang mga bagay na gusto mo. Unang kita pa lang niya dito noon ay nakaramdam na siya ng kakaiba. Bumibilis ang t***k ng puso niya, nagwawala ang mga bulate sa kanyang tiyan niya, at masaya siy

